Calixta's Point of View Nasa ilalim ako ng isang malaking puno at sa tingin ko ay napaka-pamilyar nito sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ito. Napatingin ako sa aking mga kamay at nakita ang maliliit kong daliri. Nasaan ba ako? Sumunod na ba ako sa mga kaklase ko at sa mga magulang ko? "Lix! Hali ka rito!" Sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na limang taong gulang. Naka-upo ito sa harap ng isang bush na sa tingin ko ay may kinu-kuha mula rito. "Hoy! Hali ka nga rito!" Sigaw nito ulit at kumaway sa akin. Hindi ko alam kung sino ang batang ito ngunit napaka-pamilyar ng kaniyang mukha. Kusang naglakad ang mga paa ko at lumapit sa bata atsaka umupo sa kaniyang tabi. "Ano 'yan?" Tanong ko rito. Kusa lamang nagsalita ang bibig ko at tila ba may sariling buhay ang kata

