Tagay sa patay

2120 Words

Tagay sa patayIsang tagay, mga kasama, para sa isang masakit na alaala. May kamatayan din ang pait ng hinyebra. Nakayupyop ang punong aratilis malapit sa kanal. Hindi na ito namumunga ng mapipintog, mapupulang aratilis tulad noong mga bata pa kami. Hinihintay na lang nito ang kamatayan matapos ang dalawang dekadang pagkakatundos sa iisang lugar. Ilang taon din naming pinagtatalunan ni Santi kung sino talaga sa aming dalawa ang nakapagpatubo ng punong aratilis na ito. Sasampung taong gulang, nagnakaw kami ni Santi ng mapipintog, mapupulang aratilis sa puno ni Kura, ang pasista naming titser sa Gardening sa Puti kung saan kami nag-aral ng elementarya. Nagkadamantsa ang aming mga kamiseta, dahil dito namin isinilid ang mga bunga. Dirediretso kami sa bodega ni Mang Romy at doon nilantakan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD