Chapter 16

2539 Words
                “Apo,”rinig kong tawag ni lola sa akin, napatingin naman ako rito. “Bakit po?” Tanong ko rito. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa labas.                 Galit kaya si lola sa nangyari kagabi? Ewan ko, wala naman akong kasalanan para magalit siya sa akin. Akala ko lang naman na may naka-pasok sa bahay kaya may narinig akong kaluskos, hindi ko naman inaasahan na si lolo lang pala iyon.                 “Pasensiya ka na sa inasal ko kagabi,”mahinang sabi nito, napalingon naman ako rito at ngumiti. “Okay lang po, pasensiya rin at hindi ako nakinig sa’yo.”Sabi ko rito, umiling lang si lola. “Hindi, inilalayo lang kita sa lolo mob aka masaktan ka no’n, alam mo naman na wala iyon sa tamang pag-iisip,”paliwanag nito.                 Oo nga, pero ano ang ibig sabihin ni lolo sa sinabi nito kagabi? Sa nakikita ko hindi naman baliw si lolo. Siguro nalungkot lang ito at ayaw matanggap ang pagkamatay nila mama, kitang-kita ko ang mukha ni lolo kahapon at sigurado ako na nasa katinuan pa siya.                 “Opo,”tanging sabi ko rito at agad nag-iwas ng tingin.                 Hindi ko alam pero parang may alam si lolo sa mga nangyayari. Bakit gusto ni lolo na umalis ako? Anong meron? Bakit ayaw sabihin nila Amani ang tungkol sa building na ‘yon? Araw-araw halos maraming tanong ang dumadagdag sa sarili ko at ni isa sa mga ito ay walang sagot. Ngunit mas lalo akong nahihiwagaan sa kini-kilos ni lola atsaka lolo. Anong sekreto ba ang meron sa pamilya namin? Bakit wala man lang akong ka-alam-alam. Kahit nga tungkol sa Negosyo nito. Akala ko pa naman normal lang kami na pamilya, ‘yon pala ay isa sa mga sikat sa isla na’to ang pamilya ko. “Lola, Sikat po ba ang business niyo?” Tanong ko rito, nakita ko naman ang bahagyang pag-tango nito. “Oo sikat sa isla na ‘to ang business ng pamilya natin. Alam mo naman siguro na may hardware tayo, pala-isdaan atsaka isang grocery store diba?” Tugon nito, agad naman akong umiling bilang sagot.                 “Wala po akong alam sa mga Negosyo ng pamilya natin lola. Never naman binanggit ni tita ang mga tungkol sa ganiyan,”sabi ko rito na naging dahilan ng pag-iling ni lola. “Kahit kailan talaga itong tita mo,”sabi nito. “Baka ayaw lang isipin ni tita ang stress na dulot ng mga Negosyo niyo po,”tugon ko.                 “Siguro nga pero sana naman pina-alam man lang sa’yo ang mga Negosyo na mayroon ang pamilya natin,”sabi nito atsaka pinihit ang manobela papa-liko papunta sa basketball court.                 “Ang tanging alam ko lang na Negosyo ng pamilya po ay ang pala-isdaan, hindi ko naman alam na may iba pa pala tayong Negosyo,”sabi ko. Agad naman itinigil ni lola ang sasakyan nang makarating na kami sa laging pinagpa-parkingan ni lola sa sasakyan.                 Bumaba na ako atsaka dinala ang gamit ko at bumaba na, sunod naman bumaba ito at sabay na kaming naglakad. “Buti na lang at may alam ka kahit isa, pero ang masasabi ko lang ay may dalawa pa tayong Negosyo bukod diyan sa alam mo,”paliwanag nito. Napatango naman ako kahit alam ko na hindi ako nito nakikita.                 “Oo nga pala lola, bakit hindi ka na lang magpagawa ng garage para hindi mo na kina-kailangan maglakad,”sabi ko rito, narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. “Nagre-reklamo ka na ba apo?” Tanong nito.                 “Wala po, na-curious lang po ako. May hardware naman po kayo bakit hindi nalang kayo nagpatayo ng garage para sa sasakyan?” Naka-taas kilay kong tanong. “May plano naman ako pero baka sa susunod na buwan pa masisimulan, binili ko ‘yong lupa likod ng bahay natin para doon ko nalang idaan ‘yong sasakyan at doon na rin ang garahe,”paliwanag nito. “Ah okay po,” Sabi ko rito.                 Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay, sumalubong naman sa amin si  Lea na nakasuot pa ng apron. “Anong ginagawa mo?”Tanong ko rito. Itinuro naman nito ang apron niya. “Ha?” Naguguluhan kong tanong rito.                 “Sabi ko, ka-katapos ko lang manghugas ng pinggan,”sabi nito.                 “Pwede naman kasing sabihin bakit pa kailangan mag-sign language, juskolord,”reklamo ko rito at inirapan siya. Nag-peace sign naman ito. “Mag-luto ka na ng pagkain para mamayang hapunan Lea, tawagin mo nalang kami pagtapos na. Ikaw naman, magpahinga ka sa kwarto mo. Maaga kang nagising kanina kaya alam kong pagod ka,”utos ni lola. Tumango naman ako atsaka nagtungo na sa kwarto ko.                 Agad naman akong nagbihis at humiga sa kama.                 Hays, bakit ganoon? Hindi mawala sa isip ko ‘yong building na ‘yon. Bakit ba ayaw sabihin nila Amani ang tungkol sa building na’yon, ano bang meron? Atsaka, bakit ba ayaw nil ana pag-usapan namin ang old building na ‘yon? Anong pagsisisihan ko pag nagtanong ako sa lugar na iyon? Grabe naguguluhan na ako, sobrang sakit na ng ulo ko. Isa pa ‘yong rules nila, sobrang napaka-weird. May extra 3 rules na hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin.                 Tumagilid naman ako sa pagkakahiga at napatitig sa kamay ko. “Kailan ko kaya makakamit ang hustisya  ni tita atsaka masasagot ang mga tanong ko?” Tanong ko sa sarili ko.                 Napabalikwas naman ako ng bangon ng makarinig ako ng sobrang lakas na kalabog mula sa labas. Agad naman akong lumapit sa kwarto at binuksan ang pinto.                 Nakita ko naman si lola at iyong care taker ni lolo na pinagtutulungan na hinihila papasok sa loob ng kwarto. “Papunta na ang anak ko, umalis kayo,”rinig kong sigaw ni lolo. “Manahimik ka Roberto, pumasok ka sa loob ng kwarto,”medyo galit na sigaw ni lola rito. Lalabas sana ako ng biglang nag-flashback sa utak ko ‘yong nangyari kagabi, kaya ay napa-atras nalang ako at patuloy na nakatingin sa mga ito.                 “Umalis ka, ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko. Bakit naririto ka pa!”Galit na sigaw ni lolo kaharap si lola.                 Si Lola? Ang dahilan ng pagkamatay nila mama? Impossible naman, bakit naman papatayin ni lola sila mama? Nakita ko naman ang galit sa mga mata ni lolo na nakatitig kay lola.                 “Hindi ako Roberto, bumalik ka na sa kwarto at magpahinga,”lumambot na ang boses ni lola. “Huwag kang magpapakita sa akin! ‘wag mo akong hawakan!”Sigaw ni lolo at pinipilit na makawala sa pagkakahawak ni at nong caregiver. “Ngayon babalik ang anak ko! Umalis ka! Ayoko sa’yo! Pinatay mo ang mga anak ko!” Galit na sigaw ni lolo rito na maririnig mo sa kahit na saang sulok ng bahay.                 Nakita ko pang may binulong si lola rito pero hindi ko na iyon narinig, ilang sandal pa ay dumating naman si Lea na may dala-dalang injection.                 Tinusok naman ito ni lola sa braso ni lolo, at ilang sandal pa ay unti-unti na itong nanghihina, “kinasusuklaman kita,”huling sabi ni lolo bago ito mawalan ng malay.                 Ipinasok naman nila lola si lolo sa kwarto, at heto ako naiwan na tulala sa pinto. Hinay-hinay ko lang sinarado ang pinto at tulalang bumalik sa higaan ko.                 Anong ibig sabihin ni lolo? Si lola? Si lola ang pumatay kila mama? Impossible, No! Naniniwala na ako na nababaliw na si lolo. Hindi e’, impossible ‘yon. Alam ko sa sarili ko na hindi si lola ang rason.                 Nagulat naman ako ng biglang may kumatok sa pinto, nagda-dalawang isip pa ako na bubuksan ito.                 Paano pag si lola ‘to? Baka patayin niya---No! Calix! Naniniwala ka na magagawa ng lola mo ‘yon sa mga anak niya?                 “Calix?”Rinig kong tawag mula sa kabilang bahagi ng pintuan, si lola.                 Hinay-hinay akong tumayo at lumapit sa pinto.                 Nagda-dalawang isip ako na hawakan ang siradora ng pinto. “Calix, alam kong gising ka. Kakain na tayo,”sabi nito.                 Huminga naman ako ng malalim at pikit matang hinawakan ang siradora ng pintuan at pinihit ito upang buksan. “Natatae ka ba iha?”Rinig kong tanong rito kung kaya ay iminulat ko naman ang kanang mata ko at sinunod ang kaliwa atsaka awkward na ngumiti.                 “Hindi po,”utal kong sagot rito at ngumiti. “Kung gayon ay halika na, kakain na tayo.”Sabi nito, tumango naman ako at lumabas sa kwarto at sumunod sa kaniya pababa.                   “Hoy Calix, ang tagal mo ah,”reklamo ni Lea atsaka ngusong nakatingin sa akin. “Hilahin ko ‘yang nguso mo e’,”sabi ko rito, dumiwal naman ito ng parang bata at umupo sa bakanteng upuan na kaharap ko. “Ayusin mo lang na masarap ‘tong pagkaka-luto mo,”nakangisi kong banta rito.                 Pilit kong ina-alis ang awkwardness na namamagitan sa amin ni lola at sa takot na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni lolo kanina. Kailangan kong mag-panggap na okay lang lahat kung ito lang din naman ang magiging paraan para malaman ko ang buong storya sa pamilya naming.                 “Excuse me, pag natikman mo ‘yang luto ko? Pustahan tayo, makakalimutan mo pangalan mo,”proud na sabi nito sabay sandok ng pagkain. “Baka kamo masuka ako dahil sa lasa ng niluto mong pagkain,”nang-aasar kong sabi rito. Kumunot naman ang noo at mariin akong tinignan. “Alam mo, epal ka talaga,”inis na sabi nito sa akin habang nakaturo pa sa akin ang tinidor na hawak-hawak nito. Dinilaan ko lang ito atsaka inirapan. “O sya, tam ana ‘yan at kumain na tayo. Kanina pa kayo nagbabangayan, naku naman mga bata kayo,”sabi ni lola. Natawa naman ako at nag-make face kay Lea bago ako kumuha ng mga pagkain.                                 Habang kumakain kami ay kitang-kita ko kung gaano ka postura kumain si lola, mula sap ag-upo nito at sa pag-nguya ng pagkain. Ito? Magiging dahilan ng pagkamatay nila mama? Impossible. Takot nga siya sa dugo ang pumatay pa kaya?                 “Kanina ka pa nakatitig apo, may gusto ka bang sabihin o itanong?” Sabi nito atsaka pinunsan ang bibig at tumingin sa akin. Lumaki naman ang mga mata ko at tumikhim. “Uh, wala naman po akong gusting sabihin, may tanong lang po ako,”sabi ko rito. Agad naman sumeryoso ang mukha ni lola na nakatingin sa akin na tila ba binabantaan ako sa itatanong ko.                 Umiwas lang ako ng tingin at napatingin sa plato ko, “Kanina po kasi ay ipinatawag ako ng SAO,”sabi ko rito, narinig ko naman na umubo si Lea kung kaya ay napalingon ako sa kaniya. “Sorry, ahem, 2nd day of school Calix may atraso ka na agad?”Gulat na tanong nito. Inirapan ko lang ito, “Wag kang sumabat, hindi ikaw kausap ko,”sabi ko rito at dinalaan siya.                 “Ano naman ang tungkol sa SAO?”Seryosong tanong ni lola habang hinihiwa ang karne nito. “Normal lang po ba sa school na magtanong patungkol sa background ng family ko?”Tanong ko rito, agad naman itong napatigil sa paghiwa at nakatingin pa rin ito sa kaniyang plato.                 “What do you mean?”She asked. “Well, pinatawag nila ako kanina at tinanong ang background ko. Including how my parents died and how shock they were when they found out na apo ako ng isa sa mga may malaking impluwensiya sa isla na ito,”sabi ko. Nagpatuloy naman ito sa paghihiwa at tila ba nakahinga ng maluwag.                 “Iyon lang ba?”Tanong nito, tumango naman ako. “Buti naman,”sagot nito. “Po?”Ulit na tanong ko rito.                 Buti naman? Na ano? Buti naman na iyon lang ang itinanong ng SAO sa akin? O what?                 “Nothing, did you answer them honestly?”seryosong tanong nito, tumango naman ko. “Okay, good girl. Next time they will ask you questions about our family, relay my message,”sabi nito.                 “Ano po ‘yon,”tanong ko.                 “I’ll sue them,”seryosong sabi nito. Natahimik naman ako at napatingin kay Lea na abalang kumakain.                 Sue them? Why? Masyado bang confidential ang pamilya naming at kailangan nitong itago ang lahat ng bagay patungkol sa family namin?                 “Do you understand?”Tanong nito. “Yes lola,”sagot ko rito.                 Isang mahabang katahimikan naman ang dumaan sa aming tatlo at tanging ang tinig lang ng kutsilyo at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig mo.                 “Do you still have something in your mind?”Tanong ni lola na agad naman akong napatingin rito. Ubos na pala ang pagkain niya.                 “I am just confused lola,”sabi ko rito. Tumaas naman ang kilay ni lola sa sinabi ko.                 “About what?”Tanong nito.                 “About the rules of my class too, it seems odd,”sabi ko rito, nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat nito.                 “What do you mean odd?”Tanong nito.                 “It says there that when we saw something we---,”hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang tumayo si lola.                 “You belong into Class A?”Tanong nito na halos pasigaw na, hinay-hinay naman akong tumango rito.                 Bakas sa akin ang gulat at takot sa mukha ko.                 “Again? Bakit ba hindi tayo maiwan-iwan na iyan!”Reklamo ni lola habang naglalakad pabalik-balik na tila ba hindi niya alam kung ano ang gagawin. “Lola…,”tawag ko rito. "Mas lalo naman akong nagulat ng bigla itong lumapit at hinawakan ako sa magkabilang braso.                 “Apo, always follow the rules okay?”Nag-aalalang pa-alala nito. “Do you understand apo?”                 Hinay hinay naman akong tumango at binitiwan naman ako nito at niyakap. “Not again…,”rinig kong bulong nito. “Po?”Tanong ko rito pero binitiwan niya lang ako sa pagkakayakap at umiling bago dali-daling umakyat sa taas.                 Anong nangyari kay lola?                 Napatingin naman ako kay Lea na naka-ngangang nakatingin sa akin, “Ano?”Tanong ko rito.                 “Anong nangyari kay madam?”Tanong nito sa akin, ngunit nagkibit-balikat lang ako atsaka tumayo at umakyat na sa kwarto ko.                 Hindi ko alam kung baki ganon nalang ang naging reaksiyon ni lola ng malaman nito na nabibilang ako sa Class A. Hindi kaya alam nito na kaklase ko ang isa sa mga Leano? Pero hindi naman siguro kasi bigla naman lang ito nag-alala na tila ba ayaw niya sa seksyon na ‘yon.                 Napabuntong-hininga nalang ako at magpapatuloy na sana sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni lola na tila ba may kinaka-usap. Alam kong masama ang making pero hindi mawala sa akin ang pagka-curious.                 Lumapit pa ako sa pinto para mas klarong marinig ang pinag-uusapan nito.                 “I want you to transfer my grandchild into the other section!”Sigaw ni lola rito, natahimik naman ito ng ilang saglit. “No! Transfer her now!”Mas lalo ko pang idiniin ang tenga ko malapit sa pinto.                 “Why?”                 “Wala akong pakealam kung puno na, put an extra chair and table sa ibang classroom. Just transfer my grandchild!”                 “Why can’t you understand?”                 “Ilipa---”                              “Hello?!”                 Iyon ang huli kong narinig bago ko marinig ang malakas na pagtapon ng mga gamit sa loob ng kwarto ni lola. Nagulat naman ako ng marinig ko ang footsteps nito na tila ba naglalakad ito palapit sa pintoan kung kaya ay dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko at sinarado ang pinto.                 Pwew! Muntik na ‘yon.                 Dali-dali naman akong pumunta sa kama at humiga, iniisip ang mga reaksiyon ni lola at sa kausap nito sa telepono. Feeling ko ang school ang kausap nito, pero bakit naman? Bakit kailangan pa niya akong ilipat sa ibang seksyon, masaya naman sa seksyon A.                 Isa pa, ayaw ko na lumipat kasi may mga kaibigan na ako at doon ako nabibilang. Ano ba kasi ang meron? Dalawang araw palang ng pasukan pero ang dami ng nangyayari. Dalawang araw pa lang ng pasukan pero ang laki na ng epekto kay lola.                 Naka-kapagod ang araw na ‘to, gusto ko magpahinga. Hindi ko yata kayang tumagal sa lugar na ito. Sobrang napaka-daming misteryo, ngunit hindi man lang ito mapaliwanag. Bumalik nalang kaya ako sa city at mamuhay ng normal? Maba-baliw yata ako pag-nagtagal pa ako sa lugar na ito. Ngunit paano sila lola at lolo? Ugh! Kainis! Kung may sagot lang sana ako sa mga tanong ko edi sana wala ng problema.                 Napabuntong-hininga nalang ako atsaka ipinikit ang mga mata ko at hinayaan na lamunin ako ng kadiliman.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD