Chapter 9

735 Words
JIA'S POV Kakatapos lang namin maglaro ngayon at masasabi kong napakaingay niya. Kinailangan ko pa siyang layuan kanina para hindi ako mabingi sa boses niya dahil magkatabi kami. "You're so bad at this game." Reklamo niya sa'kin habang nakahiga sa higaan ko. "Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong ko sa kan'ya dahil 1 week na siyang hindi umuuwi. "Hayaan mo sila." Sagot niya saka nagtalukbong gamit ang kumot ko. "Bakit ka ba kasi umalis sa inyo?" Tanong ko pa ulit dahil curious ako. "Mind your own business. Why do you care anyway?" Sagot niya at natauhan naman ako. Bakit nga ba ko nakikialam? I guess masyado na kong naging komportable sa kan'ya. "Sorry." Sabi ko na lang sa kan'ya saka humiga rin. Bale may space sa pagitan namin at parehas kaming nakaharap sa magkabilang gilid. "My parents wanted me to take a course about business." Pagkekwento niya bigla kaya napalingon ako sa kan'ya. "I don't like that. It's not my dream so I rebelled against them and my dad got mad at me so I ran away from home." "I explained to them that I'm not into business. They asked me what my dream is but I still don't know it so I didn't answer and they nag me all night. Basta ayoko mag business course." Nakaramdam naman ako ng lungkot sa kwento niya. "May 1 year pa ko sa senior high para pag-isipan yung gusto ko pero pinapangunahan na nila ko at pinipilit yung hindi ko naman gusto." Ramdam ko ang malungkot na tono niya habang nagsasalita. "Matutulog na ko sa kwarto ko." Sabi niya at pagkaupo niya sa kama ay bumangon ako saka ko siya niyakap. "W-what are you doing?" Natatarantang tanong niya kaya natawa ako ng mahina pero hindi siya pumalag. "I'm just comforting you, kiddo." Asar ko sa kan'ya. "Don't treat me like a kid." Mahinang sabi niya at maya maya pa ay naramdam ko ang pagsubsob ng mukha niya sa balikat ko. Sinuklay suklay ko naman ang buhok niya gamit ang kamay ko at masasabi kong malambot ang buhok niya saka masarap hawakan. Lumipas ang ilang segundo at kumalas na siya sa pagkakayakap ko sa kan'ya saka tumayo at nagsimulang maglakad pero bago siya tuluyang makalabas ay narinig ko ang mahinang sinabi niya. "Thanks." Napangiti naman ako ng konti. Bigla kong naalala ang nakababata kong kapatid. Matutulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino 'yon. [Hello ate.] Medyo nagulat ako nang marinig ang boses niya dahil ito ang unang beses na tinawagan niya ko. "Ayell? Bakit?" Pagtatakang tanong ko. [I got kicked out. Kuya's mad so he will send me there. Hindi na rin makakapunta si ate Nora dahil sa'kin.] Kalmadong sabi niya sa'kin na agad ko namang kinataranta dahil nandito pa si Jesin. [Ate, are you still there? Ayaw mo ba kong samahan ka magbakasyon diyan?] Dudang tanong niya kaya inalis ko muna sa isip ko yung problema ko. "Syempre gusto ko. Kailan ka makakadating dito?" [Tomorrow. Kuya's calling me, goodnight!] Sagot niya saka binaba ang tawag. Napasubsob naman ako sa unan ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Sa kaiisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ko. ∆∆∆ "JIA!" Bigla akong napabangon sa sigaw ni Jesin at pagkalingon ko sa kan'ya ay nagulat ako dahil nasa likod niya ang kapatid ko. "Why are you with someone? Who's this?" Kunot noo na tanong niya na may halong inis. Napabuntong hininga naman ako saka maayos na pinaliwanag sa kan'ya kung bakit nandito si Jesin. Mabait naman ang bunso kong kapatid alam kong hindi 'to magsusumbong kay kuya. "Sumasakit ulo ko. Kakain muna ko." Sabi niya pagkatapos kong magpaliwanag. Naglakad siya paalis at naiwan kami ni Jesin. "He's my younger brother, Ayell." Pakilala ko sa kapatid ko sa kan'ya. "Wag ka mag-alala uuwi din 'yon next week. Magluluto na ko." Paalam ko at maglalakad na sana pero hinawakan niya ang braso ko. "Hindi ka ba isusumbong sa inyo ng kapatid mo?" Tanong niya na mukhang nag-aalala ata na baka mapagalitan ako. "Wag ka mag-alala mabait 'yon." Nakangiting sabi ko at maya maya pa ay lumapit ng konti ang mukha niya sa'kin. "May laway." "Huh?" Takang tanong ko at dinampi niya naman ang daliri niya sa gilid ng labi ko. "Are you guys dating?!" Natampal ko naman bigla ang kamay niya saka napaharap kay Ayell na nakatingin sa'min.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD