PROLOGUE

353 Words
Havens' Academy! A place where you can indulge the joy of heaven!! or the pleasure of Hell!!! Does this academy really live upon its name? yun din ang naiisip ko... but I didn't expect the unexpected.... The academy became the worst living hell that anyone could experience... Ang dating kasing puti ng langit ay isa na ngayong kulay pula dahil sa dugo ng bawat estudyante at gurong walang awang pinatay... "Summer where are you??!!..." pagtawag niya sa pangalan ko habang kinukoskos ang dala niyang kutsilyo sa pader. "Sh!t nandito na siya!" sabi ko habang pilit na sinisiksik ang aking sarili sa maliit na espasyo sa loob ng cabinet. "Summer!... Summer!.. Summer!... Alam kong nasa cabinet ka! Naamoy ko ang takot mo Summer!" Sa bawat hakbang niya ay kasabay nito ang pagtulo ng pawis ko at ang mabagal na pagtawag niya sa pangalan ko ay siya namang bilis ng t***k ng puso ko. Nanginginig na ang aking mga kamay habang hawak hawak ang Pen Knife na regalo ni Rain noon at kasabay nito ang pagtulo ng luha ko ng maalala ang mga panahong masaya pa kami. Siguro dahil oras ko na kaya bigla ko na lang na-aalala ang mga bagay na ito. "We will eventually die, but not today. We will eventually die, but not today." Suddenly I heard a voice once again at paulit ulit ko nanaman itong naririnig. Ang naginginig at takot na takot kong katawan ay biglang lumakas na tila ba binigyan niya ako ng lakas ng loob para harapin ang takot ko na ito. Sa isang iglap tinulak ko ang pintuan ng cabinet na naging sanhi ng kanyang pag katumba ngunit wala akong sinayang na oras bigla ko syang pinagsasaksak kung saan saan at kinuha ang kutsilyong hawak niya sabay takbo. Takbo lang ako ng takbo pero nasabunutan niya ako at tinutukan ng basag na salamin sa leeg... Kamatayan na nga ba ang huling hantungan ni Summer? Pero bago nating malaman ang katapusan, alamin natin ang umpisa ng kwento ni Summer at ang mga kaibigan niya. Sabay sabay nating Tuklasin ang nangyari sa Havens' Academy!! ❤❤❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD