AWTOMATIKONG nangunot ang noo ni Millie nang maratnan niyang nasa loob ng kuwarto niya ang Lolo Felipe niya. Isinabit niya sa isang balikat niya ang kanina ay tangan na towel na siyang pinampunas niya ng pawis niya mula sa pagdya-jogging sa paligid ng hacienda saka marahang lumapit sa lolo niya na hindi man lang napansin ang pagpasok niya. Mataman itong nakatitig sa dalawang oil painting na nakasabit sa loob ng kuwarto niya habang nakahalukipkip. “Are you thinking of taking it back?” untag niya sa nagulat na abuelo bago siya tumigil sa tabi nito at pinamasdan din ang dalawang painting. Binuksan niya ang hawak na isang bote ng tubig at saka tumungga roon. Nag-alis ito ng bikig sa lalamunan bago naglakad patungo sa may kama niya at umupo roon saka nag-dekuwatro. “I convinced Ram to stay

