CHAPTER 02

774 Words
DIXIE’S POV Sa gabing iyon, hindi nagkamali ang mga anghel sa heaven. AKo ang winner! Ako ang nagwagi.. Papauwi na kami nina Waffle at Mamang Amy ko at nagkukwentuhan kami. Napakaingay ko..Kami palang tatlo. Ganun kami..Para na naming barkada si Mamang Amy. Like us..Colorful din siya at kikay. Kaya pag nag-combine kaming tatlo. Boooogsssh!!! Wala na! Bulabog na ang buong Pilipinas... “Grabe! Winner na naman ang junakies kong inherit ang ganda ko!” tuwang- tuwang sabi ni Mamang Amy. “Korak ka Mamang! Eh ang beauty ba namang ito papatalo? Never noh!” sabi ko with feelings. “Naku! Wag mo lang i-wish na sumali ako sa mga beauty contest, Dixie at tatalbugan kita!” irap sa akin ni Waffle. “Bruha ka! Ambisyosang frog ka! Eh sa Miss Gay na nga lang loser ka na eh!” sabay batok ko kay Waffle. “Aray ko! Ate Amy oh! Si Dixie! Hinaharass ako!” sumbong pa ni bakla. Nagkatawanan kami. Sobrang lakas ng tawa namin. May bumusina nang malakas. “Ay bakulaw!!!” Sigaw ko. May isa kasing kotse na kulay black ang nasa likod namin at hindi yun makaandar paunahan dahil nasa middle kami ng kalsada. Tuloy pa rin kami sa paglalakad sa buwan^^. Bumusina ulit. Sunud-sunod. “Kalabaw ka!!!” nagulat na naman ako. Napikon na ako. Kinalampag ko yung kotse. Malakas! Bumukas yung bintana... “Hoy! Bakit ka ba pepep ng pepep dyan huh! Papatayin mo ba ako sa atake sa puso?!” sabi ko dun sa driver. Lalake yung driver at parang kilala ko siya sa mukha. Madalas ko siyang makita. Sa subdivision na kalapit namin siya nakatira. Siya yung lalakeng mukhang nerd na ewan pero may ka-cute-an yata na tinatago. “Miss, hindi sa inyo ang daan para sa gitna kayo maglakad!” halos pasigaw na sabi niya. “Sinisigawan mo ba ako? Aba! Aba! Hindi mo yata ako kilala?!” “Yeah, I dont know you... So get out of the way!” Inglesero? Hmmm.... “I wont like! You…” Tumingin ako kay Waffle. “Waffle, ano nga bang english sa lumayas ka?” “Hindi ko rin alam bakla eh… 1st year lang ako eh... Ikaw Ate Amy, knowing mo ba?” si Waffle. "Hindi rin eh..grade one lang ako.." Hinarap ko ulit si Masungit na nerd.. "You..Evaporate...Or else...." "Or else, what?!" "Or else..Ipapabugbog kita sa mga tambay dito sa area namin. Tandaan mo, malayo pa dito ang subdivision niyo-------------------" "SHut up! Get out of the way!" "Alam mo ang sungit- sungit mo..Daig mo pa ang menopause na pusa!" Bigla niyang pinaandar yung kotse kaya natumba ako. Mabilis na nawala sa sight namin yung car niya. "Grrrrrrrrrrrrrrrrr!!!", sigaw ko sa sobrang inis. "Easy, chilax ka lang Dixie...Kilala ko kaya yun! Si Serge yun..Mabait yun!", si Mamang Amy. "Mamang..May ganun bang mabait? Look..May gasgas na ako sa legs ko oh! Mag peklat lang ito, susunugin o ang subdivision nila..", inis na sabi ko. "Ano kaba bakla! Wag ganun..Mababawasan ang gwapo sa Earth, sige kaw..", si Waffle. "Hoy Waffle..May gwapo bang ganun? Parang lolo kung magporma tapos parang hinimod ng aso ang buho sa sobrang flat..." "Anak naman..Mabait talaga yun..Kilala ko rin siya eh...Nagtatrabaho yun sa isang office dyan sa tabi- tabi..." "Ang yabang eh! Kalampagin naman ang kotse!", sobrang inis pa rin ako.... "Yaan mo na! Ng wrinkes mo..ANg wrinkles..Oh, ang laugh line...!", mataray na turan ni Waffle. "Oh my God! Oh my God!", exxagerated kong sabi. Sabay touch sa face ko. "Ang mabuti pa..Libre mo na lang kami ng goto kay Mameng...Winner ka naman eh..", suggested ni Mamang. "Mabuti pa nga..", sabi ko na lang. Pero ang inis ko kay Serge na iyon ay nandun pa rin. Malapit na kami kina Mameng Gotohan ng muling.... *peeeeeeeeeeeeeeep! "Kabayo ka!" Sino na naman ba ito? Tumapat sa akin yung kotse na mukhang mamahalin. Bumukas ang bintana at mula roon ay sumungaw ang isang matandang lalake. Ay! Siya yung matandang sinasabi ni Waffle. "Ikaw ba si Dixie?", tanong nung matanda sa akin. "Opo...Im Dixie Manansala.." "Can I treat you for a dinner, iha..By the way I am DON Romero Chui." Pinagdiinan pa niya yung word na DON. Chui, chinese blood kaya pala madatung. "Uhm..Kakain na po kasi kami ng goto..." Tumingin sa akin si Waffle. Nandidilat ang mga mata niya. Parang sinasabi niyang patulan ko na si Don Romero. "Is that it? Sige..Maybe some other time..", sabay umalis na yung kotse niya. Biglang nagtitili sina Waffle at Mamang Amy. "ANg swerte mo! Palay na ang lumalapit sa manok!!!!", sigaw nung dalawa.. Ano kaya? Si Don ROmero na nga kaya ang sagot sa pagyaman ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD