Kabanata 3

1655 Words
Tungkol kay Damian Vladimir ang headlines, kaaway ito ng ama ko sa negosyo. At dahil wala naman akong gagawin ay binasa ko nalang ang article. Kamuntik kong maibuga ang iniinom na iced coffee nang mabasa ko ang katagang 'the most eligible bachelor, ready to settle down?'. Para iyong pinakanakakatawang bagay na nabasa ko sa tanang buhay ko. Nagpatuloy ako sa pagbabasa at napag-alaman kong mayroong sakit ang ina nito, at parang drama sa TV na gusto nitong makitang lumagay sa tahimik ang anak bago ito mawala. Sa sobrang pagkababaero ng lalaking yun, lalagay sa tahimik? That's probably the most ridiculous thing ever. Tinigil ko na ang pagbabasa ng walang kwentang article, pero bago ko pa man tuluyang mailagay ulit sa lamesa ang news paper, parang isang bombilya ng ilaw ang lumabas sa ibabaw ng ulo ko ng mayroong ideyang maisip. Alec's dad, and my father both hate Damian. And I would do everything to pissed them off. Muli kong tiningnan ang newspaper kung saan nakaimprinta ang pangalan at mukha ng lalaking kinaiinisan nila. This is the perfect opportunity for the revenge that I want. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa hotel room ko. When evening came, inulan ng text messages at tawag ang cellphone ko. Most of it galing kay Alec. Nasaan na daw ako at kailangan naming pumunta sa charity event ng mama nya. Even Samantha started texting me. Seeing her name on my screen makes me want to vomit. I hate her so much! Nilagay ko sa silent ang phone ko at natulog. Kinabukasan, when I checked my phone, halos buong angkan na ata ng Ortega at Tan ang nagmessage at tumawag sa akin. Even on social media apps ay pinagfiestahan nila akong tawagan at imessage. Tulad kagabi ay wala akong nireplyan ni isa man sa kanila. When afternoon came ay doon ko lang narealize na sa sobrang disoriented ko kahapon ay maling wallet ang nadala ko and I left most of my cards at home. Kailangan kong umuwi para kunin ang mga gamit ko at umalis na sa lugar na iyon for good. I checked out and went home. Pagkapasok ko sa mansion ay narinig ko kaagad ang pagtawa ni papa. "Hahaha, buti nga at nagkasakit ang ina ng walang hiyang lalaking yan!" Narinig kong sabi nito. "Hon, maybe that's his karma na. Sana nga m*matay na ang mama nya!" Kapag naririnig ko ang boses ni tita Gina ay agad ba bumabalik sa isipan ko ang sandaling narinig ko itong sinabi ang tungkol sa pampalaglag na pinainom nila sa akin. And now, may tao nanaman siyang gustong m*matay? Wala ba talagang puso ang babaeng to? Nang makalapit sa sala ay doon ko nakita that they are reading a newspaper, nakita ko sa pahinang binabasa ni papa ang larawan ni Damian. That's when I realized na tungkol ito sa nabasa ko ding article kahapon. So ang sinasabi ni tita Gina na gusto nyang m*matay na ay si Mrs. Vladimir na ina ni Damian. Hindi ko sila binati at nagtuloy tuloy lang sa pag-akyat sa itaas. Napahinto ako ng bigla kong nakasalubong si Samantha na pababa naman. "Hoy, san ka galing ha? Alam mo bang nagkakagulo ang lahat kagabi dahil sayo? Alam mo bang nastress si Alec! Hindi ka man lang ba naawa dun sa tao na iniwan mo sa ere matapos mong paasahin na sasamahan sa event!" Sunod sunod nitong sumbat sa akin. Wala akong pakialam sa lahat ng sinasabi niya. All I want to do right now is to push her down the stairs. Gusto kong lumpuhin ang mang-aagaw na babaeng to na sumira sa buhay ko. Fine, sabihin na nating hindi nga ako mahal ni Alec, but still nakiapid siya sa lalaking may asawa na, at sa akin pa talaga na kapatid niya. Siguro dahil sa lakas ng boses ni Samantha ay narinig siya nila papa at tita Gina. Maya-maya kasi ay nasa may hagdan na din ang mga ito. "Felicity!" Halos pasigaw na pagtawag ni papa sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-akyat sa itaas. Binangga ko rin ang balikat ni Samantha ng lampasan ko ito. Narinig ko pa itong nagsabi ng 'ouch' na akala mo naman ay sinaktan ko nga. Narinig ko pa ang boses ni papa na may sinasabi ito pero hindi ko na naintindihan kung ano dahil nasa may kwarto ko na ako. I started packing my clothes. Sinalpak ko rin sa maleta lahat ng mga importanteng gamit ko like my laptop, credit cards, some documents, at mga alahas. "What are you doing? San ka pupunta?" Tanong ni papa pagkapasok sa kwarto ko at nakita ang pag-iimpakeng ginagawa ko. "Aalis ba ako sa bahay na to." Walang emosyon kong sagot. I can't stay here any longer. The more na tumatagal ako rito ay parang gusto kong kalimutan nalang ang ideyang naisip at sa halip ay lasunin nalang ang buo kong pamilya para maipaghiganti ang sarili at ang mga anak kong nawala sa akin. "At san ka pupunta? What's happening to you? Tigilan mo yan at tawagan mo ang fiance mo! Did you know how worried he was last night ng hindi mo sinasagot ang mga tawag at text nya?" Pagtataas ng boses ni papa. Si Alec, worried? Baka nga tuwang tuwa pa yun dahil wala ako at may oras silang dalawa ni Samantha para sa isa't isa. At kung sakali mang nag-aalala nga ito, tiyak na hindi para sa akin kundi para sa sarili niya. Noong araw na naaksidente ako, isa sa mga sinabi sa akin ni papa noong umalis na si tita Gina para makapag-usap kami ng sarilinan ay gustong gusto daw ako ng mga magulang ni Alec. Also because I'm papa's real daughter. Totoong Ortega, at hindi si Samantha. They never liked her for their son, pero dahil sa gusto na nilang magkaroon ng apo ay tinanggap nalang nila ito para sa kapakanan ni Jason dahil alam na rin halos ng lahat sa pamilya na nang mga panahong iyon ay sinabi ng doktor na baka hindi na ako pwedeng magkaanak. Kaya si Jason nalang ang tanging apo na meron sila sa paborito nilang anak. Kung binigyan ko lang daw sana ng anak si Alec ay hindi kukonsintihin ng mga Tan ang ginawa ng anak nila. Tinanong ko si papa kung bakit pati siya ay tinago ang katotohanan sa akin. Dapat ay sinabi niya dahil ako ang anak niya. But what he told me broke my heart even more. Wala na raw kasi akong silbi sa pamilya. Ayaw niyang makaalitan ang mga Tan dahil kasosyo niya ito sa negosyo. At dahil totoong anak naman daw ang turing niya kay Samantha kaya parang totoong apo na rin niya si Jason. Bumalik ang isip ko sa kasalukuyang realidad at hinarap ko si papa saka tiningnan. Wala na akong nararamdamang kahit ano para sa taong tinuturing kong super hero ko noon. Galit at poot lang ang nararamdaman ko para rito. "I'm breaking off my engagement with Alec. Hindi na matutuloy ang kasal." I dropped the bomb. "Anong sabi mo?" Halos lumuwa ang mata nito sa gulat. Marahil dahil sa narinig ay tumaas ang dugo nito. Napahawak kasi ito sa batok at parang mawawalan ng balanse. Mabilis na lumapit si tita Gina para alalayan ito. I took the opportunity to storm off with all my luggage. "Felicity, anong ibig mong sabihin na hindi na matutuloy ang kasal nyo ni Alec?" Samantha has the audacity to follow me to my car and asked. "Oh I'm sure you know why." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "P-Pano ko naman malalaman?" She tried her best para umarteng walang alam, pero kitang kita ang pagpapanic sa mukha nito. "Isa pa alam mong magagalit ang mga magulang ni Alec sa kanya kapag hindi natuloy ang kasal nyo!" Pag-iiba niya ng usapan. "I don't give a damn." Sagot ko matapos ipasok ang maleta sa sasakyan. "But I think it would be best if you're the one who will explain to them why this engagement is over." Nakita ko kung panong napalitan ng takot ang mukha ni Samantha, but at the same time ay sinusubukan pa din nitong kumalma at magpanggap na hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Ang rason kung bakit kami pinagkasundong dalawa ni Alec ay para sa merging ng kompanya ng dalawang pamilya, and the transition started shortly after the announcement of our engagement. That was the last resort they did para pabagsakin ang common enemy nilang dalawa na si Damian. And now that I'm breaking off this engagement, I don't care what happens to that merging anymore. Kung sakali mang magtuloy tuloy ang pagbagsak ng kompanya ni papa dahil kay Damian ay magpapasalamat pa ako rito. I drove off and went to my condo unit na hindi ko nagamit ever since grumaduate ako ng college. Bumalik kasi ako sa bahay ni papa dahil sa kompanya niya ako nagtrabaho after ko grumaduate. Isa iyon sa mga ikinadadagdag ng galit ko kay papa. I was loyal to the company at isa ako sa mga dahilan kung bakit in the later years ay nakabangon ang kompanya niya sa pagkakalugi dahil sa kompetensya sa pagitan ng Ortega Mall at Majestic Centre. Wala naman kasing silbi ang kapatid kong si Samuel na puro pagliwaliw lang ang alam. Minana niya ang pinakamataas na posisyon sa kompanya kahit wala naman itong ambag at puro kapalpakan lang ang ginagawa. It was me who made Ortega Mall back to its game, and the thanks that I got for all my efforts is betrayal? Hinding hindi ko palalampasin ang lahat ng ginawa nilang pagtataksil sa akin. After calling for a cleaning service at naayos ang mga dalang gamit ay sunod ko namang pinagtuonan ng pansin ang planong nabuo sa isipan ko kahapon. Para makaganti sa pamilya ko, at kay Alec at sa pamilya niya, I plan to become Damian Vladimir's wife, and make their lives miserable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD