CHAPTER 10 LINGO, at naisipan kong magpahinga. Wala sina Manang Lodie at Manang Fe. Wala rin si Viktor dahil may inaasikaso rin ito. Si Alfonso, naman ay hindi ko rin alam kung saan napadpad. Napa-buntong hininga ako, at naglakad patungong kusina. Us usual kusina lang naman ang tambayan ko, saka sa harden. Pero mas gusto ko dito sa kusina dahil makakapag-kape ako. "Ang swerte ko naman, iniwan akong mag-isa dito sa malaking bahay, tahimik, at nakakabagot." Kinakausap ko nalang ang aking sarili para naman malibang ako. Lumipas ang gabi, at wala pa rin sila. "Wala ba silang balak na umuwi?" Tumawag sa'kin si Manang Fe, at Manang Lodie. Umuwi pala sila ng probinsya, kaya pala nagmamadali, at 'di nakapag-paalam ng maayos sa'kin. "Isabela?" Rinig kong may tumatawag sa akin, at base sa bose

