SBD10: Unang Tikim!

2485 Words

Amari's POV - "Manang Belen, saan na po si sir Ryan? Bakit hindi ko na nakita?" Agad kong tanong kay Manang Belen, kapapasok ko palang sa kusina. Habang nagpupunas ako kanina sa mga bintana ng unang palapag ng mansyon, pasimple rin hinahanap ng mga mata ko si Ryan. Kahit na sa patio, ang paboritong tambayan nito tuwing umaga ay wala din doon ang binata. "Naku, umalis na nung isang araw. Napaaga ang flight nito papunta sa ibang bansa. May emergency daw kasi." "Ganun po ba?" napasimangot ako. Umaasa kasi ako na nandito parin si Ryan. Sabi kasi nito nung huli namin pag- uusap na maabutan ko pa ito dito. May ibibigay daw ito sa akin. Para hindi ko daw ito makakalimutan. "Ang lungkot mo yata!" napalingon ako nang narinig ang boses ni senyorito Russell sa likuran ko. Hindi ako nags

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD