Chapter 12

2813 Words
“Sino ka?”Utal na tanong nito habang gulat na gulat na nakatingin ito sa akin. Ngumiti lang ako at magsa-salita sana, “Bakit ka nandito?”Dugtong nito biglang napalitan ng takot ang ekspresyon nito.                 Tumaas naman ang kilay ko at nagtataka itong tinignan. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Miss Pres at hinila si Amani sa labas. Nagtataka lang akong naka-tingin sa pintuan kung saan ito dumaan. Tanging si Amani lang ang naglakas-loob mag-ingay sa loob ng classroom na ito kung kaya’t ngayon na wala ito rito ay tahimik na ulit.                 Hindi naman ganoon katagal at ini-luwa ng pinto ang naka-ngiting mukha ni Amani at sumunod naman ang seryosong Miss Pres rito. “Zaria, samahan mo ‘ko sa Canteen. Nagu-gutom ako,”sigaw nito mula sa harap. Tinignan ko naman kung sino ang tinatawag nito at bigla naman na tumayo itong babae sa tabi ko at lumapit kay Amani. Pa-palabas n asana ito ng pintoan ng classroom ng kusa itong bumukas.                 “Amani my baby girl!”Sigaw ng babaeng kakarating lang. Maputi ang kaniyang balat, kulot ang buhok nito, at mula rito sa kina-uupuan ko ay kitang-kita ko ang ganda nito.                 “Omg! Madie!”Sigaw naman ni Amani at agad na lumapit sa babaeng kakarating lang at yinakap ito. “Namiss kita,”sabi nong babae sabay yakap pa balik kay Amani. “Waaaah~ ako rin,”sagot naman pabalik ni Amani, at medyo tumatalon-talon pa ang mga ito habang mag-kayakap.                 “Saan kayo pa-punta?” Tanong noong babae kay Amani pagkatapos nitong bumitaw sa yakap. “Sa canteen, nagugutom ako e’,”sagot naman ni Amani habang hinihimas nito ang tiyan, natawa naman ang babae at napatingin sa likod ni Amani. “Hi Zariaaa!”Bati nito habang kuma-kaway pa.                 Napaka-friendly naman ng babaeng ito. Siguro napaka-popular niya sa school na ‘to, bukod sa maganda siya, e’ hindi pa ito snob.                 “Hi Officers! Hello Classmates, nice to see you again guys!”Napaka-energetic na bati nito habang inilibot ang paningin nito sa buong classroom. Napadako naman ang tingin niya sa akin.                 Heto na naman tayo, magugulat na naman ito at baka hilahin naman ito palabas ni Miss Pres. Nagulat naman ako ng bigla itong naglakad papalapit sa akin hanggang sa nasa harap ko na ito. “Hi, are you new here?”Tanong nito sa akin. Tumango naman ako rito at ngumiti. “Yes, nag-transfer lang ako rito,”sagot ko naman at ngumiti pagkatapos. Nakita ko naman ang excited na mga mata nito at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. “Oh, nice! I am Katharina Leano by the way,”pagpapa-kilala nito sabay lahad ng kaniyang kamay. Tinanggap ko naman ito at ngumiti, “I am Calixta Guevarra, but you can call me Calix,”pagpapa-kilala ko rin dito. Ngumiti naman ito ng sobrang lapad.                 Leano? Hindi ba ito ‘yong pamilya kung saan galit na galit si Lola? Hmmm, masa-sagot na rin ang isa sa mga katanungan ko.                 “Guevarra? Omg. Hindi ka naman siguro galit sa akin diba?”Malungkot na tanong nito, ngumiti lang ako sa kaniya at umiling. “Kung may problema man ang pamilya natin, sa kanila na ‘yon. Isa pa, wala akong alam sa rason kung bakit ganon kaya bakit ako makikisali?”Tanong ko rito. Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat nito. “Hindi mo alam?” Gulat na tanong nito sa akin, tumango naman ako rito .                 Mukhang alam niya kung bakit magka-away ang pamilya namin ah? Tatanungin ko nga ‘to. Kung ayaw sabihin ni lola sa akin ang rason, pwes, maghahanap ako ng paraan.                 “Alam mo?”Tanong ko rito, nakita ko naman kumalma ito. “Oo alam ko,”sagot niya pero hindi na nito natuloy ang sasabihin ng bilang sumigaw si Amani mula sa likod at sinasabing sumama ito na papuntang canteen. “Wait lang, papunta na,”sagot naman niya atsaka tumayo at tinignan ako nan aka-ngiti bago tumalikod. “Wait,”pagpipigil ko rito, agad naman itong tumigil at lumingon sa akin.                 “Bakit?”Tanong nito. “Ma-ari mo bang sabihin sa akin ang rason kung bakit magka-away ang mga pamilya natin?”Tanong ko rito na agad. “Sure pero pu-punta muna kami sa canteen,”nakangiting tugon nito bago tuluyan na umalis.                 Ano ba kasi ang mayroon sa pamilya naming at sa pamilya nila? Nahihiwagaan talaga ako e’, sana naman masagot man lang ang isa kong tanong mamaya. Ayaw na ayaw ni lola sa pagiging mausisa ko, pero ayaw ko lang naman na may naiiwan akong katanungan sa aking isipan na hindi ko masasagutan. It will forever live in my mind not until my questions will be answered. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na, at labing limang minuto nalang at magsisimula na ang unang subject naming.                 Binuksan ko naman ang messenger ko at nag-chat sa GC naming.                 “Napakatahimik naman dito! Hindi ako sanay,”tinype ko bago ko pinindot ang send button, nag-seen naman agad si Patrick at sumunod naman ang iba pa. “Miss mo lang kami Calix, okay lang ‘yan hahaha,”sagot naman nito na agad naman akong napa-ngiti.                 Kung sabagay totoo naman, namimiss ko nga ang mga kaibigan ko.                 “Ganiyan talaga ‘yan Calix pagbagong School Year, new classmates naman kasi,”sagot naman ni Dhanna habang may laughing emoji sa huling parte ng mensahe nito.                 “Hindi e’,old classmates sila. Ako lang ang bagong salta sa room na ‘to, ewan ko ba bakit ang tahi-tahimik nila,”sagot ko rito. Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa paligid.                 Marami ng estudyante ang nasa loob ng classroom, hindi ko man lang napansin ang pag-pasok ng mga ito. Ngunit, bakit ganoon? Bakit halos lahat sila ay nakatingin sa akin habang nag-uusap-usap? May mali bas a suot ko? May dumi ba ako sa mukha? Pero hindi ganoon ‘yon eh. Kitang-kita ko sa mukha nila ang takot, gulat at pagtataka sa mga mukha nito. Ano ba ang meron? Bakit gan’yan nalang sila maka-titig sa akin, akala mo naman may ginawa na akong mali. Tahimik nga lang ako dito sa tabi e’                 Medyo nagulat naman ako ng bahagya ng biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang ngalan ni Maryvil mula rito.                 Agad ko naman kinuha ang headset ko na nasa bag at isinaksak sa cellphone ko bago ko sinagot ang tawag. “Hello,”bati ko rito pag-on ko ng camera, bumungad naman ang mga naka-ngiting mukha nila Louise, Dhanna at Maryvil. “Hello mem, kumusta ka diyan?”Tanong naman ni Louise habang naka-ngiti itong may dala-dalang bacon. Kuma-kain pa yata ito ng umagahan sa school.                 “Okay lang naman,”sagot ko rito. “Ano ‘yong sabi mo sa gc na ang tahimik ng room mo?”Tanong naman agad ni Dhanna, ngumiti lang ako sa kaniya. “Listen kung may naririnig ka ba,”tugon ko at agad akong tumahimik.                 “Hala? Oo nga no’? Library ba ‘yang classroom mo?”Birong tanong naman ni Marvil atsaka kinain ang dala-dala nitong waffle. “Akala ko nga rin e’,”natatawa kong sabi rito. Magsasalita pa sana si Dhanna ng biglang bumukas ang pinto kung kaya’t napatingin ako rito at pumasok naman doon ang isang lalaking nakasuot ng pormal na damit at may dala-dalang laptop.                 “Memsk, I have to go. Nandito na Instructor naming,”pagpapa-alam ko rito, tumango naman ang mga ito at agad kong pinatay ang tawag atsaka ipinasok sa bag ang cellphone at headset ko.                 “Good Morning class,”bungad na bati nito sa amin at agad na inilapag ang laptop sa table nito at binuksan. “How’s your summer vacations?”Nakangiti nitong tanong habang inililibot ang paningin nito. Iba’t-ibang sagot naman ang na-ani ni Sir sa amin, ang iba kinulagan, ang iba naman ay okay lang at iba pa.                 Natigil naman ito sa akin at agad na ngumiti, “It seems like we have a transferee,”nakangiti nitong sabi atsaka sinenyasan ako na tumayo. Tumayo naman ako agad, “Can you introduce yourself?”Utos nito, agad naman akong tumango at niting humarap sa mga kaklase ko. “Hi, I am Calixta Guevarra. I am from Cebu City but I recently transferred here for some personal reasons. My former school was University Of Cebu. I am hoping that we will get along well,”naka-ngiti kong bati rito. Agad ko naman nakita ang pag-buntong hininga ng iba ko pang kaklase at ngiting napatingin sa akin.                 Kanina, takot itong mga ‘to sa akin pero ngayon na nakapagpapakilala na ako ay parang bumait ang mga ito? ‘yong totoo? Akala ba nila na masama akong estudyante at itinapon sa paaralan na ito?                 “Oh, thank you Miss Calix. You can now take your seat,”ngiting sabi nito na agad naman akong tumango bago umupo. “So Hi guys, alam ko na kilala niyo na ako but dahil sa may transferee tayo. Let me introduce myself. I am Sir Jecris Ortega, I am your instructor for your major subjects such as; databases, application development, network and as well as web development. You can call me Sir Ortega,”pagpapakilala nito. Agad ko naman kinuha ang notebook at ballpen ko at isinulat ang pangalan ni sir at ang mga subjects na sinabi nito.                 “So now, Hindi muna tayo magle-lecture but instead we are going to discuss how you guys being graded. Ano nga ulit ang subject na ito?” Tanong nito habang kinakalikot ang laptop nito. “AppsDev po sir,”sagot naman ni Miss Pres. Tumango naman si Sir. Pagkatapos non ay agad naman itong isinulat sa board ang grading system, so 10% pala sa grade ang attendance? Pag hindi ako nag-absent the whole sem is secured na ang 10% ko? While mas may malaking epekto talaga ang performances atsaka laboratory activities sa grade namin kaysa sa major exams.                 “That’s how you being graded, keep that in mind guys and know your responsibilities as a student,”pa-alala nito, agad naman ako nag take-note.                 Lumipas ang tatlong oras at iyon pa lang ang subject na natapos naming, kinuha ko naman ang study load at nakitang may 1 hour break kami bago ang susunod na subject.                 So isang oras sa Lecture at dalawang oras sa laboratory, kaya pala 3 hours nag-daldal si Sir. “Okay, that would be all for now. See you later,”sabi nito atsaka lumabas na sa classroom namin. Nag-simula ng mag-ingay ang mga kaklase ko kung kaya ay bilgla akong naguluhan.                 Ang tahimik nila kanina tapos ngayon ay ang ingay-ingay na nila? ‘yong totoo naguguluhan ako sa classroom nito, napaka-bipolar ng mga tao. Nagkibit-balikat nalang ako at nagsimulang isulat ang schedule sa aking notebook.                 “Hi Calix!”Rinig kong bati sa akin kung kaya ay agad ko itong tinignan at nakitang si Amani lang pala ito. Agad ko naman na sinarado ang notebook ko at hinarap ito na nakangiti, “Hello Amani,”bati ko rito. Napakamot naman ito sa ulo niya, “Pasensya ka na sa inasal ko kanina, nagulat lang talaga ako na may transferee. Bihira lang kasi ang ganon sa seksyon naming,”pagpa-paliwanag niya. Tumango lang ako rito at ngumit.                 “Okay lang walang problema. Nai-intindihan ko,”sabi ko rito. Agad naman nitong hinila ang upuan niya na kaharap lang sa inu-upuan ni Zaria at iniligay sa tabi ng table ko. “Nice to meet you, I hope we can be friends,”sabi nito at agad naman akong ngumiti at tumango.                 “Ako sa’yo Calix, hanggang maaga pa layuan mo na ‘yan,”sabi naman ni Zaria kung kaya ay napa-tingin ako rito at abala lang ito sa pagbabasa ng libro.                 “Heh! Manahimik ka riyan Zaria ah. Hindi kita ina-ano sa pagiging nerd mo,”reklamo naman ni Calixta na agad naman nitong inirapan si Zaria at humarap sa akin. “Huwag mo ‘yang pansinin,”medyo bulong na sabi naman ni Amani. “Makinig ka kay Zaria Calix,”sang-ayon naman ni Kath nang  humarap ito sa amin. Ngayon ko lang napansin na sa harap ko pala naka-upo si Kath.                 “Madie! Pati ba naman ikaw ay ina-away ako? How dare you,”nagtatampong sabi nito at sumimangot, natawa naman ako sa ka-kulitan ni Amani.                 “Huwag mo na talagang pansinin ‘yan. Guguluhin lang ni Amani ang mundo mo,”natatawa naman na sabi ni Kath rito.                 “Magta-tampo talaga ako, at pag ako nagtampo bibilhan mo ‘ko ng isang litrong icekwim!” Nakakunot-noong sabi naman nito kay Kath. Agad naman na lumaki ang mga mata ni Kath.                 “I am just joking. Calixxxx, kaibiganin mo ‘yan. Sobrang bait ng babaeng ‘yan,”sabi naman ni Kath. “Praise me more,”nakangising sabi naman ni Amani kay Kath.                 “Aba, ano ka? Sine-swe---,”ngunit hindi na nito natuloy ang sasabihin nang nakita nito ang pag-taas ng kilay ni Amani.                 “Sabi ko nga sobrang ganda mo kaya nararapat lang sa’yo na magkaroon ng sobrang daming kaibigan at isa pa napaka-sarap nitong kasama. Hindi ka talaga mabo-bored,”pilit na pagpupuri nito kay Amani. Nakita ko naman ang pag ngiwi ni Kath. Natawa naman ako sa dalawang ‘to.                 “Pero ‘yong totoo talaga? Anong klaseng kaibigan si Amani? Baka mag-eexpect ako pero at the end, disappointment lang aabutin ko,”natatawa kong sabi rito na agad naman nagpasimangot ni Amani.                 “Pati ba naman ikaw?!”Reklamo ni Amani. “What?”Natatawa kong inonsenteng tanong rito.                 “See? Pati si Calix, napaghahalataan ka,”sabi naman  ni  Zaria na agad naman itong nilingon ni Amani at tinulak ng pabiro ang libro.                 “gusto mong masapak Amani?” Nagbabantang-tanong ni Zaria na agad naman napakamot si Amani sa kaniyang ulo.                 “Joke lang boss,”sabi nito atsaka humarap sa akin. “Galawin mo na lahat, ‘wag lang ang libro ni Zaria,”pa-alala nito saka bumuntong hininga.                 Hindi naman na pansin ang oras at bigla nalang pumasok si Sir Ortega.                   Buong araw ay ganoon lang ang dini-discuss ng mga instructor namin at hindi na naming napansin na uwian na pala.                   “Sa wakas! Makaka-uwi na rin,”rinig kong sabi ni Amani atsaka humarap kay Zaria. “Ice Cream tayo?”Aya naman nito sa kaniya. Agad naman na tumango si Zaria at niligpit na ang mga gamit nito.                 “Calix, Kath. Gusto niyo sumama? Ice Cream tayo diyan sa labas ng school,”aya nito sa amin                 “Sure! Tara na, go na go ako!”Sagot naman ni Kath at agad na niligpit ang mga gamit nito. “How about you Calix?”Tanong nito sa akin. “Oo game ako,”naka-ngiti kong sabi atsaka tumayo na at isinabit ang bag sa likod ko.                 Tumayo na rin ang tatlo at nauna ng maglakad sina Amani at Zaria at sumunod naman kami ni Kath.                 Pagkalabas naming ng Classroom ay nagulat ako sa dami ng estudyante na nakatayo sa hallway at may kaniya-kaniyang grupo. Karamihan sa kanila ay nag-uusap-usap lang at ang iba naman ay parang may hinihintay.                 “Bilisan na natin baka maunahan tayo sa elevator,”sabi naman ni Amani at halos patakbo itong naglakad. Sumunod nalang kami rito at pagsini-swerte ka nga naman ay walang tao ang elevator. Agad kaming pumasok dito at pinindot ang Ground Floor.                 “Pwew, akala ko talaga maraming tao na ang naka-abang rito,”sabi naman ni Amani atsaka napabunton-hininga. “Ang tamad mo talaga, pwede naman tayo mag-hagdan e’,”sabi naman ni Zaria habang ina-ayos ang suot – suot nitong eyeglasses.                 “Kasali sa tuition natin itong elevator at sayang naman kung hindi natin gagamitin hindi ba?”pagra-rason ni Amania, napa-irap nalang si Zaria.                 “Tama-tama!”Sang-ayon naman ni Kath. “Ang sabihin niyo tinatamad lang kayo,”natatawa kong sabi na agad naman nag wink si Amania. “Tama ka diyan friend,”sang-ayon naman ni Kath. Napa-iling nalang ako at kasabay non ang pagbukas ng pinto ng elevator.                 Bumungad naman sa amin ang mga ibang estudyante na nag-aabang sa harap ng elevator, agad naman kaming lumabas at nagtungo sa exit ng building ng IT.                 “Daan muna tayo sa Registrar ibibigay ko lang ‘tong ibang papeles na hinihingi ng school,”sabi ko naman sa kanila. Sumang-ayon naman ang mga ito at agad kaming nag-tungo sa registrar.                 Pagkatapos kong ibigay ang mga papers ay nagtungo na kami sa entrance ng school at lumabas na. Naglakad lang kami ng ilang saglit bago kami nakarating sa isang shop na may logo na ice cream na may nakasulat na ‘Riyann’s Ice cream’.                 Agad kaming pumasok roon at bumili ng kanya-kaniyang ice cream at ang binili ko ay cookies and cream.                 Pagkatapos ay agad naman kaming lumabas at nakatayo lang dito sa tabi ng daan. “Dito lang tayo, hini-hintay ko pa si Papa. Siya kukuha sa’kin e’,”sabi naman ni Kath habang dinidilaan ang ice cream na binili nito.                 “Tatawagan ko lang muna si lola,”pagpapa-alam ko rito at agad naman tumango ang mga ito. Medyo nahihirapan pa akong kunin ang cellphone ko, kasi ‘yong isa kong kamay ay naka-hawak sa ice cream at iyong isa lang ang ginamit kong pambukas ng zipper.                 Nang makuha ko na ang cellphone ko ay agad kong tinext si lola na magpapasunod na ako at agad naman itong nag-reply na papunta na raw siya.                 Ilang sandali pa ay dumating na ang sundo ni Kath at agad naman kaming nagpa-alam sa kaniya, ganoon din naman sina Zaria at Amani. Hindi naman ganoon katagal at dumating na rin si Lola.                 “Bye, See you tomorrow guys,”sabi ko rito at agad silang niyakap bago ako sumakay .                 “Mukhang may mga kaibigan ka na,”bungad na sabi ni lola sa akin. Tumango naman ako, “Mababait naman po sila,”sabi ko rito.                 “Kumusta naman first day mo?”Tanong ni lola sa akin. “Okay lang naman po, “sagot ko rito. Tumango naman ito at tahimik lang kami buong biyahe                 Hindi ko masabi kay lola na may kaklase akong Leano, baka magalit lang ito at ilipat pa ako sa ibang seksyon. Siguro itatago ko muna ito hanggang sa malaman ko ang totoong rason bakit magka-away ang pamilya namin.                 Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa nakarating na kami sa  bahay at agad akong umakyat sa taas para magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD