***Belle POV*** "SER Strike, naparito kayo? Pasok po." Wika ni nanay. "Hindi na ho, manang. Napadaan lang ho ako para ibigay itong pagkain nyo na naiwan sa mansion. Pinakisuyuan lang ho ako ni Manang Esme." Ani Strike at inabot ang plastic na may lamang dalawang container. "Ay, oo nga pala nakalimutan ko. Salamat, Ser Strike. Pasensya na rin sa abala." Saad ni nanay at kinuha ang plastic. "Wala ho yun, manang." Nakangiting wika ni Strike at bumaling sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Kinikilig na naman ako dahil nakita ko sya. Ang gwapo gwapo nya talaga. Ang tangkad pa at ang macho. Higit sa lahat ang bango bango pa. Kung may lalandiin man ako, syempre sya na yun. Ang ultimate crush ko. Kumunot ang noo ni Strike. "What happened to you? Bakit may mga galos ka sa mukha?" Tanong ny

