Jean Avril Mendoza's Point of View: "Ingat ka pag-uwi ha! Delikado pa naman at mag gagabi na." paalam sa akin ni Justin pangit habang sabay namin iniimis ang aming mga gamit dahil saktong awasan na. "Hindi pa ako uuwi but thank you for your concern, ingat din" tugon ko sa kaniyang sinabi sabay sakbit ng aking shoulder bag from Prada at akmang maglalakad na palayo pero bigla siyang nagsalita. "Ah ganoon ba? Saan ka pupunta? Samahan na kita" Napatigil ako sa paglalakad nang biglang sinabi iyon ni Justin Pangit kaya naman nagtitigan kaming dalawa. "Pupunta ako ng mall para mamili ng gamit" ani ko sabay pamewang at taas ng kanang kilay habang nakatingin sa kaniya. "Sungit talaga hmp! Basta sasama ako ha blep kaya tara na" sambit niya at hinila niya ako papalabas ng room. Ang alam ko kasi

