Dahan-dahang iminulat ni Lory ang kanyang mga mata. Liwanag ng ilaw ang unang bumungad sa kanya. Ikinurap-kurap niya ang mga ito upang makapag-adjust sa liwanag. Puting kisame, yun ang nasilayan nya. Dahan-dahan nyang ibinaling ang paningin sa kanan, puting dingding naman. Muli niyang ikinurap-kurap ang mga mata. Ano bang nangyari? Nasaan ba ako? Sunud-sunod niyang tanong sa isip. Naramdaman niya ang tila mabigat na bagay na nakadagan sa kaliwang braso niya. Marahan niyang inangat ang ulo upang tingnan kung ano yun, pero biglang sumigid ang matinding kirot sa likurang bahagi ng ulo nya.
"Ahhhh!" daing niya. Napapikit siya sa sobrang sakit na naramdaman. Kasunod niyon ay naramdaman na rin niya ang pananakit sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Gusto niyang kumilos at igalaw ang katawan pero sa tuwing magtatangka siya ay matinding kirot naman ang nararamdaman nya. "Ang sakit, aray....!"
Naramdaman niyang may kumilos sa tabi niya at nawala yung nararamdaman niyang nakadagan sa braso nya.
"Gising ka na pala. Sandali lang at tatawagin ko ang doktor." Bago pa makita ni Lory kung sino ang nagsalita ay tumalikod na ito. Tanging ang likuran nito na palabas ng pinto ang nasilayan niya.
Doktor? Litong tanong niya sa isip. Inangat niya ang kanang kamay upang kapain ang ulo niya nang mapansin niyang may nakalagay na dextrose sa kamay niya. Nang mahawakan niya ang likurang bahagi ng ulo niya ay may nakapa siyang tila tela na nakabalot duon. Unti-unting luminaw sa isip niya kung nasaan siya. "Nasa ospital ako?", litong tanong niya sa sarili.
Tila naman sagot sa tanong niya ay muling bumukas ang pinto ng silid na iyon at iniluwa niyon ang isang doktor at dalawang nurse, kasunod ang isang lalaking tila pamilyar sa kaniya ang hitsura.
Napamulagat siya nang marealize kung sino iyon, "Coco Martin???!!!", bulalas niya pero kasabay niyon ay ang muling pagsigid ng matinding kirot sa likurang bahagi ng ulo niya kaya naman napapikit siyang muli.
Kaagad namang lumapit ang nurse sa kanya at may itinurok sa dextrose niya. "Ma'am, pain reliever lang po ito para mawala ang kirot."
"Miss, ako nga pala si Dr. Reyes at nandito ka sa St. Martin Medical Center," pagpapakilala ng doktor sa kanya, "Do you know your name and where you live?" tanong pa nito sa kanya.
"Lora Jimenez po," mahina niyang sagot. Binanggit din niya kung saan siya kasalukuyang nakatira. Tila umeepekto na ang gamot na itinurok sa kanya dahil wala na siyang sakit na nararamdaman.
Tumango-tango naman ang doktor. "Natatandaan mo ba kung ano ang nangyari sa iyo kaya ka nandito sa ospital ngayon?" muli nitong tanong sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Pilit na inaalala sa isip kung bakit siya nanduduon sa ospital. Ngunit tila may mga agiw na nakatabon sa kanyang memorya kaya naman wala siyang maalala. Umiling siya, "Hindi ko po maalala dok."
May pag-aalala naman na nagsalita si Coco, "Meron ba siyang amnesia, doc?"
Bumaling dito si Dr. Reyes," The way she remembers who she is and where she lives, I don't think it's amnesia. We'll do some more tests sa kanya. Pero sa tingin ko it's more because of shock and trauma kaya wala pa siyang maalala sa mga nangyari sa kanya. Normal lang naman ang ganitong mga pangyayari because it's the way of our brains to help us cope up with the incidents happening in our lives. Especially since physically ay matindi din ang inabot na bugbog ng katawan niya," mahabang paliwanang nito.
"Makakasama ba sa kanya kung ipapaalala sa kanya kung ano man ang nangyari?" muling tanong ng lalaki.
"Well, it depends sa magiging response ng isip niya. Maaari mo namang ikuwento sa kanya ang mga nangyari as long as she is willing to take it."
"Ahm, doc, gaano na po ba ako katagal na nandito?",singit niya sa pag-uusap ng dalawa.
Bumaling si Dr. Reyes sa kanya, "Iha, you were confined here two days ago," sagot nito sa tanong nya.
"Ano ho?," gulat niyang wika kasabay ng biglang pagbalikwas niya. Napangiwi naman siya ng maramdaman ang pananakit ng mga kalamnan niya sa buong katawan.
Kaagad namang lumapit sa kanya si Coco upang alalayan siya," Oh, dahan-dahan sa pagkilos. Di pa magaling ang mga sugat at bugbog mo sa katawan," nasa boses nito ang pag-aalala.
Bagaman at medyo nailang siya sa paglapit ng lalaki sa kanya at pag-alalay sa likod niya ay mas nangibabaw ang pagnanais niyang malaman kung bakit siya nasa ospital sa mga oras na yun, to think na two days ago pa daw siya naconfine!
"Ah doc, ano po ba talaga ang nangyari? Bakit po ako nandito at bakit po ganito ang kalagayan ko?"
"Two days ago, you were rushed to this hospital by Mr. Martin. Meron kang concussion sa lower back part of your head, may mga galos sa braso at binti maging sa parteng dibdib at walang malay. When we checked you, nakita namin that you were hit like being punched on your stomach, iyon marahil ang naging dahilan ng pagkawala mo ng malay. We also think na napatama ang ulo mo sa isang matigas na bagay ng mawalan ka ng ulirat na naging sanhi ng sugat mo sa ulo. As for your bruises on your body, it seems like defense wounds," dere-deretsong wika ni Dr. Reyes.
Nalilito man ay pilit na inabsorb ni Lora ang mga sinabi ng doktor sa kanya. "You mean to say I was attacked?", naguguluhang tanong niya.
Tumango ang doktor," And since wala kang maalala sa mismong nangyari sa iyo, kaya hindi din namin masasagot kung ano ba talaga ang nangyari. But Mr. Martin here, since siya ang nagdala sa'yo dito at siya din ang nagreport ng insidente sa mga pulis, maari niyang ipaliwanang sa iyo ang mga nangyari ng makita ka niya," bumaling ito kay Coco at nagpaalam na. Nagbilin pa ito ng ilang bagay bago umalis.
"Maraming salamat po doc," wika ng lalaki bago lumabas ng silid niya ang doktor.
Napahawak si Lora sa kanyang ulo, bakas ang pagkalito ngunit mas higit ang pag-inda nito sa sakit na nararamdaman physically. Iniayos niya nang pagkakasandal ang babae sa headboard ng kama bago siya naupo sa monoblock chair na nasa tabi ng kama nito.
"Hi, ako nga pala si Rodel," pagpapakilala niya sa sarili. Bahagyang kumunot ang noo nito. Bagaman at may benda at galos pa ito sa mukha, ay mababakas ang maamo nitong hitsura. "I mean that's may real name, Rodel Martin, yung Coco kasi is just my screen name," ngumiti siya ng sabihin iyon.
Bahagyang ngumiti ang dalaga at nasilayan niya ang mga dimples nito," Ah, oo nga pala. Napapanood kita dati sa TV, di ko inexpect na makikita kita sa personal at sa ganito pang sitwasyon," napapalatak pa ito sa tinuran.
Tumawa siya dahil sa sinabi nito," Talk about encounters," makahulugan niyang wika.
"Ano ba talaga ang nangyari sa akin?" deretsang tanong nito sa kanya.
Tumingi siya sa mga mata ng dalaga bago magsalita," Are you sure na kaya mong i-handle kung ano man ang mga sasabihin ko sayo?"
Bumakas sa mga mata nito ang pagkalito at pagkatakot," I guess... Kesa naman ganito na para akong nangangapa sa dilim. Pasensya ka na ha. I know you're a very busy person pero nandito ka ngayon at nagbabantay sa isang tulad ko," she looked so fragile at that moment.
Bumuntunghininga si Coco bago nagsalita," I saw you being attacked by a man. Had I been late for another minute, baka kung napaano ka na," worry is in his voice," I'm sorry I was late. Kung napaaga lang sana ako ng dating, hindi ito mangyayari sa'yo."
"By attacked, did you mean I was almost raped?"
Tumango siya. Magsasalita pa sana siya pero napansin nya agad ang panginginig ng kamay nito. Kaagad siyang lumapit at hinawakan ang mga kamay nito.
Sunud-sunod na tumulo ang luha ni Lora. She didn't know what is happening pero ramdam na ramdam niya ang takot ng mga oras na iyon. She could feel her whole being trembling. And she couldn't stop herself from crying. The moment she said the word "raped" bigla ang takot na naramdaman niya. It felt as if she was back in that alley, being held by that bastard. Muli niyang naramdaman ang tangkang pagdidilim ng kanyang paningin. It literally felt like she was in the dark at that moment and was trying to grope onto something. Suddenly, all the memories of what happened rushed back into her and all she could do was cry hysterically.
And then she felt the warm hands holding her hand. Tila niyon unti-unti siyang hinila papalayo sa dilim. She held tightly onto that hand as she cried. Naramdaman din niyang niyakap siya ng kung sino mang nagmamay-ari ng mga palad na iyon. Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya, gusto niyang ibuhos lahat ng takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Kakaiba ang yakap na iyon dahil unti-unti nitong napapawi ang takot na kani-kanina lamang ay bumabalot sa buong pagkatao niya.
She heard him whisper as he gently stroke her back," Shhh... Tahan na, hinding-hindi na siya makakalapit sa iyo kahit kailan. Pangako, nandito lang ako. Hindi kita pababayaan."
Those words were soothing her bruised soul. As he continues to whisper those calming words, she could feel something light touching her head. And it felt comforting. It was so long ago ng maranasan niya ang may mag-alala para sa kanya. It was so long ago when she received such warmth from someone else. For two years, she was all by herself, trying to be strong always. And the fact that someone right now is giving her the care that she so longed for made her feel so vulnerable. She felt the urge to look up to him.
Naramdaman ni Coco ang paggalaw ng ulo ni Lora para tumingala sa kanya. He was giving her light kisses on her head as he hugged her para maparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Inilayo niya ang sarili dito upang mapagmasdan ito ngunit nanatili siyang nakahawak sa magkabilang braso nito. Tears were rolling down her delicate face. He touched her to wipe those tears.
"Shhh... Stop crying please," he gently said to her. He looked into her eyes and he could see how vulnerable she was. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito. He wanted to kiss those tears away. As if he was in a trance, he slowly touched his lips to her forehead, to both her eyes filled with tears, her nose, to both her cheeks. Naramdaman niya ang paghinto ng dalaga sa pag-iyak. She was looking at him innocently. He looked at her with gentleness. Her lips were slightly parted and were still trembling dahil sa katatapos lang na pag-iyak. He gently touched those parted lips with his thumb and slowly, very slowly, dipped his head to hers and gave her the most gentle kiss she had ever felt...