TIIM-BAGANG na nakamasid lamang si Ryan mula sa kinatatayuan habang ang atensyon niya ay nasa makeshift stage na nasa gitna ng garden ng mga de Cartajena. Kung hindi niya napigilan ang sarili niya ay malamang na nabasag na ang tangan niyang kopita ng alak dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon sanhi ng halo-halong emosyong lumulukob sa kaniya. Masigabong palakpakan ang pumapailanlang sa paligid na sinasabayan ng isang mabining tugtog. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, ah,” untag sa kaniya ni Andrew mula sa likuran niya. Bahagya pa nitong tinapik ang balikat niya at saka siya tinabihan sa pagkakatayo at tulad niya ay tumingin din sa magkaparehang ngayon ay nagsasayaw na sa gitna ng stage. “Ah, that’s the only granddaughter of Felipe de Cartajena, Millie,” pakilala nito sa

