JIA'S POV
Pagkasabi ko ng mga salitang 'yon ay bigla na lang sinapak ni Jesin sa mukha yung lalake saka ako hinila patakbo.
"Nice one, my student." Nakangiting sabi niya paglingon ko sa kan'ya.
"Bakit feeling ko ginawa mo 'yon dahil gusto mong gawin ko yung tinuro mo kanina?" Tanong ko sa kan'ya habang tumatakbo kami.
"HOY BUMALIK KAYO DITO!" Rinig kong sigaw nung lalakeng sinapak ni Jesin kanina. Nakalabas na kami sa bayan at dali daling inunlock ni Jesin ang bike niya saka sumakay. Sumakay naman din ako agad sa likod niya at nagsimula na siyang magpedal paalis.
"Ngayon mo lang ba na realized?" Sagot niya sa'kin at tama nga ang hinala ko. Nakaramdam tuloy ako ng inis.
"Bakit mo 'yon ginawa? Sinadya mo rin bang magpabunggo sa lalake kanina?" Inis na tanong ko sa kan'ya.
"Nah. I never did that." Sagot niya kaya tinigilan ko na siya. At least hindi 'yon ginawa.
"Wait." Sabi niya at napatigil bigla sa pag b-bike. Humarap siya sa'kin kaya iniisip ko kung anong meron.
"Inis ka kanina?" Tanong niya saka hinawakan ang dalawang pisngi ko saka kinurot.
"Aray!" Inis na sabi ko sa kan'ya saka masamang nakatingin. Imbis na alisin ang dalwang kamay niya ay mukha pa siyang namangha.
"For the first time you're not expressionless now." Sabi niya at ngayong napansin ko ang pagbabago ng reaction ng mukha ko pati na rin ang inis na naramdaman ko kanina ay tama siya.
"See? I already told you that I'll change that expressionless face of yours. May talent pala ko sa ganitong bagay." Proud na sabi niya sa sarili niya.
"Talent na mang inis?"
"Now that you mention that. Naalala ko na laging bwisit sa'kin ang ate ko." Dagdag pa niya saka tumawa na mukhang proud na proud.
May kapatid pala siya. Naiisip ko tuloy kung same rin ba sila ng ugali ni Jesin pero base sa sinabi ni Jesin ay mukhang hindi.
∆∆∆
4 days na ang nakalipas at sa loob ng apat na araw na 'yon ay marami na ang nangyari tulad ng pagpupuyat namin lagi sa paglalaro ng XO at pagpupustahan.
"I can't believe that I never win a single game against you. This is frustratingg!!" Pagrereklamo niya dahil nakaka 100 games na kami mula nung nag umpisa kaming maglaro nito at never pa siyang nanalo sa'kin.
"Just admit that you're suck at this game." Asar ko sa kan'ya at bigla niya naman akong tinitigan.
"What?" Kunot noong tanong ko sa kan'ya.
"Ilang taon kana ulit?" Curious na tanong niya at naalala lo namang hindi ko nga pala nasabi sa kan'ya ang age ko noon.
"18, bakit?"
"So sinasabi mong ang boring ng buong 18 years mo dito sa mundo?" Tanong niya sakin kaya nginitian ko lang siya dahil inaasar niya ko.
(•‿•)?
"Ano naman. Saka dapat nga ate ang tawag mo sa'kin dahil 16 ka pa lang." Nakangiting sabi ko sa kan'ya at binigyan niya naman ako ng expression na are-you-kidding-me-look.
"Why would I call you ate? My only sister is the dragon in our house."
"Ha anong dragon?" Naguguluhang tanong ko habang siya naman ay biglang tumayo.
"Matutulog na ko." Naglakad na siya palabas sa kwarto ko at iniwan ako dito.
∆∆∆
2 days later..
"JESSSIIINN!!" Malakas na pagtawag ko sa kan'ya habang pinipilit siyang bumangon. Sinabi ko sa kan'yang maglilinis kami ngayon ng buong bahay pero pinilit niya pa rin na magpuyat kami kagabi dahil gusto niya kong talunin sa XO.
"Bumangon kana diyan! Sinabi ko na sayo kagabi na kahit anong gawin mo hindi mo ko matatalo sa XO tapos puyat ka tuloy ngayon!" Sermon ko sa kan'ya at bigla niya namang binaba ang kumot na nakabalot sa kan'ya na sapat na para makita ang mga mata niya.
"You're too noisy." Mahinang sabi niya at bago pa ko makasalita ay hinila niya ko kaya napahiga tuloy ako sa kan'ya.
Ang pwesto namin ngayon ay nasa gilid niya ko habang magkaharap kaming dalawa. Ngayon ko lang napansin na may maliit siyang nunal sa baba ng left eye niya.
"Kulang ka rin naman sa tulog, 'di ba? Why don't you sleep here with me?" Tanong niya at nag loading ang utak ko.
"Huh?"
"I said why don't you sleep here with me?"
????????