TANGHALI na nagising si Millie kinabukasan. Masakit ang ulo niya dahil sa puyat at namamaga ang braso niya dahil sa pagkakasubsob niya sa daan kahapon sanhi ng lubak na hindi niya napansin. Kung hindi pa kumatok si Manang Lody ay hindi siya magigising. “Inihabilin ng lolo mo bago sila umalis ni Señorito Enrico,” nakangiting wika ng matandang katiwala pagkapasok sa loob ng silid niya. Bitbit nito ang isang tray na may lamang pagkain at isang mug ng bagong subo na kapeng barako. Napilitan siyang bumangon at saka nag-inat. Hindi na siya nag-usisa pa. Bukod sa ayaw na niyang mapag-usapan pa si Ryan ay napakabigat din ng ulo niya at pakiramdam niya ay giniginaw siya. Mabilis niyang ibinalot ang sarili ng kumot bago siya sumandal sa headboard ng kama niya at pansumandaling ipinikit ang mga ma

