R A I N “Hm? Your room is pretty spacious. As expected of an ace,” Liam awed as soon as I opened the door. “Ace?” ani ko habang kinukusot ang mga mata ko. “Yup. You’re already equipped with talent and skills when you entered the company so I am sure that you’ll do great and outshine all the trainees when you start.” Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ang team ng Lexus, ganun din ang limang miyembro ng grupo, pati rin ako. Nag-aalinlangan man ay pumayag na ako sa imbitasyon ni Ethan. Hindi na ako makatanggi pa lalo na kung bigla-bigla na lang siyang pumasok sa silid ko para samahan akong mag-empake. Hindi man lang umabot ng limang oras ang tulog ko kaya noong may narinig akong sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ay wala ako sa sarili na bumangon at sinilip kung sino ang iton

