***Third Person's POV*** - Isang kagimbal- gimbal na pangyayari ang yumamig sa hacienda kinaumagahan, may natagpuan na dalawang bangkay sa loob ng kakahuyan. Sa mismong lugar kung saan natagpuan ang bangkay noon ni Vivian. Sa gilid ng batis, ang batis na ito ay konektado sa batis na nasa harapan ng bahay ni Russell. Ang kakahuyan ay hindi pa sakop sa lupang pagmamay- ari ni Safarra dahil isa ito sa 30% ng hacienda na hindi ibinenta ni Russell. Kabababa lang ni Safarra sa hagdaan nang nakita nya ang mga katulong na nag- umpukan at may pinag- uusapan ang mga ito. Halata sa mukha ng mga ito pagkabahala. Kaya kunot- noo syang napalapit sa mga ito. "Anong nangyari? At bakit parang nagkakagulo kayo?" tanong agad ni Safarra nang tuluyan na syang nakalapit sa mga ito. Nakakunot ang noo nya.

