Chapter 13: What They Didn't Know

1733 Words
CHASE'S POINT OF VIEW After Audrey left, I tried calling Reese several times ngunit biglang hindi ko na ito matawagan. I tried to text her as well, but it won't damn send. Mayamaya ay isang text ang natanggap ko mula kay Audrey, telling me I won't be able to contact Reese for a while. She was even sorry for it. Ganoon talaga siya ka determinado sa mga gagawin niya. I didn't know she could do that. Ni hindi ko nga rin alam up to what extent ang kaya niyang gawin. I tried texting Mario to contact Reese at sabihing importante ito ngunit hindi siya nagre-reply at sumasagot sa mga tawag ko. I was running out of options and every second wasted ay baka may masamang gawin na si Audrey. Worst baka may mangyaring masama sa kaniya. I immediately went back to the university para hanapin si Reese, but she was nowhere to be found. Kahit sa dorm ay wala ito. I gave up looking for her that night. Siguro naman ay maghahanap ito ng paraan para i-contact ako kung sakaling may masamang nangyari. Kailangan ko lang sigurong palipasin muna ang gabing iyon. Kinaumagahan ay si Reese kaagad ang unang pumasok sa isipan ko. Shet, para namang wala akong klase buong araw. Nakakainis dahil hindi ko man lang mahagilap kung nasaan ang babaeng iyon. I grabbed my phone and tried calling her ngunit naunahan ako ng isang numerong tumawag sa akin. It was Mario. "Hey, dude. Sorry I did not notice your text yesterday. May practice pala tayo mamaya. Doon mo na lang sabihin kay Reese kung ano iyon," bungad ng nasa kabilang linya. "No, contact her now. I need to talk to her, Dude..." "Teka, nandito na prof ko. May klase pa ako, maya na lang, bye!" Dismayado kong ibinaba ang telepono. Pagkatingin ko rito ay may text pala akong natanggap mula kay Audrey. I'm sorry, Loris Mabilis na nag-iba ang tempo ng paghinga ko nang mabasa iyon. What did you do, Aud? Agad akong naligo at nag-ayos para hanaping muli si Maurice. Patay talaga ako sa mga klase ko buong araw. Pangako magpapakabait ako at magiging mabuting istudyante pagkatapos ng lahat. "Ma, alis na 'ko!" sigaw ko upang marinig ni Mama na nasa kusina. Palabas na ako nang nag-ring ang telepono ko. Mula sa bulsa ay kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. "Hello? Sino 'to?" sagot ko. Inipit ko muna sa pagitan ng aking tainga at balikat ang telepono saka yumuko upang itali ang aking sintas. "Loris, si Chloe ito," sagot ng nasa kabilang linya. Agad na nabuhayang loob ako nang malaman kung sino ang tumawag. Akalain mo nga naman, sa kakahanap ko sa kanila, sila pa ang nakahanap sa 'kin.  "Thank goodness, Ate Chloe. Napatawag ka?" hindi ko na naitago ang kaunting saya sa boses ko. Maybe they could help, at napakagood timing ng pagtawag niya. "Loris, kasi..." Bigla akong kinabahan sa boses niya. Ilang segudong natahimik bago siya muling nagsalita, "Si Audrey..." Agad na napalitan ng panlulumo ang panandaliang kasiyahang iyon nang marinig ko ang mga sunod na sinabi ng kapatid ni Audrey. Ang noo'y mga paang patungo sana sa dorm upang makausap si Maurice ay kaagad na lumiko at patakbong tinungo ang istasyon ng bus upang dumiretso sa ospital na binanggit ni Ate Chloe. Gustong-gusto ko noong ipalipad ang bus na sinasakyan. Nang makarating ako roon ay sinalubong ako ni Ate. "I'm sorry I had to tell you this. Ikaw lang kasi ang kaibigan ng kapatid ko, ikaw lang din ang may alam ng sitwasyon niya," anito habang patungo kami sa silid kung nasaan si Audrey. Huminto kami sa harap ng isang pinto na nasa ikalawang palapag ng ospital. Marahan itong binuksan ng kaniyang kapatid at bumungad saakin ang puting kuwarto. "Loris, nandito ka," bati ng ina ni Audrey at agad akong niyakap. "Ano pong nangyari?" tanong ko rito. Sinundan ko ang mga mata ni Tita Grace na nakapako sa isang sulok. There, I found Audrey peacefully sleeping with machines around her body. What happened to you, Aud? It was scaring me, the way those machines were around her body. Para bang iyon na lang ang pag-asa niyang mabuhay. Parang napakadependent niya roon. "Nabigla kami ni Mama nang tumawag si Audrey kaninang madaling araw. She was telling us she feels weird and very very weak," panimulang kwento ng kapatid ni Audrey at naupo sa dulo ng higaan nito. Itinali niya muna ang hanggang balikat at maalong buhok na kagaya ng sa kapatid bago muling nagsalita. She was looking at her sleeping sister. "Kinabahan na kami ni Mama kaya't pinuntahan namin siya. Pagkabukas namin sa kwarto niya she was lying on the floor, almost lifeless," randam ko ang lungkot ng kapatid niya habang kinukwento ang pangyayaring iyon. It must have scared them so hard. "The doctors said she's in a coma, but they're still trying to figure out the possible cause. They can't seem to figure things out too. Pero syempre we know better than that." "Akala namin tumigil na siya sa paggamit ng kapangyarihan niya." This time, it was Audrey's mother who spoke. Maybe it was not that she used her powers. Maybe someone got curious at nagpaka-selfish. Hindi ako makapagsalita at nakikinig lang sa mga paliwanag ng kapatid at ina ni Audrey. I was looking at her breathing but almost lifeless body. Isang dahilan lamang ang pumasok sa isipan ko bakit nangyari iyon. It was Reese. Naiwan ako roon at buong hapong nagbantay kay Audrey. I tried to compose myself bago nagpaalam sa kapatid at ina niya. Kailangan ko munang komprontahin ang babaeng iyon. "Tita, thank you po sa pagtawag sa akin. Babalikan ko po si Audrey. May pupuntahan lang po ako," paalam ko rito at dumiretso sa university. Thinking na baka nasa practice pa sila noon ay dumiretso ako patungo sa CHSS Music Room. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang babaeng kahapon ko pa hinahanap. Kalalabas lang niya mula sa building. "Hey, buti nakarating ka. Teka..." anito nang makalapit ako. Agad kong kinakuha ang kamay niya at dinala siya sa isa sa mga kubo sa school grounds. "You used it, didn't you?" pag-aakusa ko. Tahimik ito at tila nanginginig. Marahil ay nabigla ito sa inasta ko noon. "Chase..." I felt guilty upon hearing her voice. Maybe I have acted impulsively and had immediately put the blame on her. "Just answer me, Reese!" But I cannot let my guard down at baka madala na naman ako sa maamo niyang mukha at madala sa awa. She should have informed me if something bad happened. We made a deal to help each other. So, I'm guessing ginamit niya iyon for a different reason. Dahil nakapokus ako sa reaksyon ng babaeng kaharap ay hindi ko napansin at bigla na lang may kumalas sa pagkakahawak ko sa kaniya. "Ross..." pagtawag niya sa lalake. "Huwag ka'ng makialam dito..." Naputol ang sasabihing kong iyon nang bigla may tumamang kamao sa aking mukha. Literal na nanlabo ang mga mata ko dahil sa nahulog kong salamin. I was not expecting that. Kahit malabo, I glanced at the Ross she was talking about, and then I found Reese behind him. Scared but somehow relieved na dumating ang lalake. She used it. You must be happy now, Reese. "Yeah, you sure did use it," mahinang tugon ko. Dismayado ako sa ginawa ni Reese. We had an agreement. Dahan-dahan akong tumayo, isinuot ang salamin kong nahulog at mahinahong nagsalita. "Audrey's in a coma. Just so you know," tuon ko. Nakita ko pa itong naiiyak at niyakap ni Ross bago ako umalis. I cleaned and treated my wound bago bumalik sa ospital para bisitahing muli si Audrey. Napaisip ako sa nangyari habang patungo sa silid nito. Maybe I really have acted impulsively, hindi ko man lang pinakinggan si Reese. Just look at how hypocrite I am for thinking that Reese is prone to doing impulsive things when she's emotional, but there I was overwhelmed by what happened to Audrey and immediately put the blame to Reese. You really tend to regret the things you have done when you're emotional. Bahala na nga muna. Pagkapasok ko sa kwarto ni Audrey ay nadatnan ko ang ate nitong nagbabasa ng libro sa isang sulok. "Loris, you don't always have to be here. Sapat na iyong bumibisita ka sa kapatid ko minsan. I know you have your life to think of too," nag-aalalang sabi ni Ate Chloe. She has been my second life, Ate. And she's lying on that bed looking lifeless. Mas lalo kong sinasaktan ang sarili ko sa mga naisip. "Ate Chlo, I have to tell you something..." I said as I sat at the empty chair next to her. I told her about everything I had known. From Audrey offering a love potion to Maurice hanggang sa koneksyon nito kay Ross, whom she said was the one she was looking for. Napaisip ang kapatid niya at naibaba ang librong hawak. "I don't know. What was the name of the guy, again? You sure it's Ross?" pagkaklaro niya. Tumango ako bilang sagot. "But I think it's really impossible na maging siya iyon. Maybe Audrey had mistaken Ross for him. I am very certain na naroon lang siya sa mundo namin," pagtukoy niya sa lalakeng gustong paghigantihan ni Audrey. It made me really curious kung ano ba talaga ang mayroon sa lalakeng iyon. Ano ang nagawa nito upang magalit ng ganoon si Audrey? Anong ginawa nito para mapunta sina Audrey at ang pamilya niya sa mundo ng mga mortal? "But why a love potion?" Nilingon niya ang natutulog na si Audrey nang sabihin niya iyon. Hindi ito naging tanong para sa akin kung hindi para sa kapatid. "Will she be okay?" pagtukoy ko kay Audrey. Napapikit ang kapatid nito. "I hope so. Let's hope she still has enough strength to wake up," malungkot niyang sabi. It made my heart skip a beat. The thought of Audrey not waking up. "And I'm afraid, siya lang ang makaka-ayos ng lahat. We no longer have magic unlike her." "You mean, wala ng ibang paraan para baguhin lahat kung hindi siya lang? Isn't that another risk if... I mean, when she survives this? She'll have to use her magic again to undo the effect of that potion" pag-angal ko sa ideyang naisip ng kapatid niya. "I know, Loris. But just so you know, a love potion is very scary. It never runs out unlike other potions and spells. It's too strong na wala itong pinipiling kayang gawin for that one he or she loves," paliwanag niya. "Everyone knows in the Witching World that love is one of the most powerful things in the world, intervened with magic, just imagine the effect it could have to a person," patuloy niya. Nabahala ako sa sinabi ni Ate Chloe. Then Reese have made a decision na maari niyang pagsisihan. I took a glance at Audrey once again. Please wake up, Audrey. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD