Loosening Up

1815 Words
Lora was surprised sa biglang pagsulpot ni Coco at pati na din sa biglang pagyakap nito sa kanya. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap nito pero mas lalo lang humigpit ang pagyakap nito sa kanya. "Don't disappear on me again," bulong nito. It was full of emotion di maipaliwanag ni Lora ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. After she lost her family, hindi na naranasan ni Lora ang may mag-alala pa para sa kanya. She survived on her own and kinakaya nya yun kaya naman akala niya di na sya maapektuhan pa ng ganitong klaseng pag-aalala mula sa ibang tao. But Coco, simula ng magkamalay siya sa ospital na ito, ay hindi pumalyang ipakita ang pag-aalala nito para sa kanya at pati na din ang pag-aalagang ginagawa nito. Ayaw niyang kasanayan iyon kaya naman kahit madami ng nagawa ang binata para sa kanya ay ipinapakita niyang wala lang iyon para sa kanya kahit pa nga mukha na syang hindi nakakaappreciate sa paningin ng iba. But after hearing Coco's voice, and her longing for her kids, she just wants to surrender to the feeling of being helpless and needing someone to anchor her from drowning in her own misery! She lifted her arms up and hugged him back. She felt him stiffened but gradually tightened his arms around her body. Sumubsob sya sa dibdib nito and sniffled. Naluluha siya, actually, she wanted to cry to release all her angst pero nahihiya siya. Kaya naman nakuntento na lang siya sa pagsubsuob sa dibdib nito. He smelled good. Nakakarelax ng pakiramdam, idagdag pa ang comfort na nararamdaman niya sa yakap nito at paghagod sa likod niya. Nakakakalma ng pakiramdam. "Let's go back to your room," she heard him whisper in her ear. Tumango siya bilang pagsang-ayon kaya naman nagtangka na siyang kumalas sa pagkakayakap nito pero nagulat siya ng bigla siyang buhatin nito, bridal style! "Sandali--," she was about to protest but he stopped her. "Mas mabilis tayong makakabalik sa kwarto mo kung bubuhatin na kita." Di na niya nagawang magprotesta pa dahil nagsimula na itong maglakad. Napakapit na lang siya sa batok nito at sumubsob sa malapad nitong dibdib. Nahihiya siya sa mga pasyente at mga nurses na nakakakita sa kanila. Nang makarating sila sa kaniyang silid ay marahan siyang inihiga ni Coco sa kama. Inayos nito ang unan sa ulo niya at kinumutan din siya. "Ayoko pang matulog," she whispered. Napangiti si Coco. Inalalayan syang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Sorry, akala ko kaya ka sumubsob sa akin dahil inaantok ka na." Namula ang pisngi ni Lora sa sinabi nito. "Nahihiya ako sa mga taong nakakita sa atin. Baka kung ano ang isipin nila. Sikat ka pa naman." Ngumiti ang binata at kumuha ng prutas mula sa pinamili nito kanina. Nagbalat ng orange at iniabot sa kanya. "Don't mind them. Wala naman silang alam sa kung ano ang totoo." "Kumain ka din," she said at iminuwestra ang mga prutas. "Busog pa ako," sagot ng binata. Umupo ito sa tabi ng kama niya at muling inayos ang kumot na nalilis sa may bandang hita niya. Dinampot nito ang isang libro na nasa side table para magbasa at libangin ang sarili. But Lora thinks otherwise. She extended her one hand holding a piece of orange, in a motion to feed him that orange. Coco looked at her with a questioning look. "You always feed me. You always made sure I'm fine. But I never saw you rest or eat." Akmang dadamputin niya ang orange na nasa kamay ng dalaga pero iniiwas nito iyon bagkus ay iniumang pa iyon sa bibig nya. "Ah..." Walang nagawa si Coco kundi ang ibuka ang mga labi. Mabilis na isinubo ni Lora sa kanya ang piraso ng orange. She smiled with satisfaction ng simulan niyang nguyain iyon. Muli itong kumuha ng isang piraso at iniumang muli sa kanya. Natatawa siyang umiling. "Kainin mo na yan. Eto na kukuha na ako ng sa akin. Kakain ako kasabay mo." She smiled. Kumuha din ito ng isang buong apple at iniabot sa kanya. "Gusto ko din nito, hati tayo." "Ok, babalatan ko lang." Tumalikod na ang lalaki bitbit ang mansanas upang balatan iyon sa pantry. Maya-maya pa ay bumalik na din ito bitbit ang isang mangkok na naglalaman ng sliced apples at isang basong tubig. Inilapag nito iyon sa side table. "Here's your sliced apple!" "Salamat!" Masaya nilang pinagsaluhan ang mga prutas habang nagkukwentuhan lang ng ng kung anu-ano. Lora asked him a few questions about his previous series. "Wala ka bang projects ngayon? Series or movies?" usisa niya sa binata? Umiling ito, "Wala. Like I've said I'm on leave. Hiatus." "Bakit naman?" tanong niya. "Sa pagkakaalam ko, sobrang sikat yung huli mong series." "I just needed a break. From all the attention and lime light. Gusto ko lang muna magpahinga... At huminga..." She could sense something in his voice. As if a lot of things weigh on his shoulder. She understands that. Kahit siya alam ang ganung pakiramdam. It's been years but the pain and heavy burden she felt before still lingers. Wala sa loob na inabot ni Lora ang kamay ng binata, hinawakan iyon at bahagyang pinisil, "Breathe... It will make you feel better." Coco smiled. He looked at her hand holding his. It was the first time she initiated to touch him, it made him feel good. He held back and look at her. "Thank you," he whispered. She smiled back. "Salamat... sa lahat." After two days, the physician gave them the go signal for her to be discharge. Even during those times, Coco never left her side. Ito ang nag-asikaso ng paglabas niya ng ospital. Hanggang sa pag-uwi niya sa bahay ng lolo at lola niya ay inihatid siya nito. "Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin. Sa lahat-lahat," she said ng makarating sila sa bahay niya. "Ang ganda dito sa bahay mo. Presko ang hangin. Madaming puno. Pero hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang dito?" Umiling si Lora, "Sanay naman na ako. Isa pa mas gusto ko dito, tahimik lang. Mas madali para sa pagsusulat ko dahil walang distractions." Nagpatango-tango ang binata. He doesn't want to leave yet pero baka naman magtaka ang dalaga kung di agad siya umalis. He was thinking kung paano pa nya mapapatagal ang pag-stay niya dito sa bahay ng dalaga when Lora spoke. "Mamaya ka na umalis. Dito ka na maghapunan." Parang lumiwanag ang paligid para kay Coco. It was the invitation he would never decline. "Ok lang ba sa'yo? Hindi ba nakakahiya?" Lora smiled at him. "Of course not, this is the least thing I can do for you compare sa mga nagawa mo para sa akin." It was only three in the afternoon kaya naman may ilang oras pa silang ipaghihintay bago sumapit ang hapunan. Maya-maya ay dumating ang caretaker ng bahay na ito. Nakisuyo si Lora na bumili ng lulutuin para sa hapunan. Kaagad naman itong umalis pagkabigay niya ng pambili dito. They had coffee while waiting for manong to arrive. Kwentuhan ng kung anu-ano lang. Makalipas ang isang oras, bumalik na si manong, bitbit ang mga pinamili nito. Nagpaalam ang dalaga na magtutungo sa kusina para magluto. "Pwede ba akong tumulong?" he asked. "Naku nakakahiya! Dito ka na lang. Bisita kita," tanggi ng dalaga. "I insist. Wala din naman akong gagawin habang naghihintay, might as well help and be more productive," he said habang inirorolyo ang mahabang sleeve ng suot niyang polo. Wala nang nagawa si Lora kundi sumang-ayon sa sinabi ng binata. Nagpabili siya ng baboy, mga gulay at sampalok. Meron ding tanigue, paboritong isda ni Lora. Magluluto siya ng sinigang na baboy at pritong tanigue. Tumulong si Coco sa paghihiwa ng mga gulay. Masaya pa din silang nagkukwentuhan habang nagpeprepare ng mga lulutuin. Lora was actually having fun. Masayang kasama ang binata. Parang hindi artista kung kumilos. Walang kaere-ere sa katawan. Nahiya pa nga siya nang ito na din ang magprisintang maglinis ng isda. Malansa kaya ang amoy niyon. Pero walang kaarte-arteng nilinisan at tinanggalan nito ng hasang ang mga isda at hiniwa pa. Ito na din ang nagprito para hindi daw siya matilamsikan ng mantika. Lora suddenly remembered his late husband Lawrence. Hindi rin siya hinahayaan ng asawa ng magprito ng mga isda dahil alam nitong takot siya sa mantika. She smiled bitterly. They were happy before Wendy came back. Why did she have to return? Napansin ni Coco ang pananahimik ng dalaga. He saw that sad look on her face. Nilapitan niya ito. "A penny for your thoughts," he said. He slightly pinched her on her cheeks. Napangiti ang dalaga. She never thought Coco was this fun to be with. "May naalala lang ako," she said. "Hmmm... Ano kaya o sino kaya ang naalala mo para matahimik ka ng ganyan?" Umiling siya, natatawang sumagot, "Wala. Someone from the past." "Ex ba yan?" he nudged to ask her. "My late husband," she answered. "Naalala ko lang na lagi niyang inaagaw sa akin ang pagpiprito ng isda kasi alam niyang takot ako sa tilamsik ng mantika." It was the first time she mentioned her husband in front of Coco. Siguro komportable na talaga siyang kausap ang binata kaya nagawa na niyang banggitin ang namayapang asawa dito. "Hindi ko pa nga pala nababanggit sa iyo. I'm a widow and also a mom of two kids, but unfortunately, they passed away, too," she said. Sadness was laced in her voice. Sandaling hindi nakapagreact si Coco sa sinabi ni Lora. Hindi niya inasahan na babanggitin nito ang tungkol sa asawa at mga anak nito. Of course, he knew about them. He already did some research about her. Kaya alam na niya ang tungkol sa mga ito. He also knows they died because of a car accident. Pero hindi siya nagsalita. Hahayaan niyang ang dalaga ang kusang magkwento sa kanya. Katulad ngayon. "Pasensya ka na kung ngayon ko lang sila naikwento sa iyo," she continued. "I just thought there's no reason to tell you about them." "It's fine, Lora. But thank you for sharing that with me," he smiled. He felt they were getting closer with each other. "Wag ka nang malungkot. For sure, masaya na sila kung nasaan man sila ngayon. Kaya dapat maging masaya ka na din," he said. He gently tucked some hair behind her ears. He can still see sadness in her eyes. Napatingin si Lora sa binata. She didn't expect him to be this gentle to her. Hindi pa rin talaga siya sanay na may taong nagpapakita ng concern para sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin sa binata. Sahalip ay ibinaling ang tingin sa niluluto niyang sinigang. "Mukhang malambot na yung karne, sandali lang kunin ko lang ang mga gulay," aniya bago tumalikod at lumayo sa binata. Napailing naman si Coco. Ramdam niya ang biglang pagkailang ng dalaga sa kanya. But he knows, she's starting to open up for him. And that's what matters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD