Calixta's Point Of View "Good Morning, Calix." Bati ni Lea sa akin, pagkarating ko sa loob ng kusina. "Good Morning,"Bati ko pabalik sa kaniya, "Nakauwi na ba si Lola?" Tanong ko rito. Tumigil naman ito sa paglu-luto at nag-iisip. Hindi naman ganoon katagal ay lumingon ito sa akin at ngumiti. "Nakauwi na siya kanina, galing daw siya sa bahay ng guro mo." Saad nito, tumango lang ako at umupo na sa lamesa. Hindi muna siguro kakain si Lola, baka napagod iyon sa ginawa niya kahapon. Tapos dagdag mo pa na pumunta pa pala ito sa bahay nila Sir. Siguro ay nakiramay ito sa pagkamatay nito, isa pa, isa rin si Sir sa mga employees niya at naging boyfriend rin ito ni Ate. "Alam mo ba Calix,"ani ni Lea at inilagay sa harap ko ang fried rice na niluto nito at ang iba pa na

