Calixta's Point Of View Lix? Who is Lix? Naalala ko na tinawag din ako ng lix ng isang lalaki sa isipan ko ngunit hindi ko naman ito kilala sapagkat napaka-bata pa nito. Hinayaan ko lang na yakapin ako ni Jake hanggang sa kusa na itong kumalas at umiwas ng tingin. Nakita ko pa ang pag-punas nito sa kaniyang mga luha. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito at hinawakan ang kaniyang braso. "Wala, wala lang 'to,"tugon nito at tumalikod sa akin. "Pwede mo naman sabihin sa akin kung bakit,"sabi ko. Hindi ko alam ang rason kung bakit ito umiiyak, kung kaya ay gusto ko malaman kung bakit. Sa tingin ko ay may koneksyon ito sa nakalimutan ko na memorya. Umiling lamang si Jake sa akin at tumalikod. "Huwag mo na lang pansinin ito, Calix." Ani ni Jake. "May na

