Chapter 3: A Trip With Him

2782 Words
Kaagad humingi ng apology si Denzel dahil pinahintay niya ng ganoong katagal ang mga kasama. Maaga naman siya nakaalis pero naabutan pa rin ng traffic. "I'm sorry kung pinahintay kayo ng matagal. Masyado ng traffic sa daan, alam na balik eskuwela nanaman mga bata." paliwanag ni Denzel na hindi maalis ang ngiti sa mga labi. Mga ilang segundo ay biglang sumingit sa usapan si Gabriel, "Kasama ka?" "Ofcourse, ako nga nag-invite sa kanila na mag-outing eh." Pipigilan na sana ito ni Katherine na magsalita subalit huli na kaya nagtaka naman kaagad si Denzel. Tumitig siya sa dalaga, "Why?" Tinignan din ni Gabriel nang masama si Katherine sa nagawang pagsisinungaling nito sa kanya. Nilapit ng dalaga ang kanyang bibig sa tainga ni Denzel upang ibulong na lang ang sagot niya sa tanong nito. "I didn't tell them except Arianne that you invited us on a trip." Napangisi si Denzel sa kanyang narinig at napatitig sa gawi ni Gabriel, "Kaya naman pala, Kath na nagalit bigla sa'yo "yong bodyguard mo. Ba't di mo na lang sinabi?" "Sa palagay mo ba nandito kami kapag di ako nagsinungaling?" "Ok, fine," napalunok ng laway si Denzel sa gano'ng sistema nila. "Pero gusto ko tanungin siya- " turo niya kay Gabriel na kanina pa silang pinagmamasdan. "Papayag ka pa bang matuloy itong outing?" "Wala na akong magagawa dahil nakabihis na kaming lahat eh." Hindi pa rin mawala ang naiinis na tingin ni Gabriel kay Katherine at di na niya natagalan kaya binaling sa ibang kasamahan ang kanyang tingin para tignan kung maayos at nakahanda na ang lahat. "Thanks, akala ko di na matutuloy since naka-ready na tayo lahat," saad ni Denzel. "Hay, akala ko di na matutuloy. Ikaw naman kasi Kath, ba't di mo sinabi!" nagmamaktol na pahayag ni Arianne sa pinsan. Umaakting na wala siyang alam para namang di siya mapag-initan pa. "Matutuloy pa rin 'yan noh. Siya lang naman kasi KJ dito sa atin," natatawang sambit ni Katherine kaya kaagad niya pinigilan ito. "Sabagay, hihihi," nagtawanan silang dalawa ni Arianne. "Alis na tayo," sigaw ni Denzel sa mga kasama pero sila Gabriel ay nauna na palang nakasakay ng kotse. Sina Katherine at Arianne ang kasama ng binata sa kanyang kotse. Nang paandarin na nila ito ay biglang lumapit sa kanila si Gabriel at Alfred na assistant bodyguard ng dalaga. "Hey!" gulat at nagtatakang sambit ni Katherine. Pinagbuksan kaagad ni Denzel ng bintana ang dalawa na nasa labas. "Dito kami sasakay," mabilis na paliwanag ni Gabriel. "What?" reklamo ni Katherine. "Akala ko ba sa kabila sila," dagdag pa ni Arianne. "Bakit dito kayo sasakay?" tanong ni Katherine sa dalawa. "Mr. Villarosa, right?" si Gabriel. "Nakalimutan kong dapat kasama namin dito ang dalawa." Napabuntong-hininga si Katherine at wala siyang ginawa kundi pagbuksan ang dalawang binata. "Ok, wala naman sa'kin problem 'to since alam kong need niyong bantayan si Kath," biglang nawala ang ngiti ni Denzel sa labi nang napansin niya sa salamin na magkatabi pa sina Katherine at Gabriel. "Di naman kami kikidnapin ni Denzel. Masyado kayong strikto na dalawa," muli pang saad ni Katherine. "Si Sir Gabriel lang may utos nito, Ma'am Kath. Sumunod lang din ako sa kanya," paliwanag ni Alfred. "Ok, fine," tugon ng dalaga nang may pagsuko. Nang makarating na sila sa lugar, mabilis na lumabas ng kotse si Arianne pati si Katherine. Napapaligiran ng maraming puno at halaman ang lugar. Mayroon ding batis na pwedeng paliguan ang makikita dito. Para talaga siyang kagubatan dahil sa napapagitnaan din ito ng mga bundok. Nababakas sa mukha ng dalaga ang pagkamangha sa kanyang nakikita, "Nice 'to ah, Haze." Kaya, biglang tinakip ni Katherine ang bibig dahil nagkamali nanaman siyang sambit ng pangalan. "Tzk!" dinig iyon ng dalaga ang pagreklamo ng kaibigan. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo. Hays!" "Sorry na. Nakasanayan ko na kasi tawagin kang Haze." Mga ilang minuto nakapagpatayo na rin sila ng tent doon. Tanging si Katherine at Arianne ang magkasama. Karamihan lima sila sa iisang tent habang mag-isa lang din si Gabriel. "Hiking muna tayo!" anunsyo ni Denzel. "Kaya mo ba, Kath?" "Syempre, kaya ko. Nasubukan ko na 'yan noong elementary and high school days," nakangiting sagot ni Katherine habang nakatitig siya sa pupuntahan nila. Buo ang tiwala niya sa sarili na kaya niya iyon. "Ako, susubukan pa lang since di ako sumasali noon sa mga camping and fieldrip sa school," tugon ni Arianne saka umakbay sa kanyang pinsan. "Ano, game?" wika ni Denzel habang nararamdaman niya ang excitement sa gagawin. "Warm up lang muna tayo." Sinimulan na rin nila ang umakyat pagkalipas ng mga ilang segundo. Ingat na ingat si Katherine sa bawat paghakbang dahil may parte na may bato ang daraanan, may malalaking ugat sa mga puno at mga makamandag rin na mga d**o. Nakarating na rin sila malayo sa kanilang kinaroroonan kanina. Hingal na hingal at pawis na pawis sina Katherine at Arianne habang patuloy na pag-angat ng kanilang binti at paa sa dinaraanan. Nakikita sa kanilang ang pagod na may kasamang enjoyment. Inabutan ng binata ang dalawa ng tubig, "Heto inom muna." Dahil kita niya sa mga mata nito ang kapaguran. Naabutan din kaagad nila Gabriel ang tatlo kahit sandali silang nahuli sa kanila. "Naks, parang mag-jowa sina Ma'am Kath and Sir Denzel," nakangising pahayag ni Yael nang mapansin niyang uminom din si Denzel doon sa boteng ginamit ni Katherine. "Oo nga eh," sang-ayon ni Patricio. Tuwang-tuwa silang pinanonood ang dalawa samantala seryoso lamang tinititigan ito ni Gabriel. Nais niyang obserbahan ang mga kinikilos ni Denzel kung kahinala-hinala ito. "Matagal na ba sila magkakilala?" biglang tanong ni Gabriel. Si Yael ang sumagot, "Oo, nasa college pa lang si Ma'am Katherine friends na sila ni Sir Denzel. Madalas nga 'yang magpunta sa bahay nila dati eh." Napalingon saglit si Gabriel kay Yael sa naging sagot nito. "Pero naging close din niya si Ma'am Solemn na mama ni Ma'am Katherine, " dagdag pa nito. "Ang sabi naman ni Ma'am Kath na friends lang talaga sila niyan at napagkakamalan na mag-jowa dahil gano'n daw talaga si Denzel maalaga at mapagmahal sa mga kaibigan niya," sabi naman ni Patricio. Para kay Gabriel, hindi sapat ang opinyon nila ni Patricio at Yael para maging kampante siya at magtiwala. Kailangan niya pa rin maging alerto at mapanuri dahil iyon trabaho niya. "Dahan-dahan lang." Habang inaalalayan ni Denzel si Katherine paakyat at sumunod din si Arianne. "Grabe, nakakapagod!" sambit ng dalaga na nakatambay muna sila saglit matapos ang isang oras na paglalakad nila. "Pero, nakaka-missed 'yong ganito!" Ngumiti nang tumitig si Denzel kay Katherine at napansin iyon ni Arianne. "Kung gusto mo at kung papayagan ka susunod, gawin natin ulit ito tapos sumakay tayo sa kabayo at iba pa," muling wika ng binata. "Sana nga." Hinihiling ni Katherine na muli pa sana dahil ito ang isa sa mga bagay nagbibigay sa kanya ng enjoymemt. "Ako rin para naman maiba," saad ni Arianne. "Eh dahil sa sitwasyon ni Katherine nadadamay rin ako. Syempre magpinsan pa kami at kailangan magtulungan." Matapos ang dalawang oras na pag-akyat nila sa bundok muli silang bumababa at bumalik sa dating kinaroroonan. Halos magagabi na sila nakarating sa kanilang tambayan dahil madilim na rin ang paligid. Gumawa ng apoy ang ilan sa kanila upang magsilbing liwanag at magkaroon ng init sa kanilang paligid. Ngayon, walo silang nakaupo at nakakumpol sa isang pwesto habang kumakain ng gabihan. "Ayos, ang pagkakaluto ah!" sambit ni Yael habang may laman pa ang bibig nito ng pagkain. "Sino ang nagluto?" "Si Kuya Denz ang nagluto niyan," si Arianne ang sumagot at natigilan saglit si Katherine sa narinig. "Ang sarap eh!" sambit naman ni Patricio. "Pwede pa makakuha niyon?" sabay tawa pa nito. Pinigilan siya kaagad ni Gabriel, "Kakain pa ang limang kasamahan natin." Napangiwi si Patricio dahil nanghinayang siya sa ulam na gusto pa sana niyang kainin. Matapos nila kumain, nagkahiwa-hiwalay ang iilan sa kanila at kumain naman ang limang kasamahan na di pa kumakain. Kinuha ni Denzel ang gitara at pinagtugtog iyon. Narinig kaagad ni Katherine ang tunog ng isang instrumento dahilan para lumabas siya kanilang tinutulugan. "Di ka makatulog?" tanong ni Katherine sa binata. "Hindi eh," saglit na tumigil si Denzel saka niyaya ang dalaga tumabi sa kanya. Ito ang madalas gawin nila noon sa tuwing wala ang kanilang professor, magpatugtog ng gitara habang kumakanta. Nakaagaw-atensyon ito kaya naman nagawa rin ni Arianne lumabas ng tent at nagtungo sa kinaroroonan nila Denzel at Katherine. Natigilan si Alfred na assistant bodyguard ng dalaga. Umupo ito malapit sa kanila upang makinig ng musika at syempre makipagkwentuhan na rin. Lumapit ang iba pa at sumunod din si Gabriel na nasa dulo nakaupo na di siya gaano nakikita. Kasalukuyan kinakanta nina Katherine at Denzel ang kantang, "You Are The Reason" ni Calum Scott. _I'd climb every mountain And swim every ocean_ Nakatitig lang binata sa kanya habang sinasambit ang bawat lyrics ng kanta. Dahil iyon ang nais niyang iparating para kay Katherine. Gagawin niya ang lahat para mapaibig ito. Noong college pa lamang sila, gustong-gusto na ni Denzel ang dalaga. _Just to be with you And fix what I've broken_ Yeah, nanghinayang lamang siya nang magkahiwalay sila bilang magkaibigan pagkatapod ng kanilang graduation dahil kaagad siyang nagpunta ng America para magtrabaho kasama ang kanyang pamilya. Ngayon, may pagkakataon hindi na niya ito palalampasin. _Oh, 'cause I need you to see That you are the reason_ Naduwag siya noon aminin ang totoo kaya naman laking pasasalamat niya napagbigyan siya ng tadhana na magkita sila. Kinanta naman ni Katherine ang sumunod sa chorus at muli silang nagsabay sa dulo ng awitin. "Wow, nice! So romantic dude," sigaw ni Patricio habang patuloy siyang pumapalakpak. "Oo nga eh, Kuya Pat," sang-ayon ni Arianne na pumapalakpak din. "Hoy, magjowa ba kayong dalawa?" "Anong klaseng tanong 'yan, Arianne?" Natatawang tanong ni Katherine dahil kapag kinakanta nila ang song nito napagkakamalan silang dalawa na magkasintahan. "We aren't." "Weh?" tanging sagot na lang ni Arianne sa kanya. "We are just friends naman talaga. Sadyang malakas lang chemistry naming dalawa," sabay kindat ni Denzel pagkatapos magsalita. "Di ba, Kath?" "True!" Naging puno ng asaran at kwentuhan ang gabi hanggang sa dinalaw na rin ng antok at nakatulog na sila Katherine, Arianne at Denzel. Kinaumagahan ay nagpunta naman ilan sa kanila sa isang ilog na kung saan malinaw ang tubig at malawak ang nasasakupan nito. Nagtatampisawan silang lahat kasama na si Katherine. Si Gabriel at iilan sa mga kalalakihan ay nanatili lamang sa pagbabantay. Nakaupo ang binata malapit sa ilog at may hawak na libro. "Boss Gabriel, di mo ba kami sasamahan maligo dito? Malamig ang tubig," sigaw ni Yael na may paanyaya sa kanyang boses. "Sarap kaya maligo!" dagdag pa ni Patricio at sumang-ayon ang iba pa. "Sige, kayo na lang," may seryosong pahayag ng binata habang naglilipat ang tingin niya sa libro at sa kinaroroonan nila Katherine. "Sige, guys langoy muna ako," paalam ni Katherine sa mga kasama. "Sure, basta mag-iingat ka lang," mabilis na tugon ni Denzel. "Daya mo naman, Kath," nagmamaktol na pahayag ni Arianne. "Nagkukwentuhan pa nga tayo dito oh!" "Mamaya na! Samantalahin ko muna 'to na sumisid sa ilalim kasi mamaya uuwi na tayo eh," sagot ng dalaga na may limang metro na ang layo sa kanila. "Basta, mag-iingat ka," tanging sagot na lang ni Arianne. "Oo," aniya ni Katherine pagkatapos lumubog sa tubig. Nagsilangoy na rin ang iba pagkatapos ng sandaling kwentuhan. Lumipas ang ilang minuto, hindi makita ni Arianne ang kanyang pinsan kaya kaagad muna niyang inahon ang sarili upang tawagin si Katherine. "Kath, nasa'n ka?" sigaw niya dahilan para mapansin ito ni Denzel. "Kath?" Kaagad muling lumusong sa ilalim si Arianne upang hanapin ang pinsan dahil kanina pa ito. Tatlong minuto na rin siya naghahanap subalit wala siyang nakita. Kaya, muli nanaman niyang inahon ang sarili. Lumapit sa kanya si Denzel, "What's happening, Arianne?" "Si Kath, di ko makita kanina pa," kinakabahang saad ng dalaga. "Hanapin ko," mabilis na lumisong ang binata sa ilalim ng tubig habang si Arianne ay patuloy na tinatawag ang pangalan ng pinsan hanggang sa malapit na siya sa kinaroroonan ni Gabriel at ng mga kasamahan pa. "Si Katherine di namin makita!" bakas sa mukha ng dalaga ang takot at pag-alala. "Tara, hanapin natin," sambit nila Patricio. Ilan pang segundo bago lumusong din sa tubig si Gabriel upang hanapin ang dalaga. Maya-maya pa ay nakitang bitbit ni Denzel si Katherine na walang malay kaya naman taranta silang umahon sa tubig. Napansin ito ni Gabriel na malayo pa ng bahagya sa kanilang kinaroroonan. Pinahiga ng binata tapos ginawaran ng first aid ang dalaga. Nakaahon na rin si Gabriel at may halong pagkadismaya sa mukha nito nang hindi siya mismo ang nakaligtas sa paboritong apo ni Mr. Rodelio na pinangakuan niyang siya ang magpoprotekta at magliligtas. Palihim na nakakuyom ang kamay ng binata habang ginagawaran ni Denzel ng pangunahing-lunas si Katherine. "Kath, gumising ka please!" hiyaw ni Arianne. "Umahon ka, Kath." malumanay pero may matinding pag-alala sa boses ni Denzel. Mga ilang sandali ay biglang umahon si Katherine at lumuwa ng maraming tubig sa kanyanh bibig. Hinimas ni Arianne ang likod nito, "Salamat!" Mabilis na niyakap ang pinsan. Namumutawi sa mukha ni Denzel ang tuwa nang makita niyang naimulat ni Katherine kanyang mata. "Saan ka ba kasi nagpupunta, ah?" sermon ni Arianne sa kanya. "Sabi mo marunong kang lumangoy?" "Pinulikat ako, Rian nang makarating na ako sa medyo malalim," paliwanag ni Katherine habang nanghihina pa siya. "Susko, Kath. Mabuti na lang mabilis ka nailigtas ni Kuya Denz," napatitig saglit si Arianne kay Denzel. Nag-alinlangan si Denzel yakapin ang ito nang napatingin siya sa mukha ni Katherine kahit gaano katindi na ang kanyang pag-alala. "Sana, di na ito makakaabot kay Mr. Rodelio ang nangyari," biglang singit ni Gabriel sa eksena. "Malalagot tayo sa kanya." Sinang-ayunan naman ito ni Katherine dahil tiyak na malalagot siya sa kanyang lolo. "Hindi naman ata tama 'yon, brad!" pahayag ni Denzel kay Gabriel. "Karapatan ng lolo niya malaman ang tungkol dito." "Sa palagay mo ba kapag nalaman niya ito, hindi siya magagalit at mapagbubuntungan kami. Di mo siya kilala kung paano magalit kapag tungkol sa apo niya ipinag-uusapan."muling paliwanag ni Gabriel. "Ang mabuti pa maghanda na tayo pauwi," kanyang utos saka tumalikod at naglakad na lang palayo. Nang makauwi na sila sa mansion kaagad silang tumungo sa kani-kanilang silid. "Siguradong ayos ka lang, Kath?" nag-alalang tanong pa rin ni Arianne. Tumango si Katherine, "Oo, Arianne. Kailangan ko lang siguro magpahinga. Masasakit mga katawan ko eh," daing ng dalaga kaya dumiretso na siya kaagad sa kanyang kwarto. Kinabukasan, masasakit pa rin ang katawan ni Katherine. Napapadaing siya sakit habang inuunat mga ito. Hindi gaano maayos ang kanyang pakiramdam kaya naisipan niyang maligo muna. Nang makaligo na siya, biglang kumatok si pintuan niya si Arianne. "Rian, bakit?" nanghihina pa niyang saad. Nakayuko ang ulo ni Arianne nang siya magsalita, "Gusto ka raw makausap ni lolo." Dahil sa itsura ng pinsan, hindi na niya tinanong ito uli at diretsong lumabas ng kanyang silid. Kumatok si Katherine sa pinto ng opisina ni Mr. Rodelio saka siya pumasok. "Tawag niyo raw po ako?" "Ano itong nalaman kong nag-outing kayo na may kasamang lalaki na taga-labas?" Kitang-kita sa mukha ng matanda ang pagkunot ng kanyang noo. "Kaibigan ko po siya, Lo. Niyaya niya kami gumala," malumanay na sagot ni Katherine lalo na wala pa siya gaanong lakas. "Niyaya? At sumama pa kayo sa taong di niyo pa lubusang kilala?" galit na galit na pahayag ni Mr. Rodelio. "Katherine naman, ilang beses ko ba dapat sa'yo-" Kaagad pinutol ng dalaga ang sasabihin pa ng kanyang lolo, "Matagal ko na pong kilala si Denzel, lolo. College friend ko po siya." "Paano ako maniniwala diyan? Dahil, ngayon ko pa lang naririnig ang pangalan niya at kailanman di ko pa siya nakikita o nakikilala man lang," muling giit pa ng matanda kay Katherine. "Nagkahiwalay lang kami dahil nagkanya-kanya na ring buhay, Lo. May mga priorities at goals 'yong tao na dapat unahin at ganoon rin po ako," paliwanag din ni Katherine subalit hindi iyon naging sapat sa kanyang lolo. "Di ko pa rin papaniwalaan mga sinasabi mo, apo," wika ni Mr. Rodelio. "Hindi ko na rin po siguro papahabain pa 'to. I want you to investigate him as soon as possible para maging maliwanag na sa inyo lahat," seryosong saad ni Katherine. "Whatever the result will be, tatanggapin ko po 'yon nang maluwag. Iiwasan ko na po siya. Iyon naman po ang gusto niyo di ba mga patunay? So this is the best way to do, Lo para mawala na inyo ang mga agam-agam na 'yan na parati ko kayo niloloko." Pagkatapos, tinalikuran na ni Katherine ang kanyang lolo at naglakad nang tahimik palayo sa kanya. "Katherine, bumalik ka dito!" tawag ni Mr. Rodelio sa kanya subalit hindi na niya ito nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD