Kabanata 31 This "Sorry talaga, pero hindi na makakapasok ang hindi naka-uniform ngayon." Naibagsak ko ang aking balikat sa sinabi ng Guard. Joreen looked at me with disappoinment. Nakanguso siya at umaambon na din ang mga mata niya. Sobrang busy kami sa laro kaya nakalimutan namin ang palugit ng unibersidad tungkol sa school uniform. "Wala na ba talagang chance? Kahit ngayon lang." sabi ni Joreen sa Guard. Nagmamakaawa. "Sorry talaga. Pero wala nang chance." Matigas na sabi ng Guard at tinalikoran kami. Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates naming dumadaan. Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang dulo ng damit ni Joreen. "Tara na, Jor." Pagsusuko kong sabi sa kanya. "Okay." Suko na din siya. Akala ko manlalaban pa siya. Napakamot siya sa kanyang ulo at bumuntong hin

