Pasikat na ang araw ng magising si Chelssey nakaramdam sya ng gutom kaya nagpasya syang bumangon para makapag almusal. Napansin ng wala na si Clarisse ‘ang aga naman nagising ng isang yun?’ she freshen up first before hiding outside. Pagdating ni Chelssey sa resto ng resort, umorder kaagad sya ng breakfast at kape. Hindi mabubuo ang umaga ni Chelssey kapag walang kape at almusal, ganito na ang nakasanayan nya dahil maaga syang pumapasok sa trabaho at palagi syang pinaghahanda ng almusal ng mama nya. Pagdating ng order ni Chelssey, nagsimula na agad sya sa pagkain. Habang kumakain si Chelssey, nahagip ng mata nya si Samuel na may kausap na babae. Masayang nag uusap ang dalawa at sa palagay nya close ang mga ito, she can see the way they approach each other parang ang tagal na itong magkakilala. Napakunot noo sya ng kumapit ang babae sa braso ni Samuel. At naglalakad ang mga ito papasok sa loob ng restaurant kung saan sya kumakain. Ibinalik nya ang atensyon sa pagkain, ng papunta ang mga ito sa direksyon kung saan sya nakaupo.
“hi!good morning, Chelssey.” inangat ni Chelssey ang paningin at nakangiting mukha ni Samuel ang nakita nya. Napansin rin nyang kasama nito ang babae kausap. Maganda ito at maputi ang kutis, matangos ang ilong at may papupulang mga labi, maganda rin ang hubog ng katawan nito. Para sa kanya perfect ang physical appearance nito mula ulo hanggang paa. She smiled sweetly.
“good morning, nagbreakfast na ba kayo?”nakita nyang umiling si Samuel.
“come join me, by the way im Chelssey and you are?”she stand up and extended her hand.
“sorry I forgot, she’s Maris a close friend of mine, Maris sya naman si Chelssey Alcantara.”nakangiting pagpapakilala ni Samuel sa kanilang, tinanggap ni Maris ang kamay ni Chelssey para kamayan ito.
“hi! Im Maris, Maris Garcia its nice to finally meet you Chelssey”maligalig nitong pagpapakilala sa sarili. Magaan ang pakiramdam ni Chelssey kay Maris, sa palagay nya magiging magkaibigan sila.
“me too.”nginitian ni Chelssey ang kaharap at inaya itong umupo.
“so, ikaw pala si Chelssey, palagi kang kinukwento ni Samuel sa akin noong nasa college pa kami.”tiningnan ni Chelssey si Samuel pero umiwas ito ng tingin sa kanya.
“sana maganda ang mga kinukwento nya.”nakangiting turan ni Chelssey , Matamis naman na ngumiti si Maris kay Chelssey.
Umupo na ang dalawa at nag order ng makakain. Nakaharap si Samuel sa kanya habang nasa gilid naman nya nakaupo si Maris. Pinagmamasdan ni Chelssey sina Samuel at Maris na masayang nag uusap, they seem so close, there both catching up things. Pakiramadam ni Chelssey na out of place sya sa mga ito pero binalewala nya ang nararamdaman, naiintindihan nyang matagal-tagal din ang mga itong hindi nagkikita. Nang dumating ang pagkaing inorder ng mga ito. Natataka sya ng makitang sandwich at coffee lang ang pagkaing nasa harapan ni Samuel. Nang tingnan ni Chelssey si Maris, sandwich lang din ang pagkain nito pero hindi kape ang order nito kundi tea. Napansin nitong nakatingin sya rito particularly sa pagkain nito. Ngumiti ito sa kanya bago nagsalita.
“im on a diet.”tumango-tango sya at tiningnan si Samuel.
“yan lang kakainin mo?”nagtatakang tanong nya rito.
“usually kape at tinapay lang ang breakfast ko” napailing sya at humingi ng extra plate. Nang maiabot na sa kanya ng waiter ang platong hiningi nya, sinimulan nya itong salinan ito ng pagkain.
“don’t you know that breakfast is the most important meal of the day?” pangaral nya rito sabay bigay kay Samuel ng platong nilagyan nya ng pagkain,
“kainin mo yan, magagalit talaga ako sayo kapag hindi mo yan kinain. Simula ngayon kanin at ulam na ang breakfast mo.ok?”dagdag pa ni Chelssey. Tumango lang si Samuel sa dalaga, gagawin nya ang lahat para mapasaya ito. Hindi sya mag atubiling sundin lahat ng gusto nito.
“I didn’t know na masunurin ka pala Sammy!”may halong panunukso ang pagkakasabi nito kay Samuel. Tumawa ng malakas si Samuel sa siinabi ni Maris. Alam nitong hindi sya kumakain ng kanin sa agahan. Simula ng nagkakilala sila noong lumipat sya sa university na pinapasukan din ng dalaga. Naging magkaibigan na sila, bukod kay Jo alam din ni Maris ang pinagdanan nya. Hindi sya hinusgahan ni Maris ng malaman nito ang nangyari sa kanya bagkus dinamayan pa sya nito at tinulungan na makabangon. Tulad nya HRM din ang kursong kinuha ng dalaga di tulad ni Jo na criminology ang kinuhang kurso.
“aaww…im jealous.”umarte itong parang nasasaktan.
“don’t be, your still special to me.”matamis na ngumiti si Samuel kay Maris, napaangat naman ng tingin si Chelssey sa marinig nya mula kay Samuel. Nakita nyang kinurot pa nito ang pisngi ni Maris.
“your so sweet Sammy, parang naiinlove na yata ako sayo.”hindi maiwasan ni Samuel tumawa ng malakas sa kabaliwan ni Maris. Maloko talaga ang dalaga sa tuwing silang dalawa ang magkasama. Napukaw ang atensyon nila ng tumikhim si Chelssey. Napangiti sya sa nakikitang reaksyon ng mukha ni Chelssey. Gumana ang plano ni Maris na paselosin ang dalaga.
“excuse me, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng bumalik sa villa namin at baka hinahanap na ako ni Clarisse.” Tumayo na ito at naglalakad palabas ng restaurant. Nakatingin lang si Samuel sa papalayong si Chelssey.
“I think, she like you.”kunot-noong tiningnan ni Samuel ang kaibigan.
“how did you know?”nagkibit balikat ito bago nagsalita.
“nahh..i can feel it. the way she care for you, the way she look at you and I know she’s jealous with me. Im a woman at alam ko kung paano tumingin ang isang babae sa taong nagugustuhan nya. Our plan works, happy now?”nakangiting tumango tango si Samuel kay Maris.
“so pano? I’ll go ahead may meeting pa ako.” tumayo na ito at naglakad paalis pero bago pa tuluyang nakalayo si Maris nagsalita itong muli.
“Sammy you need to tell her the truth first before its too late,”paalala nito at tuluyang ng umalis. Napaisip si Samuel sa sinabi ni Maris sa kaya. Tama ang sinabi ng kaibigan nya, pero paano nya sasabihin sa dalagang minamahal ang madilim nyang nakaraan kung natatakot syang husgahan at baka layuan pa sya nito. Nasapo ni Samuel ang ulo, hindi nya alam kung ano ang gagawin. Pero kailangan malaman ni Chelssey ang tungkol sa pagkatao nya.
Nang magising na ang lahat nagpagkasunduan ng magkakaibigan na pumunta sa underground river at subukan ang Ugong rock adventures. Tuwang tuwa ang makakaibigan habang sinusubukan ang lahat ng activities meron ang isla. Kinahapunan nag island hoping naman sila at sumisid sa Tubbataha reef. Dahil sa takot si Chelssey sa tubig dagat at hindi sya marunong lumangoy. Nagpaiwan na lang sa Bangka nirentahan nila. Pinanood nya na lang ang mag kaibigan nyang sumisisid sa ilalim ng dagat.
“ikaw mam?baka gusto nyo ding sumisid?”ngumiti at umiling sya sa bangkirong kasama nila. Simula ng trahedyang iyon hindi na sinubukan ni Chelssey na lumusong sa dagat. Nanginginig ang buong katawan nya sa tuwing dumadampi ang tubig dagat sa balat nya. Kaya lang sya sumasama sa mga kaibigan sa tuwing mag aya ang mga ito na maligo sa dagat dahil pakiramdam ni Chelssey nakakasama nya ang kanyang kuya kapag nasa beach sya. Ang nag iisa nyang kuya, hinawakan ni Chelssey ang kanyang dibdib, she feel a fang of pain everytime she’s in the sea. Pakiramdam nya nasa paligid lang ang kuya nya at nagmamasid sa kanya. Kung hindi sana naging matigas ang ulo nya, buhay pa sana ang kuya nya. She felt guilty everytime na maisip nya ang pangyayaring iyon.
“hey!talaga bang ayaw mong sumama sa amin?”pukaw ni Russel sa kanya. Pasimpleng pinunasan ni Chelssey ang pisngi bago hinarap si Russel.
“no..hihintayin ko na lang kayo rito.”tumango ito bago tuluyang tumalon sa tubig. Hinanap ng mga mata ni Chelssey si Samuel pero hindi nya makita, kanina pa ito wala, hindi rin ito sumama sa kanila kaninang umaga. ‘Nasaan kaya ang isang yun?Maybe his with Maris. She felt jealous kapag naiisip nyang magkasama ang dalawa. ‘Sabi nya, mahal nya ako pero bakit iba ang kasama nya?’maybe everything is just a dream, hindi totoong mahal sya ni Samuel. Nasaktan si Chelssey kapag naiisip nyang hindi totoo ang lahat ng mga sinabi ni Samuel sa kanya. Aaminin nya nagseselos sya kay Maris, naiinggit sya sa closeness ng dalawa. Magkaibigan nga sila ni Samuel pero hindi sila ganon kaclose tulad ng sa kanila ni Maris. She shake her head, iniwaksi nya sa isipan ang bagay na yun at inaliw ang sarili sa mga magandang tanawin na nakikita nya.
Hapon na ng makabalik sila sa resort, nagpahinga lang sila sandali at kumain ng dinner bago bumalik sa dalampasigan para magbonfire. Everything is set, nakaupo sila palibot sa apoy at syempre hindi mawawala ng inuman. Nagsilang tumugtog ng gitara si Kurt, at sinabayan naman ni Faith ng kanya. No wonder naging magkarelasyon ang dalawa, their both into music. Napapikit si Chelssey at dinadama ang tugtog.
“pwede ba kitang maisayaw?”napadilat si Chelssey at inangat ang tingin, nakita nya si Samuel na inaalok ang kamay nito sa kanya. Nagdadalawang isip man sya sa huli, tinanggap din nya ang kamay ni Samuel. Tumayo sinayaw ang binata, nakatitig lang ito sa kanya at hindi nagsasalita. Tatanungin nya sana ang lalaki, kung saan ito galing at kung bakit hindi ito sumama sa kanila pero inunahan na sya nitong magsalita.
“im sorry kung hindi ako nakasama sa inyo kanina, something important came up.”she ‘ok’ and smile to him. Wala syang magagawa, she have no right to be mad. Wala naman itong ginagwang mali.
“I miss you.” Bulong nito sa kanya. Pakiramdam ni Chelssey na nanaginip lang sya. ‘Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising pa, no doubt she love this guy.’ Ipinatong nya ang kanyang ulo sa dibdib nito at pinakinggan ang t***k ng puso ni Samuel. She can feel the fast beating of his heart, katulad ni Samuel mabilis din ang t***k ng puso nya. Pakiramdam nya para syang nakalutang sa alapap habang sinasayaw sya ni Samuel. Natapos ang kanta ng hindi nya namamalayan. Bumalik na sila sa kanilang upuan, this time magkatabi na silang nakaupo. Hindi pa rin binibitawan ni Samuel ang kamay ni Chelssey.
Malalim na ang gabi ng mapagpasyahan ng lahat na matulog. Bukas na ang balik nila sa Maynila, naging masaya ang weekend getaway nila. Hinatid ni Samuel ang dalaga sa villa nito. Bubuksan na sana ni Chelssey ang pintuan ng hatakin sya ni Samuel payakap sa mga bisig nito.
“I love you very much Chelssey”malambing nitong sabi kanya. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ang mukha nya.
Unti unting inilapit ni Samuel ang mukha nya sa mukha ni Chelssey,at hinalikan ang mga labi nito, sa una ay dampi lang, hanggang sa lumalim at naging mapusok ang mga halik na ginawad ni Samuel kay Chelssey. Naramdaman ni Samuel na umangat ang mga braso ng dalaga at kumapit sa leeg nya. Hindi alam ni Samuel kung ano ang nangyayari sa kanya, tuwing magkasama sila ni Chelssey may kung anong nag uudyok sa kanya na angkinin ang mga labi nito. Bawat kibot ng mga labi ng dalaga nakakaakit para sa kanya. Gusto nyang palaging matikman ang matatamis nitong mga labi. Naaadik sya rito. Hingal sila pareho ng bumitaw sa halikan parehong hinahabol ang hininga. Pikit matang pinagdikit ni Samuel ang kanilang mga noo,
“I love you to Samuel, hindi ko alam kung kailan nagsimula……” hindi na natapos ni Chelssey ang sasabihin nya,ng muling inangkin ni Samuel ang kanyang mga labi. Isang malapad na ngiti ang binigay sa kanya ni Samuel ng bumitiw ito sa ginawang paghalik. Nakikita nya sa mga mata nito ang labis labis na kaligayahan.
“you make me the happiest man in the world,”at niyakap sya nito ng mahigpit. Matagal bago binatawan ni Samuel ang dalaga sa pagkakayakap. Ninanamnam nya ang sandaling magkasama sila. At ng makontento na sya, bimitaw na say sa pagkakayakap kay Chelssey pero bago nya ito pinapasok sa loob ng silid dinampian nyang muli ng isang mabilis na halik ang labi nito.
“gud night, I love you.”
“gud night, I love you too.” Malaki ang ngiting nakapaskil sa pisngi ni Chelssey, ng makapasok sya sa loob ng kawarto nila ni Clarisse. Napasandal sya sa pintuan at hinawakan ang mga labi, pakiramdam nya namamaga ang mga ito dahil sa ginawang paghalik ni Samuel sa kanya.
“you look so happy.”napukaw ang atensyon nya ng magsalita si Clarisse, hindi nya ito napansin ng pumasok sya. Nakaupo ito sa paanan ng kama at nakamasid lang kanya. She clear her before answering.
“kanina pa nandito?”lumapit sya sa kinaroroonan ng kaibigan.
“sakto lang para marinig ko lahat ng pinag usapan nyo ni Samuel.”simpleng sagot nito. She can’t help but smile and hug her bestfriend.
“its official then, boyfriend mo na si Samuel.”tumango-tango sya.
”kyang……kyang……yes!sa wakas!”nagulat sya sa ginawang pagsigaw nito. Hindi napigilan ni Clarisse ang tuwa sa kaisipang may boyfriend na ang kaibigan nya. Nagtatalon sya sa kama habang sumisigaw. Natawa na lang si Chelssey sa inakto ng kaibigan. Nang matapos ito sa kabaliwan ginawa, lumapit si Clarisse sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
“im so happy for you best, Samuel is a good man, you’ve known each other for many year. I know that youre in good hands. Alam kong mahal na mahal ka ng taong yun.” she emotionally said, kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinahiran ang munting luha sa mata. Luha ng kaligayahan para sa kaibigan
“yeah I know best.”sumang ayon sya sa sinabi ng kaibigan.
“wait lang best, may naalala pala ako, I saw you kanina na magkasamang umalis ni Bryan, saan kayo nagpunta?”seryosong tanong ni Chelssey kay Clarisse.
“Nagpalipas lang ako ng sama ng loob best, Bryan offered to accompany me kaya kami magkasama, nagkataon lang din na may problema din sya.”paliwanag nito, biglang lumungkot ang mukha ng kaibigan nya.
“pero best dapat sinabi mo sa akin, di ba sabi ko sayo, im all ears to lessen.”bumalik sa pagkakaumupo sa kama si Clarisse at tinakpan ng mga palad nito ang sariling mukha.
“ayokong istorbohin ang moment nyo ni Samuel.”
“but best, sabi ko naman sayo handa kung iwan ang kung ano man ang ginagawa ko para damayan ka, ano ba kasi ang nangyayari sa inyo ng boyfriend mo best? This time gusto ko ng kasagutan”seryosong turan nya sa kaibigan.
“I broke up with him a month ago,”
“what?why?”gulat na tanong ni Chelssey sa kaibigan,
“he cheated on me best…,its not the first time, ilang beses na but,I forgive him,sabi nya magbabago na sya,he promise na hindi nya na uulitin. Pinanghawakan ko yun,pero nitong huli best,…nahuli ko sya sa apartment nya mismo, sila ng kaopisina nya,may ginagawang milagro best,”umiiyak na kwento ni Clarisse kay Chelssey, hinayan lang niyang magpatuloy si Clarisse at nakikinig lang sya rito, hinahaplos nya ang likod nito.
“hindi ko na kinaya best, sobrang sakit ,makita ang boyfriend mo sa ganong sitwasyon, may kahalikang iba and worst they had s*x on our bed,”at humagulgol na ito ng iyak. Mahigpit na yakap ang binigay ni Chelssey, kay Clarisse, ‘hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa kanya. Anong klaseng kaibigan ako? Sa sobrang busy ko, hindi na kami madalas nagkita,wala akong kaalam alam sa mga pinagdadaanan nya.’kausap ni Chelssey sa sarili. Kumalas sya sa pagkakayakap kay Clarisse, ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pag iyak.
“ssshhh….maybe its for the better best. Makakakita ka pa ng lalaking nababagay sayo, na mamahalin ka ng lubos. He’s not worth it for you, alam ko na noon unang kita ko pa lang sa lalaking yun, hindi talaga mapagkakatiwalaan. Kapag nakita ko ulit ang lalaking yun makakatikim talaga sa akin yun!”bahagyang natawa si Clarisse sa inakto ni Chelssey. Alam nyang kayang gawin ni Chelssey ang sinabi nito dahil isa itong dating agent, isang magaling na agent to be exact.
“wag ka ng umiyak okay?don’t waste your tears for that man.”tumango-tango ito. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Clarisse ng nailabas na nya ang sakit na nararamdaman. Nagpapasalamat sya at kasama nya ang bestfriend para damayan sya sa sitwasyong ganito. Nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan hanggang sa dalawin sila ng antok at nagpasyang matulog na.
Kinabukasan maagang nagising ang lahat, at naghanda para sa pag alis pabalik ng Maynila. Malayo-layo ang biyahe nila papuntang airfort mula sa isla na kinaroroonan nila ngayon. Today is the last day na magkakasama-sama ang barkada at bukas babalik na sila sa kanya-kanyang buhay. Matagal-tagal na naman ulit sila magkikita-kita ulit. Sinulyapan muli ni Chelssey ang isla bago tuluyang sumakay sa van, nahahatid sa kanila papuntang airfort. Memorable sa kanya ang lugar na ito, siguradong babalik sya rito hindi pa man nya alam kung kailan, sure thing she’ll come back.