Chapter 1

687 Words
JIA'S POV Simula ng bakasyon ngayon bago ako mag college at 1 week na ang nakalipas mula nung dumating ako dito sa bundok kung saan may rest house kami. "Chibs, sure ka ba kaya mo dito mag-isa? Next month pa ko babalik ah." Tanong sa'kin ng kuya ko at tumango lang ako dahil mas mabuting unahin niya muna yung trabaho niya. "Mag-ingat ka ha wag ka pupunta kung saan saan. Next week pa ang dating ni Ate Nora kaya ikaw muna ang bahala sa sarili mo. Kumain ka rin lagi sa tamang oras at matulog ng maaga." Paalala nito sa'kin saka ako niyakap. "Oo na kuya wag ka mag-alala kaya ko naman ang sarili ko. Ako pa." Nakangiting pagmamayabang ko pagkabitaw ng yakapan namin. Nginitian naman niya ko saka siya naglakad papunta sa kotse niya. Pagkapasok niya ay kumaway ako hanggang tuluyan na siyang makaalis. Pumasok na ko sa loob ng bahay saka binuksan ang tv. Manonood na lang ako ng movie. Habang nanonood ay napatingin ako sa orasan. 1pm na pala at bigla kong naisip si kuya, sure na gabi na 'yon makakabalik sa sa'min dahil ang layo nitong rest house. Lumipas pa ang ilang oras at gabi na ulit. Nakakatatlong movie na ko. Pinatay ko na ang tv saka tumayo. "Kailangan ko na magluto ng pagkain." Sabi ko sa sarili ko. Nadaanan ko ang malaking salamin namin kaya napatigil ako. Kaya pala kanina pa ko naiinitan dahil ang kapal ng suot kong damit. Minsan talaga hindi ko na napapansin mismo sarili ko pag busy ako sa isang bagay. Umakyat muna ko sa kwarto saka nagpalit ng damit. Sando at maikling short lang ang suot ko tutal ako lang naman mag-isa dito. Bumaba na ko para magluto. Magpiprito na lang ako ng bacon bilang ulam at juice naman bilang inumin. Pagkaluto ko ay agad akong kumain habang nag s scroll sa social media. Wala akong masyadong nakita dahil wala pa sa 50 ang friends ko sa f*******:. Nagulat ako nang may biglang kumalabog sa pinto. Napatingin ako at hindi makagalaw sa pagkagulat. "Ano 'yon?" Mahinang tanong ko saka tumayo at dahan dahan lumapit sa pinto. Hinawakan ko ang doorknob at ilang minutong huminga ng malalim. Napadasal pa ko saka mabilisang binuksan ang pinto. Napasigaw na lang ako dahil may bumagsak sa'kin na tao. Agad ko siyang tinulak patagilid saka medyo napalayo. Tiningnan ko siya at nakita yung sugat niya sa tuhod pati na rin ang ilang gasgas sa braso. Kumalma ako saka sinara ang pinto at nilocked. Hindi siya mukhang masamang tao at mukha ring magka edad lang kaming dalawa. Kailangan ko siyang gamutin. Walang pag aalinlangan ko siyang hinila paakyat sa isang kwarto at kumuha ng first aid kit. Inumpisahan ko na siyang gamutin habang pinag iisipan kung sasabihin ko ba kay kuya pero baka mag-alala lang siya at pumunta agad dito kahit mas mahalaga yung emergency sa trabaho niya. Ilang minuto ang nakalipas at nagamot ko na ang mga sugat niya. Pahinga na lang ang kailangan niya ngayon. Tatayo na sana ko paalis pero nagulat ako nang magising siya at bumangon. Bigla siyang may binulong na hindi ko maintindihan kaya medyo lumapit ako para marinig. "Hindi kita maintindihan." Sabi ko sa kan'ya at napatingin siya sa'kin. Nagsimula ulit bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. "Ayos ka--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya kong hilahin palapit sa kan'ya at halikan. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ako nakagalaw. First time may gumawa ng ganito sa'kin at sa hindi ko pa kakilala. Nalasahan ko rin ang alak mula sa bibig niya. Sa isang iglap lang ay nakaibabaw na siya sa'kin ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng pagka alarma dahil sa ginawa niya. I even feel safe. "What's your name?" Tanong niya sa'kin. Parang pamilyar din sa'kin ang boses niya. Para bang narinig ko na dati pero nakalimutan ko lang dahil sobrang tagal na. "Jia. What's yours?" Tanong ko naman. "Jesin." Sagot niya at bigla na lang bumagsak sa'kin. Tulog na siya. Feeling ko nawalan ako ng lakas at inaantok. Pumikit ako saka unti unting nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD