Calixta's Point Of View Ngayon ay papunta na ito sa cliff upang doon tumalon at lumangoy papunta sa floating cottage. Bahagyang napapa-talon pa ako sa tuwing nadadapa ito habang papa-akyat roon. Sa tingin ko ay matutulis ang mga bato at hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng sugat itong si Harold. Napangiwi ako ng maalala ko kung gaano kahapdi ang sugat kapag nalagyan ito ng tubig ng dagat. Kaya kaya ni Harold na tiisin ang hapdi ng mga sugat niya? Naku naman. Hinanap ko naman ang mga kaibigan ko at napa-iling na lang ng makita ko si Kath at Amani na nagtu-tulakan habang papunta sa harap ng restaurant. "Matatalo talaga ang mga 'yan," Ani ni Zadie at napapa-iling na lang. "Nag-eenjoy lang ang mga 'yan, ayaw yata nila ng prize,"tugon ko sa kaniya, tumawa lang si Zadi

