Calixta's Point of View. Lumipas na ang ilang linggo at na tapos na rin sa wakas ang final examination namin. Ngayon ay ina-asikaso na lang namin ang mga proyekto na kailangan ipasa bago makapag-bakasyon. Bukas na ang napag-planohan namin na outing. "Handa na ba lahat ng dadalhin mo?" Tanong ni Lola habang tinutulungan ako mag-empake ng gamit. "Opo, lola." Tugon ko sa kaniya. Gusto niya raw tumulong sa akin dahil ito 'yong pinaka-unang beses na susuportahan niya ang pamilya niya sa mga ganitong bagay. Ngayon ko lang din nalaman na hindi rin pala pinapayagan sila mama at tita sa mga outing, kahit malapit lang ito sa bahay ay ayaw na ayaw ni lola. "May pera ka pa ba?" Tanong nito at kinuha ang wallet nito sa kaniyang bulsa. Natawa naman ako sa ginawa nito at lumapit

