NAGPUPUYOS pa rin sa inis si Millie nang sa wakas ay ihatid siya ni Ram sa kuwartong inookopa nila ni Celine. Pagkatapos kasing sabihin sa kaniya ni Ram and tungkol sa pagpapakasal nila pagka-eighteen niya, nawalan na siya ng gana pang magpatuloy sa pakikipagkuwentuhan dito lalo na at basta na lamang pala ito sumang-ayon sa kagustuhan ng lolo niya. Sa una ay parang hinaplos pa nga ang dibdib niya sa ipinagtapat nito na nagustuhan siya nito nang makita siya nito kahit pa nga nawindang siya nang malamang nag-ala-stalker niya ito sa loob ng dalawang araw para lamang malaman kung matino ba siya o hindi. It was kinda creepy and for her seemed ridiculous, but she couldn’t blame him for doing so lalo at kung baga ay in-arrange lang ang magiging pagpapakasal nilang dalawa. Of course, bago nga na

