***Amari/ Safarra's POV*** - Hindi ako mapakali kaya hindi ako makapag- concentrate sa kung ano ang sinasabi ni Kuya Alfred at ng ilan pang mga kasama namin ngayon dahil sa isang tao na gusto ko nang paalisin. Hindi ko talaga maintindihan ang rason ni Kuya Alfred kung bakit nandito ang Russell na ito. Naiinis pa naman ako sa isipin na alam pala nito na ako si Amari. Buong akala ko, ako ang nanloloko dito, ang Russell palang ito ang nanluko sa akin. Talagang manloloko ang Russell na ito. At naisahan naman ako nito. Naiinis ako sa isipin na naisahan na naman ako ni Russell. Hindi ko alam kung ano pa ang nalalaman nito. Alam kaya nito ang tungkol kay Messy? Hindi ko ito matanong kay kuya Alfred dahil nandito si Russell. "Ngayong, kailangan nyong isangtabi kung ano man ang issue nyong dal

