***Belle POV*** BUMUNTONG hininga ako habang marahan kong hinahaplos ang ulo ni Strike. Nakatulog na sya habang nakayakap sa akin at nakasubsob sa dibdib ko. Hindi ko naman tinigilan ang pag-haplos ng marahan sa kanyang ulo. Hindi na sya mainit at bumalik na sa normal ang temperature matapos uminom ng gamot. Ang dinadaing na lang nya ay masakit ang kanyang katawan. Sinabihan ko nga sya kanina na kung gusto nyang pumunta ng hospital para mag-pa-check up. Pero tumanggi sya. Hindi na raw nya kailangan yun dahil gagaling din sya agad. Kailangan lang nyang ipahinga ang katawan. Hindi ko na sya pinilit. Pero sinabi kong kapag umabot pa ng dalawang araw ang lagnat nya ay mapipilitan na akong tumawag ng ambulansya. Hindi na sya kumontra pa dahil alam nyang seryoso ako. Sinilip ko ang kanyang mu

