11

1257 Words
Vannessa Sanchez's Point of View: Tanong ko lang, nami miss niyo rin ba ang mga legendary kpop groups na nadisband? Tulad ng 2ne1, 4minute, Sistar, At Wonder Girls? Feeling ko tuloy sobrang isip bata ko sa twing nagsstan ako sa mga koreanong iiidoloo~ hahaha. Ang childish 'di ba? Pero walang magagawa, attached eh. Nga pala, may nabasa rin akong ilang articles sa social media na sa comeback daw ng f (x) ay posible na raw na mag disband na ang grupo nila pero sana hindi 'yon totoo. Mamimiss ko si Krystal my baby huhu. Back to reality, tuesday ngayon at hindi ako pumasok. I mean, hindi ako proud na absent ha pero girl nakakatamad lang na kasi talagang pumasok huhu I don't know why mama. Pati kasi kanina, tinanong ko rin si Jammy kung papasok siya but binalik niya naman bigla 'yong tanong sa akin kung ako raw ba ay papasok. Sabi ko na lamang sa kaniya, kung papasok siya ay papasok na rin ako pero kung hindi siya papasok edi hindi na rin ako papasok. Syempre gusto ko kadamay si best friend sa lahat ng bagay no? BFF Goals kaya kami haha tapos heto pa, ang reply niya sa akin ay 'Wag na tayong pumasok' kaya ayon, hindi kami pumasok. Astig diba? Haha! Kaya love na love ko ang isang 'to eh, halos iisa na ang itinatakbo ng utak namin. Nga pala, change topic tayo. Mayroon nga pala akong bagong sinisimulang Asian Drama na pinapanood sa Netflix. Pero don't judge me, hindi siya Korean kung 'di Chinese. Wo ai ni, Shen Yue haha char. Sobrang sikat kasi no'ng palabas na 'A Love So Beautiful' and halos lahat or karamihan sa mga friends ko sa f*******: ay madalas patungkol kela Shen Yue At Hu Yi Tian ang pinopost. Nakakinis kaya no? Mga spoiler ang bwakanangshits haha. Anyways, nacurious ako kaya sinearch ko 'yong drama. Sinimulan ko ang panonood no'ng isang araw at alam niyo ba kung anong episode na ako ngayon? Episode 21. Tatlong episode nalang tapos na hihi. Actually dahil sa pagiging g na g ko sa drama na 'yon ay naging favorite ko na 'yong theme song nilang 'I like you so much and you'll know it'. Ang ganda no'ng kantang 'yon at nakaka lss pero sobrang hirap sabayan dahil nga Chinese ang language. Sa YouTube, may ilang mga covers ng kantang 'yon and dahil maganda ang music talaga, nagugustuhan ko kahit papaano ang mga covers ng ilan sa nga umaawit. "Ang swerte naman ni Chen Xiao Xi" bulong ko sa kawalan habang pinapanood 'tong ALSB. Ang swerte niya. Pano ba naman kasi, dala dalawa ang nagkakagusto sa kaniya pero masakit para kay Wu Bo Song dahil hanggang kaibigan lang siya. Huhu grabe kahit na hindi ako ang gunaganap and alam kong hindi totoo ang palabas na 'yon eh hindi ko maiwasan ang masaktan at umiyak. Alam niyo naman kasi 'di ba 'yong feeling na sobra sobrang effort ang ibinigay mo sa babae or sa tao, hindi pa rin ikaw ang pipiliin. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ni Bo Song, hindi pa rin siya sumusuko kahit na alam niyang may gusto si Xiao Xi kay Jiang Chen. Tanda niyo 'yong perang ginastos ni Bo Song para kay Xiao Xi? Lalo na 'yong ticket? Lanjo, umiyak ako ro'n ah! Nag trabaho kasi siya para pag iponan 'yon bilang regalo niya kay Xiao Xi, roon palang makikita na and feel na nating napaka swerte ni girl bida kaso ano ha ano? Na second leading man syndrome nanaman huhu. Tapo ito pa, 'di ba nga nakabili na ng ticket? Iaabot niya na sana kay girl kaso nakita niya na kasama ni girl si Jiang Chen kaya alam niyo ba 'yong ginawa ni Bo Song? Nako, tinapon niya lang 'yong ticket tsk. Tapos naalala niyo rin ba pati 'yong fake snow? 'Yong pagtaklob ni Bo Song sa mga mata ni Xiao Xi dahil nasasaktan na si 'yong babaeng bida gawa no'ng epal na si Li Wei f*****g b***h? Aba, yapusin ba naman si Jiang Chen amp sadyang shulandi talaga huhu panira ng confession si cunt. Naiinis lang ako kase bakit hindi nalang sinabi ni Jiang Chen na may gusto rin siya kay Chen Xiao Xi no'ng simula pa lang 'di ba? Eh di sana hindi na nasaktan ng ganoon si Wu Bo Song, i mean hindi na gano'ng sobra nag effort si guy number 2. Kaawa awa tuloy. Pero kahit na gano'n ay hanga pa rin ako sa kanya lalo na ro'n sa part na nagka yayaan silang mag inuman, 'yong pilit niyang hinihingi si Xiao Xi kay Jiang Chen Pero hindi binigay tapos akala ni Jiang Chen na silang dalawa lang ang nakakarinig kasi nga 'di ba tulog si Lu Yang pero hindi pala! I mean oo tulog si Lu Yang pero hindi lang si Jiang Chen at Bo Song ang nakakarinig kung 'di si Xiao Xi rin dahil nasa kabilang linya pala ito. Gaano kasakit 'yon kay Bo Song 'di ba? Edi sacrifice ngayon si kuya mo second. Kayo ba kung papipiliin? Sino ang gusto niyo kela Jiang Chen at Wu Bo Song? Ang hirap mamili 'di ba? Tch, sobrang ideal nila pareho. Send naman gano'ng guys huhu. Ethan Rodriguez's Point Of View: "Wala raw munang practice ngayon sabi ni Coach, mayroon lang daw siyang urgent meeting! Maaga raw ang break pero huwag daw gagawa ng mga kalokohan at katarantaduhan lalo ka na raw Rodriguez." Sigaw no'ng team captain kaya napuno ng hiyawan ang basketball court ngunit ang ilan ay napunta sa akin ang atensyon. "Ito namang si Captain!" Pabiro kong ani sabay kamot sa batok na ikinatawa naman nila. Hindi na nagtagal ay isa isa na silang nagsipag labasan. Wala naman daw kasing practice ng basket ball ngayon kaya lumabas na ako ng court at dumiretso na lang muna sa tambayan namin. Nang makapasok ako, naabutan ko ro'n si Ian na naglalaro ng computer samantalang si Bryan naman ay mahimbing na natutulog. Naku, akala mo walang mga babaeng pinapaiyak ah haha sus. Nakapasok na ako't lahat pero hindi pa rin nila ko napapansin, grabe talaga ang mga ito kapag busy hays. Pwedeng pwede na silang manakawan ng wala sa oras sa sobrang pagkawala nila ng pakiramdam sa paligid nila. Napailing na lamang ako at napansing kasunod kong pumasok si Avi na busy na busy naman sa pagdudutdot ng cellphone niya. Pinagmasdan ko lamang siya dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga taong nakakasalumuha ko sa araw araw. Napansin ko namang umupo siya sa tabi ni Ian, 'yong totoo? May namamagitan ba sa kanila? Hmm, masyado na silang halatang dalawa ha. Lagot kayo kay Bryan niyan hehe, bro oh! "Hoy kayong dalawa!" Tawag ko kela Avi at Ian.  Agad ko namang nakuha ang mga atensyon nila, napakawalang kwenta talaga ng dalawang ito hays. Paano ko ba sila naging kaibigan? Napailing na lamang ako pinagmasdan ang gawain nilang dalawa.Tinigil muna ni Ian ang paglalaro ng Rules of Survival sa kaniyang laptop samantalang pinatay naman ni Avi ang screen ng kaniyang hawak na cellphone. "Hmm? Are you talking about us ba?" Maarteng pagkakatanong ni Avi sa akin habang tinuturo si Ian at ang sarili niya. Tumango naman ako bilang kasagutan at ngumiti ng nakakaloko. "Anong meron sa inyo ha? Parang may 'something' eh" Tanong ko na ikinamula nilang pareho. Iniba ko talaga ang tono ro'n sa salitang something para agadan nilang magets na dalawa and guess what, nakutuban naman nila agad dahil pareho silang nanlaki ang mga singkit na mata at namula na para bang isang hinog na kamatis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD