15

1400 Words
Jean Avril Mendoza's Point of View: Napansin naman naming nanakbo iyong babae kaya nagkatinginan kami ni Vanny dahil hindi namin alam ang gagawin kung makikitakbo rin ba kami o ano ngunit sa dulo ay napagpasiyahan nalang naming tumakbo rin para damayan siya. Takbo lang kami ng takbo ngunit bigla kaming huminto nang bigla rin siyang tumigil sa pagkatkbo. Humarap siya sa amin at iniabot ang kaniyang kamay kaya tinignan namin iyon. "By the way, I'm Avigail Lee but you can call me Avi for short" masaya niyang pagpapakilala. So Lee ang apilido niya? So Korean siya?! Wahh OMG huhu ang angas naiinlove na yata ako char. Now I know kung bakit hindi siya nakakaintindi and nakakapagsalita siguro ng tagalog haha. Nakita ko namang pumasok na siya sa loob ng silid kung kaya naman ay pumasok na rin kami. Maaga pa naman 'yong oras kaya naman wala pa 'yong adviser namin. Nice, we can chill like a villain nanaman chos! No'ng makapasok na rin kami ni Vanny, napansin naman namin na ang lahat ulit ng atensyon nila ay nakatuon sa amin. 'Yong totoo? Ano ba kasing meron? Nakakailang na kaya ano? Haha pero huwag ka masyadong pahalata self baka naninibago lang talaga sila dahil first time makakita ng maganda joke. "Hey, Transferees! Over here, there are vacant chairs beside me" Tawag sa amin ni Avi na nakakuha ng atensyon namin kaya naman lumapit kami sa kaniya at umupo sa tabi niya.  Bali ang seating arrangement namin ay ganito, limang seats per row at sa dulong left side si Vanny, sunod ako, sunod si Avi, at sa tabi naman ni Avi ay dalawa pang bakanteng upuan. Pumuwesto ako ng maayos para maging komportable ang upo ko sabay cross legs at buntong hininga nang biglang magsalita nanaman si Avi. "So, hey! May I know your names? I'm kind of interested knowing you guys haha" Sambit sa aming dalawa ni Vanny nitong sa Avi sabay flip pa ng kaniyang buhok at hawak sa kaniyang giraffe shaped earrings na mahaba. Tinignan ko naman si Vanny dahil sa naalala ko ang nangyari kanina, 'yong time na nanginginig siya sa tabi ko dahil sa takot at kaba haha. Napansin ko namang medyo okay na siya ngayon at hindi kagaya kanina na para bang may epilepsy. Nakangiti ito ngayon at akmang nagaayos ng sarili upang magpakilala rito kay Avi. "Well my name is Vannessa Sanchez, Vanny nalang ang itawag mo sa akin tutal nararamdaman ko namang we're going to be best of friends... ay hindi ka nga pala nakaka speak and intindi ng tagalog no? Let me do it again okay? I'm Vannessa Sanchez but you can call me Vanny for short hihi" Pagpapakilala ni best friend na ikinatawa ko naman, oo nga no hindi nga pala 'to nakakapag salita ng tagalog huhu turn ko na para mag pakilala. "Haha, I'm Jean Avril Mendoza. Jam for short, uhm.. by the way, can you understand or speak Tagalog?" I asked out of curiosity. Malay mo 'di ba marunong siya magtagalog? Edi hindi na kami mahihirapan makipagusap ng english if ever haha. Avi chuckled and nodded slowly sabay sabi ng "Oo naman hahaha, marunong ako magsalita at makaintindi ng tagalog! Kaya ko pa nga magmura eh, gusto mo ba murahin ko 'tong nasa likod ko? Hoy Tristan tangina mo! Hahaha" Ani nito na ikinatawa ko naman. Isa rin palang gaga itong sa Avi, hindi ko 'yon inexpect grabe hahaha. -- Lunch break na namin ngayon at dahil bagong kakilala namin si Avi ay kasama namin itong kumain. Okay na rin siguro ito dahil transferee kami at hindi namin masyadong alam ang pasikot sikot dito sa Campus and alam niyo ba na as in sobrang komportable na naming tatlo sa isa't isa at para bang hindi halata na kanina lang kami naging magkakilala. "Omo! Seryoso ba? Pareho tayo ng bias!" Natatawang sambit ni Avi with matching hampas hampas pa sa lamesa, baliw din talaga ang isang 'to haha. Well if you guys are curious, we are talking about our biases in the korean pop group known as SNSD or Girls Generation. Ay chos haha napapa english na rin eh no? So ayon nga, nagchichikahan kami ngayon tungkol sa favourite kpop idol namin sa SNSD. "Eh sa cnblue sino ang bias niyo? Akin si Minhyuk haha! Ang cute niya lalo na 'yong eyes niya at sobrang galing niya mag drums" Panimula ko ng panibagong group sa amin usapan at napansin ko namang napatingin sa akin si Avi at nakasiring pa ang mga mata na ito na ikinatawa ko naman haha siguro same bias kami. "Asawa ko 'yon epal ka huhu!" She said and she pouted.  Tanong lang, bakit kapag siya nagpout eh sobrang cute pero kapag si Vanny naman parang si Donald Duck? Hahaha ay Daisy Duck nalang pala para babae haha. Umay naman kung maging kamukha niya si Mickey Mouse 'di ba? Eh nguso ang malaki sa kaniya at hindi ang ilong hahaha joke! "Wait lang girls may sasabihin ako sa inyong dalawa!" Malakas kong pagkakasabi na ikinakuha naman ng atensyon nilang pareho, hays basta talaga chika eh no? Haha. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad ko silang tinignang pareho sa mukha na ikinakuot naman ng noo nilang pareho. "Alin'yon?" Vanny. "What is it?" Avi. "Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin or what pero basta para kayong kambal, magkamukha kayo oh!" Sabi ko sa kanilang dalawa at inabutan sila ng hand mirror. Agad nila itong kinuha at chineck ang kanilang mukha, pansin ko naman ang pagka mangha nila sa aking sinabi dahil siguro narealize nilang totoo ang sinabi ko. "Napansin mo rin pala best friend, akala ko ako lang ang nakakapansin no'n haha." Natatawang pagkakasabi ni Vanny sa akin, isa pa 'tong bruhang 'to ahaha. Kwentuhan lang kami ng kwentuhang tatlo hanggang sa may lumapit na tatlong lalaki sa amin na agad na tinuonan ko ng pansin dahil baka may kailangan sila sa amin nila Vanny. Tiningnan ko kung sino ang mga 'yon ngunit miski isa ay wala akong kakilala basta ang alam ko lang, kamukha sila ni Taec Yeon, Lee Min Ho at Kang Min Hyuk na kilala ring korean idols or siguro nagmamalikmata lang ako? Hay Jammy, kakanood mo 'yan ng drama at kaka stream sa kpop huhu kaya ka naghahallucinate today. "Jammy, may mga oppa ahihihi!" Talanding pagkaka bulong sa akin ni Vanny kaya naman tinignan ko siya at napansing nangangamatis na ito sa pula, hays hitad talaga ang babaitang ito haha. Basta pogi, ang bilis ng mata. "Hay nako Avi, hindi mo naman sinabi sa amin ng mga kuya mo na may kakilala ka palang mga chicks. By the way, transferees ba sila? New face eh." Sabi no'ng lalaking kahawig ni Taec Yeon. Huh ano'ng sabi niya? Chicks daw? As in sisiw?! Kami sisiw? tukain ko ang isang 'to eh tch, si Vanny lang kaya ang mukhang sisiw no? Haha joke sorry na best friend lait na lait ka sakin lagi buti napagtitiisan mo ako hehe, love you from the bottom of my heart and to the moon and back. "They're transferees here Ethan and if you're planning to flirt with them, I'm hardly telling you to back off right now would you?! They are my bestfriends kaya and uunahan ko na silang huwag mafall sa katulad mong fuckboy" Ani ni Avi na ikina 'Ohh' naman no'ng isang lalaking may headset sa batok. Bars 'yon ha haha. And yup, tama ang narinig niyo. Sa kaunting oras na magkakasama kaming tatlo, best friends na agad ang turing namin sa isa't isa haha speed 'di ba? Daig pa si flash kung makapag decide ng relasyon. "Chill, Avi! I didn't said that I'm going to flirt with them no?" Sabi no'ng Nathan ba 'yon? Christian? Ethan? Ah ewan hindi ko na maalala 'yong tawag sa kaniya ni Avi basta isa ro'n sa sinabi ko and sure akong 'an' ang pronunciation sa dulo ng pangalan niya. "Just make sure kasi once na nakipag flirt ka sa kanilang dalawa, I swear, ipapatapon talaga kita sa ilog pasig" Mataray na pagkakasabi ni Avi haha, taray talaga ng isang 'to palabarn ka sis? Napansin ko namang napakamot nalang 'yong guy sa batok niya, pinagmamasdan ko lamang siya ng tingin at nakita ko namang nakatingin siya ngayon kay Vanny. Not to be judgemental ah pero feeling ko target niya si Vannessa haha, well not so fast 'di ako papayag f**k boy raw eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD