***Belle POV*** HINDI na ako nahinto sa kakapindot ng camera ng cellphone ko. Lahat ng magagandang view sa lugar ay kinukunan ko ng picture, maging ang langit, kabundukan, karagatan, damo, puno, bulaklak at ang rest house ni Strike na under construction pa. And of course hindi rin ako nagpahuli sa pagkuha ng picture sa sarili. May selfie, full body at pa-emote emote pa ng konte. May ma-i-u-upload na ako sa IG. Hinawi ko ng mga daliri ang buhok kong nilipad ng hangin. Pati ang dress na suot ko ay bahagyang nililipad rin. Mabuti na lang at medyo mahaba itong dress na suot ko kundi ay baka nasilipan na ako ng mga trabahador. Mahangin kasi dito sa lugar na pinagtatayuan ng rest house ni Strike. Elevated din ang lugar at maganda talaga pagtayuan ng rest house dahil maganda ang view. Sa kab

