PALIBHASA’Y pag-aari na ni Ryan ang tatlong ektaryang lupa na ibinenta sa kaniya ni Don Felipe, nagkaroon sila ni Andrew ng approval mula sa matanda na malabas-masok sa hacienda. Isa kasi iyon sa kasunduan nila nang bilhin niya ang parteng iyon, ang magkaroon g free access sa hacienda dahil napagigitnaan ang parteng iyon ng lupain ng mga de Cartajena at ng kalapit-lupa ng mga ito at natural na ang right of way niya ay manggaling sa Hacienda de Oliviera. Para ngang nagustuhan pa ng matanda na hindi mababawasan ang lupa nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng daan mula sa highway hanggang sa nabiling lupa ni Ryan. It was Andrew who suggested to have it that way since Ryan plans to build just a small vacation house on that three-hectare land—which is a crazy! Mas malaki ang plano niya—nila nil

