WARNING: Medyo SPG. Kabanata 54 Mine! Walang nagsasalita sa aming apat. Mukhang galit si Lucas kay Maria. Hindi ko din maintindihan ang pagkukunot noo ni Stephen sa akin. May nagawa ba ako o ano? Kasi ayaw ko ng ganito eh. Si Lucas ang nagmaneho at nasa front seat naman si Maria. Nasa likoran kami ni Stephen at ang layo ng distansya niya sa akin. May nagawa nga ako. Hindi ko lang alam kung ano. "Lucas, iliko mo na lang ang sasakyan. Babalik tayo ng bahay. Kung iyan ang gusto mo." Hindi ako makapaniwala sa naging lamig ng boses ni Maria. Walang naging imik si Lucas at parang hindi nakarinig sa sinabi ni Maria. "Lucas, Isa! Ihinto mo ang sasa-" "Oh damn it, babe." Huminto kami sa gilid ng highway ng Villanueva. Napahawak ako sa aking dibdib sa kaba. Mag-aaway sila sa harapan ko? "H

