***Amari/ Safarra's POV*** - Bweset! Kanina pa ako naghihintay at naghahanap kay Russell. Sa pagkakaalam ko, ayon narin sa sinabi nito sa akin na pupunta ito ng syudad pero halos kalahating gabi na at hindi parin ito umuuwi. At ewan ko kung bakit hinihintay ko parin ang lalaking iyon, meron pa naman umaga. Hindi ko din maipaliwanag, para kasing kinakabahan ako, kaya nga hindi ako makatulog dahil hindi ako mapakali. At bakit ko nga ba hinahanap si Russell? May kailangan kasi ako dito. Yong mga susi sa ilang kwarto dito sa mansyon. Susi sa mga kwarto na bawal namin pasukin noon dahil ipinagbawal ni Donya Guardia. Pagmamay- ari ko na ngayon ang mansyon ito kaya ako na ang may karapatan sa lahat ng nandito. At karapatan kong pasukin lahat ng kwarto dito. Pero hindi ko nagawa ito sa araw na

