Giovanni Pov.
(Admiring her)
“I want to bring her in a shopping mall today..” ilang linggo na ang lumipas simula nang magtuloy-tuloy ang pag-aaral ni bella sa tulong ni carlo.
Hindi pa namin napagdesisyunan na ikuha ito ng ibang tutor. Hindi rin pumayag si lolo ng sinabihan ko itong ikukuha ko ng trainer si bella kung paano kumilos at gamitin ang ilang bagay.
Nasabi niya sa akin na kailangan dumaan muna sa ganitong proseso si belinda. Well, it's okay for me. Noong nakaraang linggo kasi ay sumakit ang ulo ni bella dahil may naalala ito tungkol sa simbahan na sinasabi niya. Dahil doon, i didn't push her to remember the past of her life. Siguro nga ay dapat na niyang kalimutan iyon, i'm not sure if what her past life. But she looks afraid when she remember something, life fire. Maybe she experience a huge fire that she didn't forget.
“Hindi ba darating si carlo ngayon?” nagkibit balikat ako sa tanong ni lolo, my mood suddenly swing when i heard his name. Naiinis ako sa kanya, he always mention to me that bella need to experience the world. Ano bang gusto niyang mangyari? Hayaan kong mag-aral si bella sa isang university.
“He/ll no!” isang matigas na bagay ang dumapo sa ulo ko matapos kong sumigaw. Hindi ko napansin na nasabi ko pala iyon ng malakas, sh*t. This is what i'm talking about, para akong siaulo na kinakausap ang sarili.
“Sinong nagsabing magmura ka! Hindi mo na talaga inaalis iyan sa bibig mo!” hinahaplos ko ang tuktok ng aking ulo dahil sa sakit ng pagpalo ni lolo, why he always use that baston to me? Kung hindi lang siguro kinuha ni bella iyan at binalik muli sa kanya, edi wala na siyang ihahampas sa akin.
But, did bella stole this baston? Hindi ko nga pala naitatanong kung bakit nasa kanya ang tungkod ni lolo noon, maybe i will ask her later. Natutulog pa kasi ito at hindi naman namin siya ginigising ng sapilitan. Hinahayaan namin siyang matulog because she need a rest, she deserve to be like a princess. Oh sh*t. What the he/ll, bakit ko ba iniisip ito?
“I'm sorry lo, i just don't like that carlo..” nailing lang si lolo sa rason ko, pero totoo naman. Ayoko talaga sa lalakeng iyon dahil araw-araw niyang sinusubok ang pasensya ko.
“Kung wala naman na siyang klase ngayon, tama lang na ilabas mo si belinda. Kesa 'yung lagi na lang siyang nasa bahay, she needs to experience the outside beautiful world..” napabuntong hininga ako sa sinabi ni lolo, hindi ko akalaing maririnig kong muli ang sinabi ni carlo sa akin noong isang araw, i really hate him the way he speak on me. Para bang ang bo/bo ko para hindi maisip iyon, but. I just won't to let bella free. Hindi ko alam pero basta ayoko!
Maybe, i'm selfish. Pero iyon ang nararamdaman ko, ngayon ko lang naisip na kailangan niya talaga ng kalinga, atensyon at pamilya.
Napag-isip ko rin na masyado pala akong naging masama noon sa kanya. So, i will spent time to her today. Hindi muna ako papasok kahit huwebes pa lamang, tatawagan ko na lamang si foreman charlie mamaya.
“Maaga akong aalis ngayon, kung tutuloy kayo ng mall. Magsama ka ng bodyguard.” nangunot ang noo ko sa sinabi ni lolo.
“We don't need a bodyguard, lo!” sinamaan lang niya ako ng tingin, bakit kailangan pa ng bodyguard? Kaya ko naman ng protektahan si bella kung sakali, ang pinaka-ayaw ko sa lahat at 'yung may sumusunod sa akin na parang hindi ko alam ang pupuntahan ko.
“Para iyon kay bella, giovanni. Hindi para sa'yo, sundin mo na lang ang sinabi ko..” oh come on, nakakainis talaga si lolo. Paano ko niyan masosolo si bella kung may kasama kami, sh*t. Anong masosolo giovanni? Ilalabas mo lang naman siya, hindi naman kayo magdadate dahil hindi mo naman siya gusto.
Yeah, i'm right. Wala akong gusto kay bella. She's my lolo adopted daughter, para na niya akong tito or kuya. This isn't good to have feelings on her, at saka. She's to young for me, masyado na akong matanda para kay bella.
But. “Fvck!”
Muli ay nakatanggap ako ng malakas na hampas sa tungkod ni lolo. Sa pagkakataong iyon ay napatayo na ako dahil masakit na.
“Why did you hit me again, lo!”
“Kung ayaw mo ng bodyguard, huwag kang nagmumura!” pinalo pa ni lolo ang braso ko dahilan upang dumistansya na ako ng tuluyan. Doon ko na rin nakita si bella na pababa ng hagdan suot pa rin ang pajama at pantulog niyang blouse.
“Lolo, rod.” lumapit siya kay lolo, kunot ang kanyang noo bago bumaling sakin. “Bakit ikaw palo gio?”
“Matigas kasi ang ulo niya, dapat sa kanya pinapalo para matauhan!”
“Kawawa gio, baka mabali buto niya.”
“Babaliin ko talaga ang buto niyan hangga't nagmumura siya!” kunot pa rin ang noo ni bella bago pumaling ang ulo.
“Nagmumura?”
“Yes, huwag mo ng intindihin 'yon. Maupo ka na, maayos lang ba ang gising mo?” tumango si bella.
“Maayos lang gising bella, naghilamos bella at sipilyo. Tinuruan bella yaya glor.”
Nakangiti na ngayon si lolo, tumango-tango ito bago paupuin si bella sa tabi niya. “Mabuti naman at marunong ka na..”
”Bella marunong hugas sa il--”
“Okay, that's enough.” pinutol ko na ang balak pa nitong sabihin dahil paniguradong masisiraan lang ng ulo si lolo sa oras na banggitin pa iyon ni bella. Sinabi na niya iyon sa akin, at ng sabihin niya iyon ay muntikan na akong hindi makahinga ng masamid ako dahil sa tubig.
“Kumain ka na, may lakad tayo ngayon.” nangunot ang noo niya sakin.
“Lakad?” tumango si lolo rodolfo.
“Aalis kayo ni giovanni ngayon.” aniyang paliwanag kay bella.
“Sama lolo rod?”
“Hindi, may trabaho ako sa fatima. Medyo busy si lolo.”
Napanguso si bella dahil sa sinabi nito. “Bakit lagi punta lolo sa fatima?”
“Fatima is a school, doon nagtatrabaho si lolo.”
“School?”
“Yes, paaralan. Kung saan dapat nag-aaral ang isang studyante..”
Lalong nangunot ang noo ni bella. “Bakit bella dito nag-aaral? Hindi pwede bella sa fatima?” panandalian akong natigilan sa tanong nito. Ngumiti si lolo bago haplusin ang buhok ni bella.
“Pwede ka 'don, pero dapat mag-aral ka munang mabuti dito, okay?”
“Pag marunong na bella magsulat at bumasa mag-aaral bella sa fatima?” tumango si lolo
“Yes, kung saan mo gusto. Doon kita ipapasok.”
Malaki ang naging ngiti ni bella dahil sa sinabi niyang iyon. Subalit kakaiba ang nasa isip ko, ayoko pang hayaan si bella na pumasok 'don. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon dahil usually ay wala naman dapat akong pakialam. Ngunit ngayon, ang laki na ng pinagbago ko. She's just a woman, kung babae lang ang pag-uusapan ay marami ako. Nakapila lang sila at naghihintay sa akin. But this belinda girl is really different, hindi ko alam kung bakit kuhang-kuha niya ang atensyon ko. And i want her full attention on me too, ayokong may pinapansin rin siyang iba. And i didn't want to share her in anyone elsw, da/mn!
“Gio, mag-aaral bella sa fatima.” bumuntong hininga ako, tumango lang din ako at hindi siya sinagot. Mukha namang masaya siya and beside's her process isn't still good. Mahaba-haba pa ang aaralin niya upang makapag-aral.
“Kumain ka na, pupunta tayo ng mall ngayon.”
Nangunot ang noo niya. “Mall?” tumango ako.
“Oo, bilisan mo.” muli akong nagpatuloy sa pagkain habang siya'y nag-iisip pa. Hindi ko alam kung anong nangyari kay carlo at hangga ngayon ay wala pa siya. But it's okay, aalis din naman kami ni bella. Mas mabuting hindi na siya dumating, baka maisipan niya pang sumama na mas lalong ika-iinit ng ulo ko.
NAUNANG natapos sa pagkain si lolo, nagmamadali siya dahil may mga share holders daw na darating ngayon. Nakabihis na ito kung kaya't mabilis lang ang kanyang paglisan. Sinamahan siya ng dalawang guard at ang isa ay inutusan niyang sumama sa amin Mamaya. No choice ako kundi manahimik na lang, wala din naman akong magagawa dahil iyon na ang utos niya.
“Gio walang trabaho?” umiling ako sa tanong ni bella. Tapos na akong kumain habang siya'y meron pa sa kanyang pinggan. Inuubos ko na lamang ang aking kape bago ako maligo. Naayos na rin ang linya ng tubig noong isang araw, medyo maayos na rin ang pakiramdam ni bella dahil wala na itong dalaw.
“Anong gagawin bella at gio sa mall?”
“Ipapasyal lang kita, ibibili kita kung anong gusto mo.” kumislap ang kanyang mata habang nakangiti.
“Talaga? Bella gusto maraming color book. Gusto rin bella damit at laruan!” tumango ako
“Alright, tapusin mo na ang kinakain mo. Maliligo lang ako sa pool.”
“Sa likod?”
“Yes, drink your milk.” tumayo na ako ng hindi siya sumagot. Ngunit bago ako makalakad ay nagsalita na siya.
“Pwede bella ligo pool?”
“No ”
“Bakit no? Gusto bella ligo doon. Bawal?”
“Hindi ka naman marunong lumangoy hindi ba? Baka malunod ka lang na naman.” ngumuso siya
“Gio kasama naman bella, gio tuturuan lumangoy bella eh.” mariin na umiling ako.
“Hindi pwede, huwag matigas ang ulo mo.”
Tuluyan na akong lumisan upang hindi na siya makahirit pa. Nasalubong ko na rin si yaya glor na halatang kakababa lamang ng silid. “Kumain na ho kayo ”
“Sige, hijo. Umalis na ba ang lolo mo?”
“Yes, may meeting kasi kaya nagmamadali. Aalis rin kami ni bella, sabayan na ninyo siyang kumain.”
“Saan kayo pupunta? Wala ba siyang klase?”
“Were going in a mall, wala din naman na si carlo kaya ibibili ko muna ng gamit si bella.”. Tumango si yaya
“Maganda nga iyan, para naman mapasyal si bella at hindi lagi na nandito siya sa bahay.” hindi ako kumibo sa sinabi niya, maging si yaya ay iyon din ang nasa isip. Kailangan yata na hindi ako masyadong mahigpit kay bella.
Pero hindi ko matiis, hindi ko alam kung bakit kailangan na mahigpit at maraming bawal. This is not good for her, she need's to feel her life like a princess.
Hindi iyong parang bilanggo siya dito.
After i pick a towel and clothes to wear, i immediately went on our backyard. Naka-boxer na lamang ako habang walang suot pang-itaas, tuwalya lamang ang aking dala kung saan ay inilapag ko lang iyon sa upuan.
Mabilis na lumusong ako sa pool upang sumisid. Hindi kasi ako nakapag-jogging kanina kung kaya't lalangoy na lamang ako ng ilang beses. I need to maintain my body built, ilang taon ko 'ring iningatan ang katawan ko upang mas lalong magustuhan ng mga babae. I'm used to praise by someone, specially those woman who admire me. But belinda is the exception, kakaiba. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay ni walang isang kumuha ng interest ko, pero siya. I can't barely dvmn explain.
Sa pagbalik ko sa aking pinanggalingan kanina, natigilan na ako ng makakita ng pares na paa. Tumingala ako at doon nakita ko si bella na nakangusong nakatingin sa akin.
“Gio..” napabuntong hininga ako.
“Maligo ka na doon sa loob..” makailang beses siyang umiling.
“Bella ayaw, gusto bella ligo dito pool.”
“Hindi ka naman makakalangoy, bakit ba ang kulit mong babae ka?” lumabi siya habang patagilid na tumingin sakin.
“Bella lagi hindi pwede ligo dito, pero gio lagi liligo pool..” i close my eyes tightly when her voice change, nagmamakaawa na hindi ko alam kung saan niya natutunan. At the end, i sighed with a defeatedly looked.
“Find, comehere. Ilang minuto lang, hindi ka pwedeng magtagal.”
“Yie!” hinubad na nito ang suot niyang tsinelas upang maghanda na. Ngunit mabilis ko rin itong pinigilan ng tangkain niyang hubuin ang kanyang shorts.
“Maliligo ka ng nakadamit, belinda!” dalawang beses siyang napakurap.
“Bakit?”
“M-malamig ang tubig, h-hindi ka pwedeng m-maghubad!” madali naman na siyang kausap dahil sinunod nito ang gusto ko. Umupo siya kung saan una niyang pinalubog ang kanyang paa, bella is not that small. Her height is 5'7 and me is 6'4, at ang pinakamalalim na parte ng pool ay umaabot ng 7ft doon sa dulo, at dito sa kinatatayuan ngayon ni bella ang mababaw na parteng nasa 5ft lamang.
“Gio tuturuan lumangoy bella?” umiling ako.
“Hindi, magbabad ka lamang diyan. Sa susunod na araw na lamang kita tuturuan.” ngumuso siya ngunit hindi ko na ito pinansin. Sumisid na muli ako upang languyin ang dulo, ilang segundo lamang ng marating ko iyon dahil hindi naman na kalayuan, ngunit pag-angat ng ulo ko ay hindi ko na makita si bella.
Sa sobrang kaba na nararamdaman ko ay mabilis na sumisid ako sa ilalim. At doon sa pwesto niya kanina ay nakita ko itong nakalubog sa tubig na naglalaro. Hinila ko ang kamay niya upang i-angat, dalawang beses nitong pinunas ang mukha niya bago ako tuluyang maaninag.
“Huwag mo ng gagawin 'yon!”
Muli'y napakurap siya. “Bakit?”
“Paano kung malunod ka, hindi ba't sinabi kong magbabad ka lang dito! Ang tigas talaga ng ulo mo!” ngumuso siya.
“Bakit gio lagi sabi tigas ulo bella?” napamaang ako sa tanong nito, hindi rin ako nakasagot dahil nasasaktan ba siya sa tuwing sinasabi ko iyon?
“H-hindi naman sa ganon, i m-mean..”
“Anong hindi? Kahit gio matigas ulo!” kinatok nito ang ulo ko dahilan upang hawakan ko iyon. “Wala naman malambot ulo di ba?” napamura ako sa aking isip dahil iyon pala ang ibig niyang sabihin, nag-iwas ako ng tingin bago kagatin ang aking labi. Masisiraan talaga ako ng bait sa babaeng ito.
“Gio tulong bella noong malunod di ba?” muli'y tumingin ako rito, ngunit napaatras din ako ng makitang nasa harapan ko na siya. “Bella alam pa rin ligtas gio.” napalunok ako, her face is really an angel. Her lips, nose and eyes is excellent perfect. I can't deny that i admire her beauty, kung magiging maayos lamang ang kanyang pananalita ay tiyak na maraming magkakagusto rito.
“Y-yes, i'll always saved you.” nangunot ang noo niya bago ito muling lumapit sakin, sinampay niya ang kanyang dalawang kamay sa batok ko habang tinititigan ako ng mariin.
“Bakit gio nagsasalita ganyan?”
“That's a english language.”
“Bella hindi maintindihan, parang ibang tao gio.” natawa ako bago mag-iwas ng tingin, ngunit nagulat din ako ng tusukin nito ang pisngi ko. “Gio maganda mukha, ilong at mata..” ngumisi ako bago tumango.
“Gwapo ang tawag 'don.”
“Gwapo?”
Tumango ako. “Oo, gwapo ako hindi ba?”
“Gwapo gio..” ngumiti ako bago kagatin ang labi.
“Sinong gwapo? Si gio ba o si kaloy?” natigilan siya sa tanong ko, hindi ko alam kung nahirapan ba siya dahil nag-isip pa ito. “You don't need to think, mas gwapo naman talaga ako sa tutor mo!”
“Bella gusto gio..” natigilan ako sa sinabi niya, panandalian umawang ang bibig ko dahil sa narinig. Maraming babae naman na ang nagsabing gusto nila ako, pero itong kay bella. Kakaiba talaga, walang katulad at parang nasa ulap ako.
Fvck. Bakit nagkakaganito ako?
“M-may gusto ka sakin?” tumango siya, seryoso.
“Bella gusto rin lolo rod..” mabilis na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ang umusbong na ngisi sa labi ko ay unti-unti na 'ring nawala.
....“Bella gusto kaloy, bella gusto yaya glor, bella gusto lahat tao dito sa bahay...” napapikit ako bago hilutin ang aking noo, akala ko pa naman may gusto siya sakin. Iyon pala, iba ang tinutukoy niyang pagkagusto, dvmn.
“Alright, magbihis ka na 'don. Magsuot ka ng pantalon at blouse, huwag iyong dress!” ngumuso siya.
“Gusto bella bili lolo rod damit, ayaw damit bigay gio!” muli ay napapikit ako, binili ko kasi siya ng mga damit. Pajama lahat at blouse, walang dress, skirt or sleeveless top na gaya ng binili ni lolo. Ayokong nakikita siyang ganoon ang suot, napeperwisyo ang pagkalalake ko.
“No, bella. You must wear what clothes that i give to you, kung iyon ang susuotin mo, pupunitin ko lang 'yon, i swear..”
********
to be continued...
Gio masyadong conservative, ayaw lang maseduce eh HAHAHAHA. ?