Destined to be together

2554 Words
Maghigit isang linggo na simula ng araw na natulog si Chelssey sa apartment ni Samuel at hindi na naulit dahil naging busy sa school sobrang daming nyang ginagawa. Habang naghihintay si Chelssey sa sunod ng klase nakatanggap sya ng tawag mula kay Jo. Nakikipagkita ito sa kanya kaya dali-daling nag ayos ng gamit si Chelssey, tiningnan nya ang relo at napangiti ‘tamang-tama may isang oras pa bago ang sunod kung klase.’ Nagmamadaling umalis si Chelssey hindi man lang nya napansin ang pagtawag ng kasamahan nya. Nagtawag sya ng taxi para mas madali syang makarating sa napag usapan nilang lugar. Pagdating nya sa lugar umakyat sya sa hagdan at kumatok sa pintuan. Nasa apartment sya ni Jo dahil ito ang nag usapan nila, gusto kasi ni Chelssey na maging pribadi ang pag uusap nila at para hindi rin makahalata si Samuel. “hi! Nakuha mo ba lahat?”bungad na tanong nya kay Jo ng buksan nito ang pintuan. “yeah, halika pasok. Make your self comfortable.”tumango sya bilang sagot. “sandali lang at kukunin ko.”pumasok si Jo sa loob ng kwarto at paglabas may dala-dala na ito folder. Iniabot sa kanya ni Jo ang folder ng makalapit ito sa kinauupuan nya. Binuksan at binasa ni Chelssey ang laman ng folder. “Samuel filed a case against Grace Padilla and her friends pero hindi umusad ang kaso dahil walang matibay na ebidensya. At hindi rin naniwala ang mga pulis na isang syang rape victim. And one more thing may nakitang drugs sa blood sample nya.”nanggagalaiti sa galit si Chelssey sa nababasa nya. “may nakita ring mga pasa  sa buong katawan ni Samuel tanda na pinahirap muna sya bago ginahasa.”nakuyom ni Chelssey ang kamao halos malukot na nya ng papel na hawak. “ibig sabihin gusto ng babae na sinasaktan muna ang biktima nya.”tumango-tango si Jo bilang pagsang ayon. “alam ba ng mga magulang ni Samuel ang nangyari sa kanya?” “unfortunately yes, pero wala ring magawa ang mga ito, maimpluwensyang tao ang ama ni Grace Padilla. Binayaran ng ama nito ang mga pulis even the attorney na kinuha nila Samuel binayaran din. Walang nagtangkang tumulong sa kanila. Kaya napilitan ang mga magulang ni Samuel an iurong ang kaso.”mahabang lintanya ni Jo. “nakuha mo ba ang medical record ni Samuel sa therapist nya?” “yes. Here.”iniabot ni Jo kay Chelssey ang papel na naglalaman ng record sa therapy session nito. Nalungkot si Chelssey ng basahin nya ang laman ng papel. Matagal-tagal din bago naover ome ni Samuel ang trauma nito. “by the way si Maris Garcia at ang pamilya nito ang tumulong kay Samuel sa therapy nito. Her brother is a rape victim too, nagpakamatay ito dahil hindi kinaya ang kahihiyan at ang traumang naranasan and guest who’s the suspet.”kumunot ang noo ni Chelssey parang alam nya na kung sino, “who?” “the one and only,Grace Padilla at hindi lang sila dalawa ang biktima nito marami na pero wlang naglakas ng loob para kasuhan sya.”tama ang hinala ni Chelssey, “it means, she a s*x maniac?”  “yes, and a drug addict, pinadala sya ng magulang nya sa US para ipagamot and now she’s back.” “nagagamot ba ang sakit na yun?”nagkibit balikat si Jo “I don’t know, pwedeng alibi lang ng pamilya nya yun para matakasan ang gulong ginawa ng anak nila” “may point ka, pero mukha naman syang disenting babae ng makita naming sya sa restaurant.” “so… nakita muna pala sya?maganda ba sya?sexy?”bahagyang natawa si Chelssey sa naging reaksyon nito. Umiling- iling ‘basta talaga babae ang pag uusapan matinik ang isang to.’ “yeah,sort of” “ok then dadalhin ko muna to, thank you so much Jo. I owe you one.”tumayo na si Chelssey at nagpaalam sa kaibigan, kailangan pa nyang bumalik sa eskwelahan. “so what’s your plan?”seryosong tanong nito sa kanya. “pag iisipan ko pa, tatawagan kita kung kailangan ko ng tulong mo.” At tuluyan na syang lumabas ng apartment ni Jo. Pabalik na sya sa eskwelahan ng matanggap sya ng mensahi mula kay Samuel. Sinabi nitong hindi sya masusundo dahil may importanteng lakad ito at baka gabi na makauwi. She reply ok  to him. Pagdating nya sa eskwelahan sakto lang ang dating nya at simula nan g sunod nyang klase kaya dumiretso na sya sa classroom kung saan naghihintay ang mga estudyante nya. Pagkatapos ng klase may meeting pa sya sa student counsil dahil sya ang tumatayong adviser ng mga ito. Dumating ang oras para sa meeting ng student counsil. Napag usap ang dapat gawin ng mga kasapi ngayong darating na semistral break. Napagkasunduan ng lahat na gumawa ng tree planting activities, dahil bakasyon naman naisipan ng president ng counsil na maghanap ng mga volunteer student para sumama sa kanila. Sumang ayon si Chelssey sa ideya ni Elsa. Nakakatuwang sobrang active ng mga kabataan ngayon sa mga outdoor activities at para protektahan ang kalikasan. Dahil sa sumang ayon naman ang lahat ng member mabilis na natapos ang meeting nila. Pasado alas singko na ng hapon ng makauwi si Chelssey sa bahay nila. Napagod sya sa maghapong ginawa sa paaralan. Pagdating nya sa bahay, nagtaka sya ng makita ang sasakyan ni Samuel na nakapark sa bakuran nila. Papasok na sana sya sa loob, ng makadinig sya ng nagtatawanan sa may garden. Bunga ng pagtataka, pinuntahan nya ang direksyon ng nagtatawanan. Doon nya nakita nga mama nya at ang mama ni Samuel na nag uusap tungkol sa mga tanim na bulaklak sa garden nila, isang certified halamom ang mama nya. Kaya maraming nakatanim sa garden nila sari-saring bulaklak at may gulay din. Tumikhin sya bago nagsalita. Lumingon ang mga ito sa kanya at malawak na ngumiti. “magandang hapon po sa inyo”nagmano sya sa kanyang ina ganon din sa mama ni Samuel. “oh! Iha dumating na ka pala?kanina ka pa dyan?”lumapit ito sa kanya at niyakap sya. “kadarating ko lang po Tita Jane.”alam ng mga magulang ni Samuel na magkarelasyon sila dahil minsan na syang nakapunta sa bahay ng mga ito at pinakilala sya ni Samuel bilang kasintahan. “ay! kung ganon halina kayo sa loob at ng mapag usapan na natin ang mga detalye” excited na sabi ni Tita Jane at nauna ng maglakad sa kanila. Inakbayan nya ang kanyang mama at binulungan ito. “ma ano po ang ginawa ni Tita Jane dito?at anong detalye ang sinasabi nya?”nagkibit balikat lang ang mama nya. Naguguluhan si Chelssey, hindi nya alam kung ano ang nangyayari. “hindi lang sya ang nandito anak, pati asawa nya na si Rene at nandito rin ang kapatid na babae ni Samuel na si Shasha.” “what?!bakit daw ma?”tikom ang bibig ng mama nya at tipid na ngumiti. Napisip si Chelssey ‘ang sabi nya may importanteng lakad sya?’ napakamot sya sa kanyang ulo ‘ano ba talaga ang nangyayari?’ Pagkapasok nila sa loob ng bahay nakita nyang nakaupo sa sofa ang papa nya at kapatid ni Samuel kasama ang papa nito. “good evening po papa, Tito Rene, Shasha.” Binati nya sa mga ito, lumapit sya sa dalawang nakakatandang lalaki at nagmano. Nilapitan nya si Shasha para kamustahin ito. Nakakabatang kapatid ni Samuel si Shasha. Close sila nito dahil palaging sumasama sa kanila si Shasha sa tuwing may gala ang barkada. Napkunot noo sya ng hindi nya makita si Samuel. ‘saan kaya ang isang yun?hindi sya pupunta kaya ang pamilya nya ang pinapunta nya dito?’Naputol ang pag iisip ni Chelssey ng magsalita si Shasha. “si kuya Samuel ba ang hinahanap mo ate?” Tumango sya bilang pagsang ayon sa dalaga. “ay naku anak, baka nasa kwarto mo, nagpaalam kasi sya kanina na iidlip sandali, kaya doon ko na pinatulog sa kwarto mo.”nagulat si Chelssey sa sinabi ng mama nya. ‘patay!ang kalat ng kwarto ko.!’ “ma naman?nakakahiya?”naiinis ng turan sa mama nya. “Chelssey wag kang ganyan may bisita tayo.”saway ng papa nya. Humingi sya ng paumanhin sa inasal nya at nagpaalam na aakyat sa kwarto. “pakigising na lang din si Samuel, kakain na tayo!”pahabol ng mama nya. “opo!” nang makapasok si Chelssey sa loob ng kwarto nya, nakita nya si Samuel na mahimbing ang tulog sa kama nya. Inilapag nya ang mga dalang gamit sa table at nilapitan ang kasintahang natutulog sa higaan nya. Tiningnan nya nag mukha nito ‘ang gwapo ng boyfriend ko, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay at mapupula ang mga labi at syempre masarap humalik ’napakagat labi si Chelssey sa naiisip. Umupo sya sa tabi nito at hinaplos ang mukha ng nobyo, mukhang napagod nga ito dahil mahimbing ang tulog. ‘gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustiya ang nangyari sayo,’ Nagpasya na syang tumayo para makapagpalit ng damit, mamaya nya na lang gigisingin ang nobyo. Tatayo na sana sya, ng biglang gumalaw si Samuel at niyakap siya. Napasubsob si Chelssey sa dibdib nito, amoy na amoy nya ang pabango ni Samuel. Mahigpit ang pagkakayakap ni Samuel sa kasintahan. Namiss nya ito ng sobra kahit magkasama naman sila palagi still he miss her a lot. He feels his heart beat beating so fast sa tuwing magkalapit sila ni Chelssey. Sa kasintahan nya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. “I miss you love” bulong nya sa tainga nito. “namiss din kita”napangiti si Samuel, the feeling is mutual na miss din pala sya ng kasintahan. “love?anong ginagawa ng pamilya mo dito?sabi mo may importante kang gagawin?”umalis ito sa mga bisig nya at humarap sa kanya. “mamamanhikan.”maikling sagot ni Samuel kay Chelssey. Kumunot ang noo ni Chelssey sa narinig. “ha?bakit hindi mo sinabi sa akin?” bumangon si Samuel at umupo sa harapan nya. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Chelssey at seryosong tumingin sa mga mata niya.  “love Ikaw ang naging insperasyon ko para malampasan ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Sayo ako humuhugot ng lakas sa bawat araw na nagdaan, malayo ka man tayo sa isa’t isa hindi naging hadlang yun para mahalin ka .”napangiti si Samuel habang inaalala sa isip nya ang mga ginawa nya noon. Habang si Chelssey naman hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Samuel sa kanya.  “ weird man pakinggan pero, alam mo bang pinaprint ko ang mga photo mo sa sss? At ginawa kong album? Palagi din akong updated sa lahat ng ginagawa mo. Kahit saan man ako napadpad hindi ka nawala sa puso’t isip ko. Wala pa akong naging girlfriend sa buong buhay ko Chels. Dahil naghihintay ako ng pagkakataon na maligawan ka. At nagpapasalamat ako sa diyos ng binigay nya sa akin ang nag iisang pagkakataon na meron ako. Mahal na mahal kita Chelssey ng buong puso at kaluluwa. Ayokong mawala ka pa akin at sayangin ang pagkakataon na binigay nya para makasama ka ng panghabang buhay.”tumulo ang luha ni Chelssey hindi nya maiwasang maging emosyunal sa lahat ng mga sinabi ni Samuel sa kanya. Mahal na mahal din nya ang nobyo at nakahanda syang pakasalan ito. “ your my life Chelssey, my everything. Gusto kong makasama ka habang buhay. I want you to be my wife” lumuhod si Samuel sa harapan nya, may hawak itong red box na may lamang gold diamond ring. Napatakip si Chessey sa kanyang bibig habang patuloy nag pag agos ng mga luha nya. “love, will you marry me?”kinakabahang tanong ni Samuel. Natatakot sya baka umayaw ang nobya. “yes love, I will marry you!” “yes!”napatalon si Samuel sa tuwa. At  Isinuot sa daliri ni Chelssey ang singsing niyakap ni Samuel ng mahigpit ang kasintahan. “hindi ako makapaniwala ikakasal na tayo! thank you love!”masayang masaya si Samuel dahil sa wakas pakakasalan sya ng babaeng mahal nya. Bumitiw sya sa pagkakayakap sa dalaga at sinapo ang mukha nito at tinitigang mabuti ang mukha ng nobya. “I love you Chelssey Alcantara,” “I love you too Samuel Perez.”inangkin nya ang mga labi ng dalaga. Isang mapusok na halik ang ginawad ni Samuel kay Chelssey na buong puso namang tinugon ng dalaga. Pinagdikit ni Samuel ang mga noo nila ng parehong bumitaw sa halikan nila. “I can’t wait for us to get married.” “me too”sobrang saya ni Chelssey. Mahal na mahal nya si Samuel at nakahanda syang ibigay ang lahat kung ang kapalit naman ay kaligayahan ng nobyo. She feel the urged to tell Samuel about the man in her dreams. Gusto nyang malaman ng nobyo na palagi nya itong napanaginipan bago pa man sila nagkita. “love?do you believe that dreams do really come true?”naguguluhang umiling si Samuel kay Chelssey, hindi nya maintindihan ang ibig sabihin ng nobya. Matamis na ngumiti si Chelssey at tumikhim bago nagsimulang magsalita.    “Bago pa nangyari ang lahat ng ito, may isang lalaki na palaging kong napapanaginipan.” Bumangon na si Chelssey sa pagkakahiga sa damuhan at umupo paharap kay Samuel. Napansin ni Chelssey na bumanagon din si Samuel at umupo habang nakatukod ang isang kamay damuhan. Nagpatuloy sya sa pagkwento. “I don’t mind it at first, pero sa tuwing matutulog ako palaging pumapasok sa panaginip ko ang lalaking. Hindi alam kong bakit sya palagi ang laman ng mga panginip ko, pilit kung mang kalimutan ang tungkol doon palagi pa rin sya dumadalaw sa panaginip ko” nagtagis ang mga bagang ni Samuel sa mga narinig na kwento ni Chelssey pero hindi nya pinapahalata sa kasintahan na pinapatay na nya sa isip kung sino man lalaking iyon. “hanggang sa hindi ko na namalayan at nagugustuhan ko na nag lalaking iyon, hinihintay ko palagi ang pagdalaw nya, nasasabik akong makita sya kahit sa panaginip lang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon but then I realized that I love that man. Kaya siguro hindi ako nagkakaboyfriend noon kasi hinihintay ko ang lalaking yon na dumating. Until one day, I saw the man in my dreams, hindi ako naniwala nung una.”inangat ni Chelssey ang kanyang ulo at tiningnan ang boyfriend, ramdam nyang naseselos ito. Napangiti sya sa kaisipang nagseselos si Samuel. “but then, dreams do really come true dahil ang lalaki sa panaginip ko ay nasa harapan ko ngayon at ramdam ng puso ko ang pagmamahal nya sa akin. You’re the man in my dreams, Samuel Perez and I love so much”napangiti si Samuel sa narinig ‘s**t!nagseselos ako sa sarili ko!’ ang lalaking kanina pa nya pinapatay sa isip nya ay ang sarili nya mismo. Kaya pala wala itong naging boyfriend dahil hinihintay pala sya nito. Sinapo nya ang mukha ni Chelssey at binigyan ito ng isang magaan na halik. Niyakap nya ang nobya, sobrang saya ni Samuel nag uumapaw sa kaligayahan ang puso niya. ‘They are destined to be together’  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD