R A I N “What is it again?” “Good morning po, Señorita,” magalang na bati sa akin ng lalaking nasa kabilang linya. The voice sounds new to me. Hindi ito ang madalas na taong tumatawag sa akin mula sa opisina ni Daddy. Inilayo ko muna saglit sa tenga ko ang cellphone ko para tingnan ang screen to check kung kanino galing ang tawag. I was busy preparing for Ethan’s next show when I accidentally answered an incoming call. Imbes na ibaba ito ay pinanindigan ko na lang at sinagot ang tawag. The number is anonymous. Hindi rin naman naka-register ang number ng office ni Daddy sa cellphone na ito pero I at least memorize it. “Who’s this?” “Tauhan po ako ni Señor Fausto.” Ooh. Ang pabidang kaibigan ni Dad na nagsumbong sa kanya ng pagdating ko sa South Kisoka. Kahit ano pang sabihin ng matan

