* * * Habang kasama ni Rain si Laura ospital para sa kanyang check up ay nagsimula naman na maghanap sa kanya si William. Dahil hindi tumupad si Rain sa usapan nila at halos tatlong araw na niya itong hindi nako-contact, nagpadala si William ng mga tauhan niya sa bahay bakasyunan nila para hanapin ang anak-anakan. Ngunit, habang nasa daan patungo sa bahay ay may napansin na maitim at sunog na mga damo sa medyo kalayuan ang mga tauhan ni William. Malayo ito mula sa mismong daan, ngunit dahil sa natitirang usok at dagsa ng mga tao rito ay agad itong napansin ng isa sa kanila. Napag-desisyunan ng tatlo na huminto rito para makiusyoso. “What's happening here?” tanong ng naunang bumaba sa kanila sa pinakamalapit na tao sa kanya. Subalit dahil hindi nakakaintindi ng Ingles ang matandang la

