* * * “Aah~ I miss my own room.” Mutawi ni Rain habang pinupwesto ang sarili sa duyan na hihigaan niya. Sa halos tatlong buwan niya na pamamalagi sa SMART ONE ay wala pang misyon na nakuha si Rain na tungkol sa kanyang kapatid. Isa sa mga dahilan kung bakit sumang-ayon si Rain sa pagpunta ng South Kisoka ay ang pangako ng ama niya na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid. Mapanuya man pakinggan dahil hindi naman talaga maiiwasan ang nangyari sa kanyang kapatid gawa ng trabaho nito. Pumapatay ng tao ang pamilya nila, mapanuya na sila itong naghahanap ngayon ng hustisya. Identical twins si Rain at Laura kaya hindi magiging mahirap ang pagpasok niya. Ito ang inaakala niya noong una. Dahil habang tumatagal siya sa kumpanya ay mas nagiging mahirap sa kanya ang pagpapanggap bilang

