Kabanata 43 Bumitaw Na Naglalakad ako ng parang walang ulo. Kahit iyong mga taong nakakasalumuha ko sa daan, iba ang tingin sa akin. Lumiko ako sa daan patungong labas ng Unibersidad. Ramdam ko na maraming pinagsabihan si Veina sa mga walang-hiyang kwento niya. She is famous. People would believe her pag ganoon. And I am just a student who deals with economic failure trying to have a life and people will never take my side. Ganoon ang mga tao. Naiintindihan ko na. Kahit noon paman. Tahimik lang akong pumasok ng BH. I don't want to see Stephen as of now. I want a break. Kapag magkasama kami, sumasaya ako. Pero napupuno na pala ako ng kung anong mga kwento. Masaya ako at kailangan ko si Stephen para sumaya. Siguro dahil nasasanay na ako sa kanya at mahal ko siya. Pero hindi ko inakalang

