Chapter 14

2553 Words
                Habang kami ay naglalakad na rito sa ground papunta sa building kung saan naroroon ang registrar at accounting napansin ko naman ang mga varsity players na naglalaro dito sa soccer field. Kitang kita ko mula sa dinadaanan naming ang mga lalaking sakto sa tindig at seryosong nagpa-practice rito. Marami naman na mga estudyanteng babae ang nasa gilid nito at chine-cheer ang mga boto nilang mga manlalaro. Napa-iling nalang ako at napa-tingin sa harapan ko. Sobrang dami talaga ng mga estudyante rito kung sabagay ay napaka-laki naman ng paaralan na ito. Nagulat naman ako ng muntikan na akong mabangga ng mga estudyanteng lalaki na nagtutulakan habang inaasar ito sa isang babae na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin.                 “Students, you are not in high school anymore. Behave yourself,”saway naman ng kasama ko habang seryosong tinignan ang mga ito. Narinig ko pa ang isa sa kanila na may ibinulong na “Patay,”                 Humingi naman ng pasensya ang mga ito at agad na pumasok sa kanilang classroom. Napa-iling naman itong kasama ko at tumingin sa akin. “Pasensya ka na, ganito talaga ang mga first years. Hindi pa sila matured kung kaya asal mga High School,”paliwanag nito. “Okay lang, naiintindihan ko naman atsaka dumaan din naman ako sa stage na ‘yan,”nakangiting sabi ko rito. Ngumiti naman ito at nagsimula ng maglakad kung kaya ay agad akong sumunod rito. “Kung sabagay, pero pinagbabawal talaga ng school na ‘to ang mga ganoon sa hallway. Hindi kasi natin alam kung anong posibleng pwedeng mangyari,”sabi naman nito.                 “Kung sabagay pero okay lang ‘yon. Sabi mo nga first year pa sila atsaka kaka-simula lang ng class, hindi pa malinaw sa kanila ang rules sa school na ‘to,”sabi ko naman rito at sumang-ayon naman ito sa sinabi ko.                 Ilang sandali pa at nakarating na kami rito sa harap building na kung nasaan ang SAO office at kung saan ako nagpapirma. Agad naman kaming umakyat sa hagdan at nakasalubong ko naman ang ibang mga estudyante na may kaniya-kaniyang bitbit na mga papeles o ‘di kaya ay libro. “Maraming students sa building na ito dahil nandito ‘yong mga room na kung saan ka pwede magpa-print, textbook area, AVR kung saan nahe-held ang mga meetings and gatherings, BeeHive na kung saan ito ‘yong organization na hinahasa ang mga students sa business, nandito rin ang iba pang training room tulad nalang ng dance room, singing room, art room at iba pa,”pagpapaliwanag nito.                 So silbi itong building na ito ay walang iba kundi para sa iba’t ibang clubs lang ng mga students? Bigatin din, may sariling building ang mga clubs.                 Nakarating na kami sa second floor at agad na man itong nagtungo sa harap ng pintuan ng office at binuksan ito at sinenyasan akong pumasok. Agad ko naman itong sinunod at ramdam ko ang lamig sa loob ng office na ito.                 Nilibot ko naman ang paningin ko at saka ko lang napansin na may isang pintuan pala sa sa gilid ng table na kung saan naroroon si Miss Pres noong nagpapirma ako. Siguro ay dahil na rin sa nakatitig lang ako rito kaya hindi ko ito napansin.                 “Halika, sumunod ka sa akin,”sabi nito sa akin at inaya ako sa loob ng pintoan na nasa gilid ng table.                 “Saan tayo papunta?”Tanong ko rito bago lumapit sa kaniya, “Nandito si Miss Pres,”sabi naman nito bago niya binuksan ang pintoan ng kwarto na iyon.                 Nakita ko naman si Miss Pres na abalang nagbabasa ng papeles at sa gilid nito ang dalawa ko pang kaklase na kung saan abala rin ito sa paglalaptop. “Excuse Miss,”tawag pansin nito sa abalang presidente. Agad naman nitong itinaas ang tingin nito at napatingin sa akin, gano’n rin ang dalawa pa nitong kasama. “Hello, thank you mary. Maari ka ng umalis,”sabi naman nito atsaka narinig ko nalang ang pagsara ng pinto sa likod ko.                 “Hi Calix, take your seat.”Sabi naman ni Miss Pres habang nakangiting nakatingin ito sa akin. Tumango lang ako atsaka umupo sa tabi ng Dean Student pero may isang upuan na nakapagitan sa aming dalawa. “Maari ko bang malaman bakit ako napatawag?”Tanong ko rito na naging dahilan ng pag-lingon nito sa mga kasama niya. Agad naman silang tumango at humarap sa akin.                 “May mga tanong lang kami Calix,”nakangiti naman na sabi nang Dean’s Student. Napatango naman ako,”Ano naman iyon?”Tanong ko.                 “Bago iyan magpapakilala muna kami, Ako pala si Celestial Heaven. Ang President ng Student Affairs Organization o mas kinikilalang SSG noong high school. Dito sa amin pina-process ang mga scholarship ng students and as well as mga reklamo ng mga ito,”nakangiting pagpapaliwanag ni Celestial atsaka ito tumayo at inilahad ang kamay. Tumayo rin ako atsaka tinanggap ito.                 “Ako naman si Sining Sanchez, you can call me Sing. I am the Vice President of SAO and also the president of Art Club. Well halata naman siguro sa name ko no’?”Natatawang sabi ni Entrance Girl o Sing. Inilahad din naman nito ang kaniyang kamay at ngumiti sa akin at ganoon din ako. “Nice to meet you,”sabi ko rito.                 “And lastly, I am Syvelle Rose Gomez, you can call me Sy. I am the secretary of this Organization, pleased to have you here,”sabi naman nito atsaka inilhad din nito ang kaniyang kamay na agad ko naman na tinanggap. “Thank you,”tanging sabi ko rito.                 Ngumiti naman ang mga ito at bumalik sa kanilang mga upuan, “As you can see kami lang ang officers na nadidito ngayon, masyadong abala ang ibang students na bantayan ang campus kaya wala sila rito but soon makikilala mo rin ang mga iyon,”sabi nito.                 Kaya pala, kanina pa ako nagtataka bakit sila lang nandirito at baka sila lang ang officers sa malaking organizations na ito. “Ganoon ba?”Tanong ko rito na agad naman na tumango silang tatlo.                 “Let’s get to the point Calix, kaya ka naming pinapatawag dito dahil may gusto lang kaming malaman. Lahat ng transferee’s rito ay tinatanong naming kaya ‘wag kang mabahala na baka sa iyo lang naming ito ginawa,”pagpa-paliwanag naman ni Miss Pres.                 Akala ko ako lang buti naman nilinaw nito na normal lang pala ang ganito sa kanila. Kung hindi ay iisipin ko napaka – weird ng ganitong set-up na kung saan kaka-transfer ko lang sa paaralan na ito at agad akong napatawag sa opisina ng Student Council.                 “Okay lang, ngayon ay naiintindihan ko na. Nagtataka pa ako noong una pero pinaliwanag niyo naman kaya okay na,”nakangiti kong sabi rito.                 “Buti naman kung ganoon,”tugon naman ni Celestial. “Ano nga ulit ang full name mo Calix?”Tanong nito sa akin. “Calixta Guevarra, with double r,”sabi ko rito na kung saan napatawa naman ang tatlo, narinig ko naman ang pagtipa ng keyboard ni Sy kung kaya ay napatingin ako rito.                 “Huwag kang mag-alala, confidential ang mga sinasagot mo at sa amin lang ang copy na ‘yan,”sabi naman ni Celestial nang makita ako na nagtatakang nakatingin kay Sy.                 “Ah okay,”tanging na sabi ko. “So Anong ngalan nga ng University kung saan ka nag-aaral noon?”Kasunod naman na tanong nito. “University of Cebu,”sagot ko rito, tumango-tango naman ito atsaka inilagay sa kamay sa ibabang bahagi ng bibig ang kamay nito.                 “Kakalipat mo lang bas a lugar na ito? I mean pati pamilya mo?”Sunod naman na tanong rito.                 Kakalipat ko ba sa lugar na ito? Oo pero pamilya ko matagal na yata sila rito. Dito na nga yata naririhan ang pamilya ni lolo at lola simula pa noong unang panahon. Umiling naman ako rito.                 “What do you mean?”Seryosong tanong nito. “Iyong pamilya ng lolo at lola ko ay dito na sila naninirahan simula pa noong unang panahon. Siguro kabilang ang mga ito sa isa sa mga pamilya na unang nanirahan sa islang ito,”sagot naman nito na naging dahilan ng pagtigil ni Sy sa pagtype at pagtingin ni Celestial at Sing sa akin.                 “How about you?”Seryosong tanong ni Sing sa akin. “Kakalipat ko lang rito noong March but as far as I remember dito ako ipinanganak at dito rin ako lumaki hanggang sa lumipat kami sa city,”pagpapaliwanag ko na naging dahilan ng paglaki ng mga mata nito at napatingin sa isa’t – isa.                 “Nasaan na ang mga magulang mo?”Tanong nito sa akin, nalungkot naman ako at napayuko. “Matagal na silang patay,”sabi ko rito. Dumaan naman ang sobrang habang katahimikan bago tumikhim si Sing na naging dahilan ng pagtingin ko sa tatlo. “Ahem, sorry to hear that Calix,”paghihingi ng pa-umanhin ni Celestial, kung kaya ay agad akong umiling. “Okay lang, matagal na rin naman iyon,”nakangiti kong sabi rito. Nakita ko naman ang paghinga ng malalim ni Celestial.                 “So ano, ano nga pangalan ng lola mo?”Tanong nito sa akin, “Lydia Guevarra,”sagot ko rito na mas lalong lumaki ang mga mat anito. “You mean kabilang ka sa mga pamilyang may malalaking business sa Isla na ito?”Gulat na tanong ni Sy.                 Malalaking Business? Malaki ba ang business ni lola? Ewan ko, hindi ko alam.                 “Uh, hindi ko po alam. Wala po akong alam sa kung ano ang business ng pamilya namin dahil kakalipat ko lang rito at hindi ganoon nag-sh-share si lola ng impormasyon patungkol sa status ng pamilya naming,”sagot ko rito.                   Ni isa ay wala akong alam patungkol sa pamilya ko. Oo alam ko na may business si lola pero hindi ko alam kung anong klaseng business ito o kung Malaki ba talaga ito o hindi. Basta ang alam ko lang ay….’yon lang may business siya.                 “Ah, ganoon ba?”Tanong nito sa akin, na kung saan na agad naman akong tumango. “Pwede ba naming malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang mo?”Tanong nito.                 Agad naman akong napabuntong-hininga ng pilit ko na naman ina-alala ang nangyari noong araw na iyon. Ngunit kahit anong gawin ko ay tanging sakit lang sa ulo ang nakukuha ko.                 “Na-aksidente kami sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit? Kasi wala akong ma-alala kahit isang memory sa oras na nangyari ang aksidente.  Sabi ng doctor ay may short term memory loss daw ako, ito ang epekto ng head injury na natamo ko noon,”pagpapaliwanag ko rito.                 “20 ka na diba?”Tanong ni Sy sa akin. Tumango naman ako rito, “9 years ago?”Gulat na tanong ni Sing at napatingin kay Celestial na seryosong nakatingin sa akin.                 “Pilit kong inaalala ang nangyari noong panahon na iyon but sa huli ay tanging sakit lang sa ulo ang natatamo ko,”dugtong ko rito, agad naman itong tumango at napa-sandal ang mga ito sa kanilang upuan na tila gulat sa mga nalaman.                 “Bakit?”Tanong ko rito, umiling lang ang mga ito.                 “Wala Calix, nagulat lang kami sa mga napagdaanana mo. Okay ka na ba?”Concern na tanong naman ni Sing na medyo nauutal pa.                 Something is wrong.                 “Okay lang,”tugon ko rito habang naka-kunot ang aking noo. Dumaan naman ang mahabang katahimikan sa pagitan naming apat.                 I don’t know but may mali ba sa mga sagot ko sa kanila? Wala naman siguro hindi ba? Sinabi ko lang naman ang mga impormasyon na alam ko. Wala naman akong sinagot na fake news, atsaka ano naman makukuha ko sa pagsisinungaling? Wala naman.                 “Calix, may tanong ako.”Pagpuputol ni Celestial sa katahimikan. Umayos naman ito ng upo atsaka seryosong nakatingin sa akin. “Ano ‘yon?”Tanong ko rito                 “Sinong pumilit sa’yo na lumipat sa school na ito?”Tanong nito sa akin. “Wala, desisyon ko ang lumipat rito sapagkat ako nalang ang tanging pamilya na natitira ni lola atsaka lolo kung kaya ay napag-isip-isip ko na lumipat na rito,”pagpapaliwanag ko na agad naman na nakahinga ng maluwag ang mga ito at lumambot naman ang kanilang mga ekspresyon.                 “Ikaw nalang? Anong ibig mong sabihin?”Tanong naman ni Sy at humarap sa akin.                 “Months ago, kaya ako bumalik rito ay dahil namatay ang tita ko sa kadahilanana na ito ay pi—I mean dahil sa sakit nito sa puso. Dalawa lang ang anak ni lola, kung kaya noong namatay ang mga magulang ko ay tanging si tita nalang ang mayroon sila pero sa kasamaang palad ay agad naman sumunod ito kay mama at suma - kabilang buhay na rin , kung kaya ay wala ng ibang pamilya si lola kung hindi ako,”mahabang paliwanag ko rito na naging dahilan naman ng pagtango ng tatlo.                 “Kaya naman pala, siguro ang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon Calix?”Tanong naman ni Sy sa akin, umiling naman ako at ngumiti sa kanila. “Hindi naman, may katulong naman kami sa bahay atsaka malusog pa naman ang lola ko kaya wala akong problema,”nakangiti ko naman na sagot rito.                 “Pero tanong ko lang, nasaan naman ang lolo mo?”Tanong ni Celestial sa akin atsaka nililigpit ang mga papeles na nasa harap nito. “Nasa bahay lang at nanatili sa kwarto ng mga magulang ko,”sabi ko rito, tumaas naman ang kilay ni Celestial at napatigil sa ginagawa nito at tumingin sa akin.                 “Bakit naman? May sakit ba lolo mo?”Tanong nito                 “Oo, may sakit sa utak. Simula noong namatay ang parents ko ay tila nabaliw ang lolo ko dahil sa pagkawala nito. Masakit para sa kaniya sapagkat ito ang paborito nitong anak,”pagpapaliwanag ko. “Kaya naman pala, sorry to hear that Calix. Stay strong , I know kaya mo ‘yan,”pag-e-encourage naman ni Sy.                 Ngumiti lang ako rito.                 Ang weird. Kanina, sobrang seryoso ng mga ito na nakatingin at nagtatanong sa akin at ngayon? Bakit parang nagbago ang mood nila. Tila may mga bipolar disorder.                 “Huling tanong,”sabi naman ni Celestial atsaka tumayo at iniligay sa isang cabinet ang mga papel na dala-dala nito.                 “May balak ka pa bang bumalik sa University mo noon?”Agad naman akong umiling rito na naging dahilan naman ng pag-ngiti nito.                 “Nice, anyway welcome to Jibitngil Institute of Technology University once again. We are glad to have you hear Calix,”nakangiting pagwe-welcome naman ni Celestial at binuksan ang isa pang drawer at may kinuhang maliit na booklet roon.                 “Thank you so much,”pagpapasalamat ko rito. Lumapit naman si Celestial sa akin sabay lahad ng booklet na dala-dala nito. “This our classrooms rules, you have to follow it or else there will be a severe punishment,”seryosong sabi nito na ini-emphasize pa ang salitang severe.                 “Okay, salamat sa inyo.”Sabi ko rito.                 “Maari ka ng bumalik sa classroom natin,”sabi nito sa akin na agad naman akong tumango at lumabas na sa roon at naglakad na pababa.                                 Heto ako ngayon at naglalakad na sa hallway na kung saan kitang-kita ang field mula sa kinatatayuan ko. Ganoon pa rin, may naglalaro pa rin sa field habang may mga babae naman na walang tigil na tumitili sa tabi nito.                 Tinignan ko nalang ang booklet at agad na binasa ang mga nakasulat rito. Introduction lang at iba pang mga speech’s ng officers at deans ang nasa harapan kung kaya agad kong nilipat ang mga pahina papunta sa kung saan naroroon ang mga dapat naming sundin.                 Iyong ibang rules ay napaka-common lang para sa mga classroom rules but may tatlong rules na nakapag-agaw ng pansin sa akin. Things to be followed: 1.       When you saw something just keep quite 2.       Stop meddling with other business 3.       Asking too much questions might lead into something regrettable Note: Failed to follow these will be severely punished.                   Anong ibig sabihin ng mga ito? Saw something? Asking too much questions might lead into something regrettable? What? Anong meron? Syempre magtatanong talaga kaming mga estudyante pag may hindi kami naiintindihan na mga lectures.                 Saw something just keep quiet? What does that mean? Is this about cheating or what? I am confused! Hindi nila ine-explain ng maayos ang rules nila.                 Isinirado ko nalang ito atsaka nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa building ng CCS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD