* * * “Where's Rain?” tanong ni Ethan nang hindi niya nakita na kasabay nina Lian at Korina ang personal assistant niya. “She’s having a day off,” tugon sa kanya ni Korina. “Isn't her day off next week?” “She took one in advance,” maikli nitong sagot at saka agad na inalalayan si Lucas sa kanyang damit. “I'll tend to you after this, Ethan,” pagpapaalam sa kanya ni Lian na inaayos din ang damit ni Jake. Magsisimula ang unang day off ni Rain kapag siya ay nag-isang buwan na sa trabaho. Kaya naman ay hindi sumagi sa isip ni Ethan na baka may day off ito ngayon. Dahil napansin niya na madalas itong tulala sa tuwing mag-isa lang nitong nakaraang araw ay unang pumasok sa kanyang isipan na baka may sakit ito. Wala namang kakaiba sa pagkuha ng maagang day off ni Rain, sadyang naninibago lan

