NGITING tagumpay. Iyon ang namutawi sa mga labi ni Millie habang inihahatid nila ng tanaw ang papalayong sasakyan na kinalululanan ng abuelo niya at ng magulang ni Celine. “I can’t believe we’re really staying here for another two weeks, ate! How did you convinced Lolo? You’ce gotta tell me!” bulalas na sambit ni Celine sa kaniya na yumakap pa sa kaniya sa sobrang tuwa. Tulad niya, Celine wanted to have some fun at palibhasa, bukod sa sila lang ang lehitimong babae na de Cartajena, ay sila ring dalawa ang may pinakamalapit ang edad sa pamilya nila. “Well, I told you, I wouldn’t take no for an answer, didn’t I?” makahulugang wika niya bago sila kapwa napalingon sa likuran nila ni Celine nang magsalita si Kuya Isagani niya. “Lolo really did agree for you and Celine to stay here for two

