* * * “No… D-Don't l-leave me… No… please… please, don't…” Ito ang hagulhol ni Rain habang maingat siya na inilalapag ni Ethan sa kama. Sa kalagitnaan ng pagtatangka nito na tumakas ay hinimatay si Rain sanhi ng mga natamo niyang pinsala sa katawan. Hindi rin nagkakamali si Ethan sa hinala niya tungkol sa lagnat ni Rain dahil habang nasa mga kamay niya ito ay ramdam niya ang nag-aapoy na katawan ng dalaga. Nang maayos nang napahiga si Rain sa kama ay inilapat naman ni Ethan ang kanyang kamay sa noo nito para masigurado ang kondisyon nito. “Doctor, I'm right; she has a fever,” hindi mapakali niyang pagpapaalam sa doktor. Maliban sa noo ni Rain ang sunod-sunod rin na hinawakan ni Ethan ang pisngi at ang mga kamay nito. Ilang segundo lang matapos na maramdaman ni Rain ang malambot na k

