Ethan Rodriguez’s Point of View: "Lunch na, halika na Vanny at sumabay ka na sa amin ni Trisha" ani ko kay Vanny habang hinahanap ko ang aking wallet na nakalagay sa magulo kong bag. "Nah, busog pa ako." tanggi niya at muling pinagpatuloy ang pagbabasa ng Fifty Shades Freed. "Kanina ka pa hindi nakain hoy, halika na nga kasi at sabay ka na sa amin " Yakag ko sa kaniya habang hinihila siya sa kaniyang braso. Napalingon naman akk kay Elise na ngayon at naka pamewang sa may pintuan habang hinahantay kami dalawa ni Trinity, bitbit ni Elise ang kaniyang mataray na mukha dahil nakataas pa ang kaniyang kanang kilay. "Sobrang arte naman niyan, tara na Justin at kumain na tayo. Ayaw naman niya ah? Bakit mo pa pipilitin? Sobrang pabebe." parinig dito ni Elise na ikinailing ko na lamang. "Look

