Kabanata 57 Ligawan "Ma'am, pinapatawag ka po sa conference meeting sa taas." Ani ng isa mga staff ng kompanya. Napalingon ako sa aking likoran at wala akong ibang nakita. Naka on-call meeting si Ma'am Sandra. Napaturo ako sa aking sarili habang tiningnan siya ng nagtataka. "Ako?" why the heck I am being called? "Yes, Ma'am. Hindi magsisimula ang meeting kapag wala ka." Ramdam ko agad ang panginginig ng tuhod ko at kalamnan. Bakit? May nagawa ba akong mali? Napamura ako sa isipan. "Sige." Tumayo ako at sumenyas kay Ma'am Sandra na aalis muna ako. Tinanguan lang niya ako at nagpatuloy sa kanyang tawag. Tinahak lang namin ang hagdan since nasa second floor lang naman ang conference room. Napakagat labi akong makita ang pintuan ng lugar. Wala naman akong nagawang mali, diba? Wala. Wala

